Geoff, Type Rumampa ng Hubad sa Harap ni Carla!
Wednesday, September 23, 2009
MAS nagiging daring na nga si Geoff Eigenmann ngayon.
Kahit sa Rosalinda ay nagpapakita na rin siya ng katawan, at bongga pa siya sa pakikipag-love scene.
Sa latest Hanford pictorial niya, mas daring at mas sexier Geoff daw ang matutunghayan.
Anyway, nanood ng Cosmo Bachelor Bash si Carla Abellana kamakailan, at isa ito sa nakitili sa mga nakabuhad na lalaki. Na-imagine ba ni Geoff, na kung isa siya sa rumampa, papayagan ba niyang mapanood siya ni Carla? O type ba niyang rumampa ng hubad sa harap ni Carla?
“Why not? I’m supposed to be part of the Cosmo Bash, but due to a prior commitment, hindi ako nakapunta. Pero noong malaman ko nga that she will be going to the event, parang sinasabi ko sa sarili ko, sana, I was at the event.
“So, kung sakali man na magkakaroon ng ramp for Hanford, of course, I want her to be there,” nakangiting sabi ni Geoff na hindi man aminin ay mukhang in-love na talaga kay Carla.
‘Yung pagpo-pose niya na naka-trunks for Hanford, ibig bang sabihin, ready na talaga siya to go sexier?
“Yeah, like I’ve said, I’ve always been open to that naman. No qualms about sexy roles. As long as the character and the storylines call for it, hindi siya problema. At saka, siyempre, kung meron man na against it na gawin ko 'yun, magsasalita sila at pag-uusapan 'yun.”
Hanggang saan ba ang puwede niyang ipakita?
“Wow! I never thought about that pa. Pero, depende talaga. Depende sa script that calls for it.”
Kung si Geoff, tipong wala nga siyang inhibitions sa katawan, ang nanay raw niyang si Gina Alajar ang mas nasa-shock pa sa kanya.
“Pero ako, I’m always comfortable with my own skin naman. So, I’m not afraid with what people will say about me. So, okey lang. Open ako sa criticisms and all that.”
Open din daw siya sa idea na gumawa pa ng mas daring roles.
“Of course! Hindi naman na ako bumabata, tumatanda rin ako. And it’s part of the career. You have to make some move to make your career flourish. At saka, hindi rin madaling mag-diet, mag-gym. So, pinaghirapan na, ipakita na, 'di ba? Ha! Ha! Ha!” natatawang sabi na lang ni Geoff.
by Rose Garcia
SHARE THIS POST
Categories:
Carla Abellana
,
Geoff Eigenmann
,
GMA Pinoy TV
,
GMA-7
,
Rosalinda
blog comments powered by Disqus