Jackie Rice gets another chance, joins the cast of "Dyesebel"
Wednesday, May 21, 2008
Binigyan ulit ng pagkakataon ng GMA-7 ang young actress na si Jackie Rice. Isinama si Jackie sa cast ng nangungunang telefantasya na Dyesebel kung saan gaganap siya bilang si Arana, ang ligaw na sirena na naging tagapagsilbi ng anak ni Dyangga (Mylene Dizon) na si Berbola (Michelle Madrigal).
Natutuwa si Jackie dahil muli na naman siyang pinagkatiwalaan ng kanyang home network. Matagal na raw kasi siyang walang project since natapos ang Fantastic Man na pinagbidahan ni Mark Herras.
Aminado naman si Jackie na naging pasaway siya noon kaya madalang siyang bigyan ng proyekto. Na-suspend pa nga siya noon dahil sa hindi magandang behavior. Pero ngayon daw ay nakatuon na ang atensiyon niya sa kanyang showbiz career.
"Masaya ako kasi binigyan na ulit ako ng trabaho. Magiging serious na ako ngayon. Career na ang concentration ko this time," saad ni Jackie sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
Tinanong namin si Jackie kung kumusta na sila ng nababalitang boyfriend niya na si
Biboy Ramirez. Ngumiti lang si Jackie, "Trabaho po muna tayo."
Si Jackie ang nanalo bilang Ultimate Female Survivor sa StarStruck 3. Runner-up lang niya noon si Iwa Moto, pero mas nabibigyan ng mga magagandang projects si Iwa ng GMA-7. Hindi ba nanghihinayang si Jackie na imbes na sa kanya napupunta ang magagandang projects ay napupunta ito kay Iwa?
"Wala naman pong panghihinayang," sagot ni Jackie. "Magaling naman po talaga si Iwa. Bagay sa kanya ang mga projects na napupunta sa kanya. Nagkakausap kami parati. Nangungumusta siya sa akin at nababalitaan ko naman ang mga magagandang nangyayari sa kanya. Iwa deserves this kasi masipag siya at career talaga ang focus niya kahit na may boyfriend siya."
Hindi ba siya naiinggit kay Iwa?
"Inggit? Wala pa sa akin ‘yan. Hindi ko alam kung paano mainggit, e. Kaibigan ko kasi si Iwa. Big sister ko ‘yan. Kung ano ang narating niya, masaya ako.
"Tulad ngayon at nakasama ako sa Dyesebel, masaya si Iwa. Sabi nga niya, pagbutihan ko raw para tuluy-tuloy. At least nga bumalik na ang tiwala ng GMA-7 sa akin," sabi ni Jackie.
SHARE THIS POST