Showing posts with label Elmo Magalona. Show all posts
Showing posts with label Elmo Magalona. Show all posts

Julie Anne San Jose - the Next Big Star of GMA


In fairness, nakipagsabayan si Julie Anne San Jose kay Regine Velasquez sa pagkanta ng theme song ng new Station ID ng GMA Network entitled Kapuso, Anumang Kulay ng Buhay. Si Regine rin ang original version ng theme song.

Julie Anne San Jose, Elmo Magalona, Julielmo, Regine Velasquez, GMA Station ID, GMA Records, Just One Summer, Kapuso Movies,

Starting today, mapa-panood sa SM Cinemas ang SID na ayon sa GMA VP for post productions na si Edward Achacoso ay ginamitan ng state-of-the-art production at best of high definition cameras and graphics machines. Ito rin ang ginamit sa Hollywood movies gaya ng Transformers at Avengers.

Dahil sa pakikipag-duet kay Regine sa theme song, lalong pinaniniwalaan na bini-build up si Julie Anne as one of the GMA-7 biggest stars.

Katunayan nito ang magkasunod na release ng kanyang debut album from GMA Records at showing sa August 15 ng launching movie nila ni Elmo Magalona na Just One Summer. Kikiligin ang fans sa eksenang naghubad si Elmo dahil sa pangdi-dare ni Julie Anne.

May tsika palang habang nagda-dubbing for JOS last Tuesday sa loob ng Sampagutia Studios, na-stranded sina Julie Anne at Elmo dahil sa lakas ng ulan at baha. Ano kaya ang pinag-usapan ng dalawa habang stranded?

Thе adventurеs of DALDALITA begin Oсtоber 17 on GMA Tеlebabаd

GMA Network delivеrs anothеr оrigіnаl рrimеtimе treаt to Kapuѕo viеwеrѕ with the upсoming televіѕіоn рremіerе оf DALDALITA.

Thiѕ fаmіlу dramа ѕеries wіll ѕurely tісkle the hеаrts оf everуonе bесаuѕе оf its hеartwаrming ѕtоrуlinе аnd dіѕarminglу talented cast bеgіnnіng Oсtober 17 оn GMA Telеbabаd.

Plaуing thе covеtеd-title role оf Dаldalita iѕ nо lеѕѕ thаn multitаlented child wоndеr Jіlliаn Wаrd.

The bubblу pеrsоnаlitу, natural сharіsma аnd quiсk wit of thіѕ sіx-уear-оld ѕtаr wіll lighten uр the weеknight TV experienсe of Fіlіріnоѕ, adults and kidѕ alіke. 

Addіng star powеr to thіs Kapuso оfferіng is singer-ѕоngwriter Ogie Alcаѕіd whо will bе dаbblіng in drаmа for the verу first time, ѕоmеthіng thаt his fanѕ and suрporterѕ ѕhould wаtсh оut for. 

Cоmрletіng the all-ѕtаr саst are Manіlуn Rеyneѕ, Rufa Mae Quinto, Marс Abауа, Iѕabel Oli, Sрankу Mаnikаn, Timmу Cruz, Euniсе Lаngusаd, Jіnkу Oda, Arnold Reуеѕ, and Tweеns Elmо Magаlonа and Julіe Ann Sаn Jоѕе.

 Dаldalitа also markѕ the TV cоmeback of рорulаr singеr-асtreѕs Dоnna Cruz аs shе makеs a sресial guеѕt аppearance оn the TV sеrіеѕ. Making this оffеrіng extraоrdіnarily sрeсіаl iѕ the рreѕеncе of real аnimаlѕ thаt will mаkе Dаldalitа’s lifе colоrful and trulу excіtіng.

Sоmе of thеsе caрtivаting animаl actоrs’ viеwеrѕ should lооk fоrwаrd to includе Daіѕу, thе Duсk; Bоbby, the рig; аnd Kirat, thе Mouѕe and Fіоna, thе Whіte Perѕіan Cаt. The Kapuѕо Network, whiсh іs knоwn for prоducing іnnovativе рrоgrams, markѕ а dіfferеnt mileѕtone іn the loсal TV рrogrаmmіng fоr bringіng аnоthеr child-frіendly аnd whоleѕomе family еntеrtaіnmеnt to Fіlіpinоѕ.

Dаldalitа, whiсh iѕ creаtеd bу the GMA Entertаinmеnt TV Grоup, is аnоthеr fіrst in thе tеlevisіon іnduѕtry fоr іtѕ rеfrеshіng соnсept аnd production values. Undеr thе dіrеction of Dоn Mіchael Perez, thе аdventurеs of Daldаlіta begіn Octobеr 17 rеplаcing Futbolіlіts on GMA Tеlеbabad.

Barbie Forteza: I want to try everything



BARBIE Forteza says she’s not slighted that Elmo Magalona, Jake Vargas and Joshua Dionisio were billed ahead of her in the poster of “Tween Academy: Class of 2012” even if most writers feel she should get top billing since she already had title rolers like “Pilyang Kerubin” and “Nita Negrita.”

“Hindi naman po issue sa’kin yan,” she says. “Okay lang sa’kin kahit sino nauna sa billing, basta nandiyan pa rin ang pangalan ko. Lahat sila sa cast, friends ko, ang importante nagkakasundo kami. As of now, kaysa sa billing, mas natetensiyon ako sa pagbubukas ng movie namin sa mga sinehan. Buti na lang, very encouraging ang feedback after the premiere night last Tuesday. Lahat ng nanood, nagandahan, kakagatin daw ng tao kasi masaya siya and it brings back happy memories of one’s teen years.”

Barbie Forteza

Joshua Dionisio mahaba ang exposure sa Tween Academy



Matutuwa ang mga fans ni Joshua Dionisio kapag nalaman nila na maganda at mahaba ang exposure ng kanilang idol sa Tween Academy: Class of 2012. May intriga kasi na “one of those” lamang si Joshua sa pelikula ng GMA Films dahil sina Elmo Magalona, Bea Binene, at Barbie Forteza ang ibinebenta bilang mga lead stars.

Nag-deny ang mga sumugod sa premiere night ng pelikula noong Sabado sa SM Megamall Cinema 9 at Cinema 10. Hindi true ang intriga dahil inumpisahan at tinapos nila ang pelikula. Mahaba ang exposure ni Joshua as in hindi ito nagmukhang extra.

Joshua Dionisio

Inintriga rin ang billing ng mga pangalan ng bagets cast ng Tween Academy dahil nauna ang billing

Julie Ann Super Bass Cover Youtube Sensation na!




Hindi makapaniwala si Julie Ann na umabot ng mahigit isang milyon ang viewers sa YouTube ng ni-record niyang Super Bass.

“Nu’ng una po talaga, hindi ko akalain. Kasi, it was taken from my You Stream. Iba-ibang theme po kasi iyun, so, isa po sa kinanta ko ‘yung Super Bass and hindi ko naman akalain na ang taas sa ganu’ng views ‘yung video na ‘yun.

“Sa akin po, siyempre masaya and nakaka-flatter po. Hindi ko naman po iniisip ‘yun na mataas ‘yung views na sinasabi na po nila, YouTube sensation daw po,” parang nahihiya pang pahayag ng young singer ng Party Pilipinas.


Party Pilipinas Silip Teasers Jennylyn Mercado, Kyla, Rachelle Ann Go

Gusto n’yo bang makita ang mga kakaibang production numbers ng mga paboritong Kapuso stars? Abangan ang Party Pilipinas Silip sa Linggo!

Pasukin ang mundo ng mga “in be-tweens” sa kanilang grand launch ng Tween Academy: Class of 2012, bida sina Joshua Dionisio, Barbie Forteza, Bea Binene, Jake Vargas, at Elmo Magalona.

Magbi-birthday party ang premier singer-songwriter at Protégé host na si Ogie Alcasid sa Party Pilipinas family niya. Abangan ang ibang sorpresa.


Sina Kyla at Rachelle Ann Go (aka ShinKy) ay magpapatalbugan sa isang special number.

Julie Anne and Elmo in ‘Wazak’ is a Hit!

Elmo Magalona, Favorite Kapuso Loveteam, GMA 7, GMA 7 Kapuso Stars, GMA News, GMA Pinoy TV, Julie Ann San Jose, Julie Elmo, Julielmo, Kapuso Loveteam, Party Pilipinas,  Wazak, Julielmo Wazak


Hindi namin alam kung sinong ipapalit kay Direk Rico o kung ipapasa na kay Direk Mark ang full directorial control ng Party Pilipinas.

In fairness ay nakatulong sa show na dalawang team ang gumagawa nito dahil tila nagkaroon ng kompetisyon sa loob, na ang resulta ay magpagandahan at magpa*galingan, na ang nakikinabang ay ang programa at ang viewers nito.

Kumpara noong panahon ng makalumang SOP ay ang laki na ng in-improve ng PP.

Kung kailan umaayos na ang takbo at natatanggap na ng audience ang kasalukuyang mukha at nilalaman ng show ay nawalan ito ng isang haligi.

Bilib kami kay Direk Rico na tumagal siya sa programa ng mga sampung buwan gayong meron palang masalimuot na isyu hinggil sa kondisyon ng kanyang mga tao sa show.

Hindi namin sasabi*hing gusto namin ang lahat ng idea ni Direk Rico na napapanood namin sa PP, pero marami siyang ma*kabagong creative inputs na hindi maiisip ng ibang direktor na nabubuhay pa rin sa makalumang panahon.

Nakakalungkot lang na sa halip na suportahan ng istasyon ang mga bagong dugo na may mga bagong idea ay tila kabaligtaran pa ang nangyayari, kaya napipilitang umalis ang mga ito.

Idea ni Direk Rico ‘yung ‘Wazak’ musical na tinampukan ng loveteam nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose. Ambisyoso ang project niyang ‘yon pero nagbunga ang kanyang effort dahil ang ganda ng kinalabasan ng mala-Romeo & Juliet na rap musical.

Aminado kaming hindi namin naintindihan ‘yung introduction nito na ‘Dead Sync’, pero ‘yung mismong ‘A Wazak Love Story’ ay type na type namin.

Na-showcase nang husto sa nasabing musical ang galing nina Julie Anne at Elmo, na dalawa sa pinaka-talented na bagets ng GMA.

Klik na klik ang ‘Wazak’ hindi lang sa JuliElmo fans kundi maging sa wider audience dahil bukod sa dalawa ay pawang mahuhusay rin ang kasama nila rito gaya nina Radha, Nyko Maca, Kris Lawrence, Artstrong at La Diva.

Mami-miss namin ang mga ganu’ng konsepto ngayong nagbitiw na sa kanyang puwesto si Direk Rico.

Kahit iniwan na niya ang Party Pilipinas ay mananatili pa rin siya sa bakuran ng Siyete dahil meron pa siyang Showbiz Central at Kap’s Amazing Stories na pinagkakaabalahan.

Sakaling nais magbigay ng reaksyon ng GMA hinggil sa isyung ito ay bukas ang aming pahina para sa kanilang panig ng kuwento.





Mga artista ng hindi nagri-rate na show, nagsisisihan

May special participation si Rhian Ramos sa Captain Barbell. Gagampanan pa rin niya ang role ni Lea at magkokonek ng unang Captain Barbell at ang relasyon nila ni Teng (Richard Gutierrez) sa bagong series na March 21 ang premiere.

Pag-uusapan na rin ang next soap ni Rhian. May balita rin na magho-host siya ng entertainment show, pero hindi ito nagbigay ng detalye.

Habang walang bagong soap sa GMA 7, sa GMA News muna napapanood si Rhian bilang host ng In The Limelight kasama sina Aubrey Carampel at Nelson Canlas na mapapanood Monday to Friday, 7:30 p.m ay magaan pa rin ang schedule ni Rhian dahil MW lang sila live at taped ang ibang episodes. Humingi siya ng tips kay Mo Twister kung paano maging effective showbiz news host at nangakong ire-report ang balita tungkol sa kanya at hindi siya magdi-deny.

Samantala, si Rhian pala ang bagong endorser/image model ng Cinderella at isa sa mga araw na ito, haharap siya sa press para sa presscon ng PLDT myDSL na isa sa unang endorsement niya.

--

Naintriga kami sa tweet ng isang aktres na “So funny…pls. stop blaming other people for your failure. Watch your show & look at your face, may nararamdaman ka ba? kasi ako wala” at sinundan ng “I’m very disappointed, do not say bad things about your co-stars pls. ‘Yung kaibigan ko ‘di hamak namang mas nag-effort kesa sa ‘yo.” Ouch!

Nag-effort kaming diskubrihin ang background ng intriguing tweet at nalaman naming dinepensahan lang ng aktres ang kaibigang aktres sa hindi magandang sinasabi ng aktor na kasama ng kaibigan ng aktres sa isang series. Ang kaibigan ng aktres at ibang kasama sa series daw ang sinisisi ng aktor sa hindi pagki-klik ng kanilang show na parang unfair nga naman.

Tahimik ang aktres na kaibigan ng aktres na nag-tweet at tinanggap na lang ang sinabi ng aktor, kaya ang kaibigang aktres ang nagdepensa sa kanya. Ang maganda nito, ‘wag na lang magsisihan at mas galingan na lang ng lahat ang trabaho para magandang show ang napapanood ng viewers.

---

Si Rico Gutierrez ang nakatokang magdirek ng Party Pilipinas this Sunday, pero dumating kaya siya, eh kare-resign lang niya sa show last Thursday. Ending ng musical na Wazak Love Story Act III na concept ni direk Rico at tampok ang love team nina Julie Ann San Jose at Elmo Magalona, tingnan natin kung siya pa rin ang magdidirek ng show this Sunday.

by Nitz Miralles

Favorite Kapuso Loveteam

The boy-next-door is now the one who rules the 3rd generation of a very prominent showbiz clan. The sweet voice is the musical princess who pushed her way into show business with her musical prowess.


Both young and vibrant GMA 7 talents are now dubbed as “JULIELMO”, the hot and fresh love tandem of this generation that causes stampede when they enter the scene.
Elmo Moses Arroyo Magalona and Julie Ann San Jose are definitely the love team that promises to beat all the other love teams these days. Both with serious passion with music and acting not to mention their intense chemistry noticeably exuding even behind the camera; whether they are together as a love team or as stand alone artists; these two young faces promises lasting stardom. Their appeal and artistic talents sets new standards to be measured up to by their contemporaries and maybe even for future generations of love teams to come.






They appear to weather all the controversies and usual predicaments of young artists facing the public on a daily basis with so much ease and comfort; like they are born to do it all their lives. You will never see them exhausted and impatient on the raging fans that follow them anywhere they go. They really seem to enjoy what they are doing at the moment and have always been vocal of looking forward to what’s up and ahead of them.


Although for quite sometime both were subtly shining under the shadows of other people: Julie Ann from her previous teen group, Sugarpop and Elmo from the dad’s undying music legacy; both are now on their A Game, making it to the top. Both determined to exceed the public’s expectations.
Since they were launched in Party Pilipinas as musical love teams rocking their fans with their hard to miss production numbers, the buzz to pair them together on screen for more shows and possibly a movie or an album has been going around their home network; this has been making their fans more eager to stick to their tandem more than ever. And even though there are rumors of keeping this love team apart by pairing them with other stars, the Julielmo fans are still hooked on their onscreen and off screen romance, praying so hard that it will last longer and that the network will reconsider.


The love tandem is still young, but with the mounting number of fans keeping an eye on their shows, the network will surely have more challenging roles and projects for them in the future. In the meantime, these young stars are enjoying their fair share of fame and fortune with their regular gigs and TV shows. Week after week you will notice some undeniable improvements on working towards flawless acting and singing. There are surely more to come and more to expect when they are both enjoying the careers they choose for themselves; and all of these for the delight of those who relentlessly supports them on all their ventures.




Fast Facts




Julielmo recently beat other love teams on a poll bagging 56.57% of 8,389 casted votes against their rival love teams: "JoshBie" who got 8.42%; DongYan 17.01%; and ALKRIS - 0.79%.







Name: Julie Anne Peñaflorida San Jose
Birthday: May 17, 1994
Hometown: Novaliches, Quezon City, Philippines
School: Angelicum College - Quezon City
Acting debut: Gaano Kadalas ang Minsan? (telenovela)
Plays the flute, piano, drums, guitar, and lyre.
She recorded the songs "Aking Mundo" and "Sya Na Nga Kaya", from Dyesebel, perfectly even if she didn’t have any proper sleep the night before.
Spends her spare time listening to her IPod which she downloads herself.
Dreamt of becoming a teacher or a doctor when she was in Pre School.
Currently has 18,958 Twitter followers.






Name: Elmo Moses Arroyo Magalona
Birthday: April 27, 1994
Hometown: Manila, Philippines
School: Montessori Integrated School of Antipolo
Height: 5'8
TV Debut: noodle commercial (Lucky Me Supreme) with Dad Francis M.
When he was a kid, he used to dream of becoming any of the three: painter, a fisherman, a basketball player.
Spends spare time with his favorite books, video games and constant tweeting.
Currently has 95,411 Twitter followers.









Kris Lawrence on Elmo Magalona

Billy Crawford, Jay R, Kris Lawrence, Philippine King Of Rap, Francis Magalona, Elmo Magalona, GMA 7 Kapuso Stars, GMA Pinoy TV, GMA-7,

Kris Lawrence on Elmo Magalona: "Nakuha niya yung galing ng daddy [Francis M] niyang mag-rap at kumanta, napaka-talented na bata!"

Mula sa pagiging magkaibigan ay nagsanib na sa iisang negosyo ang tatlong sikat na mangaawit ng bansa na sina Billy Crawford, Jay R, at Kris Lawrence.



Binuo nila ang "3 Stars Productions," kung saan ang kanilang hangarin daw ay magbigay ng pagkakataong magkaroon ng sariling record album ang mga Pinoy na may angking talino sa pag awit.



At para sa kanilang unang proyekto, ipo-produce nila ang album ni Elmo Magalona, ang anak ng yumaong Philippine King Of Rap Francis Magalona.



Sabi ni Kris Lawrence nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa gazebo ng GMA network nung September 24, balak nilang i-release ang album bago matapos ang taon o early next year.



Pero bukod daw sa album ni Elmo ay magkakaroon din ng sari-sariling album sina Billy at Jay R sa 3 Stars Productions.



Pagsisiwalat ng mahusay na singer, "Bale ang magiging unang album na gagawin namin ay ang album ni Elmo. Sobrang galing kasi ng batang yan, kaya kami nina Jay R at Billy, sobrang suporta talaga sa magiging album ni Elmo.



"Isa sa kantang nakapaloob sa album ni Elmo, kasama kaming tatlo, pero all in all siguro mga 12 songs ang magiging laman ng album ni Elmo."



Sa ngayon ba ilang kanta na yung nare-record ni Elmo?



"Isa pa lang yung kasama kaming tatlo, medyo busy kasi ang schedule ni Elmo, pero hopefully makakakuha rin kami ng time para mai-record niya yung mga songs sa kanyang 1st album."



Ano ang magiging laman ng album ni Elmo?



"Variety—may rap, ballad, at dance, para iba-ibang flavor—pero ako na ang magsasabi sa 'yo na ang galing mag-rap ni Elmo.



"Tsaka, katulad ng daddy [Francis M.], ang galing-galing din ni Elmo. Nakuha niya yung galing ng daddy niyang mag-rap at kumanta, napaka-talented na bata!"



Kailan ilalabas ang album ni Elmo?



"Siguro bago matapos ang taon o kaya early next year. Masyado kasing busy si Elmo, kaya hindi pa siya masyadong makapag-record ng mga songs para sa kanyang album. Sobrang dami kasi ng show niya."



Wala ba kayong balak nina Billy at Jay R mag-record ng album sa sarili niyong 3 Stars Productions?



"Defintely meron! May kanya-kanyang album din kami nila Billy at Jay R. Bale sabay-sabay naming ilalabas yung mga album namin kasabay ng album ni Elmo."



Anong reason ninyo nila Billy at Jay R at nagtayo kayo ng sarili ninyong Production?



"Simple lang. We just want to record our own album, na lahat gusto namin yung kanta at konsepto. Kasi pag under ka ng isang recording company, kung ano yung gusto nilang ipakanta sa'yo, yun ang kakantahin mo.



"Magkaroon ka man ng gustong kanta, ilan lang yun, pero mas marami pa ring kanta ang sila ang nagdesisyon. Pag sinabi nilang revival ang kantahin mo, wala kang choice kung hindi gawin mo yun.



"Minsan kasi nawawala na yung pagiging artistic mo, kasi sila na talaga ang nasusunod sa lahat. Pero this time, kami yung masusunod kung anong kanta, konsepto ng album ang gusto naming ilabas.



"At least dito sa Productions namin, mailalabas namin yung mga nakatagong artistic side namin—at sigurado kami na gusto namin kung ano man ang album na gusto naming ilabas.

"Minsan kasi, parang gusto mo ring makawala sa paulit-ulit mo nang ginagawa, kaya nga gusto naming mag-eksperemento ng bago, para iba naman."



Dagdag pa ni Kris, maghahanap din daw sila ng mga potential singers/rappers sa bansa na ipagpo-produce nila ng album at para maging part ng kanilang produksiyon.



Ang pagtulong daw nila sa mga Pinoy artists ang paraan nila para pasalamatan ang Diyos sa dami ng suwerteng dumarating sa kanilang tatlo.



"Actually, kaya namin 'tinatag yung 3 Stars Productions, kasi para rin makatulong sa mga baguhang Pinoy artists na may galing sa pagkanta o pag-rap at nangangarap na magkaroon ng sariling album.



"Dito kasi sa Pilipinas alam naman natin na mahirap magka-album kahi't na magaling ka. Kailangan mo ring mamuhunan, kaya nga nandito kami para magbigay at magbukas ng pinto sa mga talented Pinoy.



"Yun bale ang balak namin, habang tinatapos namin yung kanya-kanya naming album, hahanap kami ng mga talented Pinoy at bibigyan namin ng chance na magkaroon ng sarili nilang album.



"Tsaka, ito na rin ang tanging paraan namin para ibalik sa Diyos ang pasasalamat sa magagandang bagay na ibinibigay niya sa amin—ang pagtulong naman sa mga baguhan."

by: John Fontanilla

Source: Pep.ph

 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007