Angel at Richard bigay-todo sa kanilang eksena
Sunday, January 14, 2007
Magkakasamang humarap sa press ang producers ng The Promise na sina Anette Gozon-Abrogar ng GMA Films at sina Mother Lily at Roselle Monteverde-Teo ng Regal MultiMedia Inc. Co-produced ng dalawang film companies ang Valentine’s Day movie, kung saan bida sina Richard Gutierrez (as Daniel) at Angel Locsin (bilang Andrea) sa direksyon ni Mike Tuviera.
Nasa presidential table rin sina Joey Abacan ng GMA Films pa rin at ang scriptwriter na si Raquel Villavicencio.
Sa kanya nalamang mas based sa librong Wuthering Heights ang The Promise kesa Hihintayin Kita sa Langit.
In-adjust din niya sa age nina Richard at Angel ang istorya para mas maka-relate ang moviegoers, lalo na ang younger generation na ’di napanood ang Wuthering Heights at Hihintayin Kita sa Langit.
Tinanong si Raquel kung na-capture nina Richard at Angel ang character at passion ng character sa Wuthering Heights?
“I can say na ngayon lang talagang naghalikan nang ganu’n sina Angel at Richard. Parang sobrang sabik na sabik sila sa isa’t isa.
“Walang inhibitions, lalo na si Angel, na give na give at parang sabik na sabik dahil siguro wala nang magseselos. Ready sila to what the director wants them to do.”
From Annette, nalaman naming may two love scenes and three kissing scenes ang dalawa.
Kissing scene pa lang ang nakukunan at ang love scene, isu-shoot pa lang sa isang lighthouse sa Bolinao, Pangasinan kahapon.
Hindi nito naikuwento kung totoong hubad sina Angel at Richard sa nasabing love scene.
Dagdag pa ni Annette, kissing scene agad ang kinunan sa first shooting day ni Angel at take one ’yon.
Very natural ang eksena at lutang na naman ang kanilang chemistry.
First time rin maghuhubad sa movie si Richard at kahit topless lang, lilikha pa rin ng ingay ang pagpapakita nito ng hubad na upper torso.
Hindi pa masabi ni Annette ang budget ng movie, pero kailangan daw ’di ito lumampas sa P30 million. Kasama sa nasabing halaga ang talent fee nina Angel at Richard at production cost.
The best ang kinuha nilang technical people, gaya ni Marissa Floreindo, cinematographer.
Batangas (Calatagan at Tagaytay) Cavite, Bolinao, Antipolo, Tagaytay ang ilan sa location ng movie na comparable raw sa Batanes kung saan kinunan ang HKSL.
Sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid ang kakanta ng theme song.
Kasama rin sa cast sina TJ Trinidad as Anton (si Eric Quizon ang gumanap sa HKSL), Ryan Eigenmann (role ni Michael de Mesa), Eugene Domingo (role dati ni Vangie Labalan) at Rhian Ramos (role ni Sharmaine Arnaiz). Sa February 14 ang showing ng pelikula.

SHARE THIS POST