Rhian, magku-quit na sa showbiz?

WINARNINGAN na si Rhian Ramos ng kanyang nanay na kapag nasangkot pa uli siya sa panibagong intriga/away sa showbiz, patitigilin na siya sa pag-aartista.

Sabi ni Rhian, hindi masyadong apektado ang kanyang nanay sa dala-wang intriga sa buhay niya, na ang una ay kay Ara Mina, at ang pangalawa ay kay Alessandra de Rossi.

Pero, nagbigay na nga raw ito ng ultimatum sa kanya na kapag nangyari `yon ulit, sigurado na nga na patitigilin na siya sa showbiz.

"Ang ikinaka-worry ng mommy ko ay `yung `pag nasisira na ang pangalan ko at `yung pagkatao ko. She cannot tolerate that. She has to do
something about it and I have no choice kundi ang mag-quit," say ni Rhian.

Anyway, okey na nga sina Rhian at Alessandra. Humingi na nga ng sorry si Rhian kay Alex.

Sa taping ng Love Pow, lumapit nga si Rhian kay Alex para mag-explain at mag-sorry na rin. Wala raw sinabi si Alex sa kanya, pero hindi naman siya ni-reject nito.

Inaasahan ni Rhian na magiging maganda na ang samahan nila ni Alex.

Nangako si Rhian na mas magiging maingat na siya sa kanyang mga kilos at salita para hindi na siya makasakit o ma-misunderstood ng mga tao sa paligid niya.

Dingdong Dantes reacts to "kissing photo" of ex-gf Antoinette Taus

"Direk Dingdong" na ang tawag sa young actor-director na si Dingdong
Dantes ng mga taong inabutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa last shooting day ng "Daddy's Angel," isa sa episodes ng trilogy movie na Angel, last April 18 sa Kamuning Elementary School. Ang naturang pelikula ay initial venture ni Angel Locsin at ng manager
nitong si Becky Aguila sa kanilang Eagle Eye Productions.

During the lunch break ay nakausap ng PEP si Dingdong na very
thankful sa mga producers niya. Flattered daw siya nang kausapin siya personally ni Angel upang magdirek ng "Daddy's Angel" na nagtatampok kina Marvin Agustin, Valerie Concepcion, Paolo Paraiso, Nash Aguas, at Ms. Jaclyn Jose. Ito ang first movie directorial job ni Dingdong, bagama't ilang beses na siyang nakapagdirek sa TV (kabilang na ang Kakabakaba Adventures at ilang episodes ng Atlantika).

"Hindi ako pressured sa oras. Nagagawa at napag-aaralan ko ang gusto kong gawin. Bago ako pumunta sa location, nabasa ko na ang script, pero mas pinag-aaralan ko ang gagawin ko kapag nasa set na ako. Kung minsan kasi, hindi maiiwasan na may aberya. Like noong mag-shooting kami sa New Bilibid Prison—dahil nakakulong doon si Marvin—nagkaroon ng aberya nang may mga pumasok na inmates sa set namin. Pero napaka-supportive naman ng mga officials doon at madaling naayos ang problema," kuwento ni Dingdong.

Dagdag pa niya, "Naging madali para sa akin ang execution ng mga
eksena dahil sa mahusay na acting ng mga artista ko. Open din ako sa suggestions nila dahil as an actor and director, alam ko kung ano ang napi-feel nila. Anumang suggestions nila, pinag-aaralan namin at kung okay, itinutuloy namin. Isa pa, kung na-feel nila ang eksena, ibig sabihin, tama ang ginawa namin.

"Kung minsan kahit mahirap ang trabaho namin, kapag nakita mo naman na maganda ang nagawa mo, walang katumbas na pera ang kasiyahang nararamdaman mo. Ito nga, dahil last shooting day na namin, gusto ko nang makita ang rushes," excited pa niyang sabi.

Samantala, hiningi rin namin ang comment ni Dingdong sa balitang nagtampo raw siya sa girlfriend niyang si Karylle kaya nagkakalabuan sila ngayon. Although inamin niyang nagtampo nga siya, matibay pa rin daw ang relasyon nilang dalawa.

"Totoo na medyo nagtampo ako kay Karylle noong birthday niya last March 20 kasi tumanggap siya ng shooting ng isang indie film sa Bacolod noong araw na `yon. Siyempre, gusto ko namang kasama ko ang girlfriend ko sa birthday niya. Pero wala po `yon," paliwanag ni Dingdong.

"Pinagsabay na lang namin yung celebration ng birthday niya at yung second anniversary namin noong April 3. I treated her sa isang dinner in Tagaytay. Doon ko na rin ibinigay sa kaniya ang
birthday/anniversary gift ko—isang spear made of steel, replica ng spear na ginamit niya as Alena sa Encantadia. Naka-display na ito sa room niya. Matagal na kasi niyang gustong magkaroon no'n, as a
remembrance daw sa first telefantasya namin together sa GMA-7."

Nakita na ba niya o aware ba siya sa naglabasang "kissing scene" sa Internet and tabloids ng dati niyang girlfriend na si Antoinette Taus at ng friend nitong si Bianca King?

"Nakita ko, pero hindi ako nagulat. Natawa na lang ako. Alam ko kung gaano ka-close sina Toni at Bianca at matagal na talaga silang ganoon kung magbatian at mag-goodbye. Kahit noon pang kami ni Toni, ganoon na sila. Hindi lang nila ipinakikita sa harap ko. Wala pong lesbian sa kanila, I'm sure of that," pagtatapos ni Dingdong.

It's final: Mark and Jen sa `Tiyanak'

Nag-story conference noong Wednesday ang Regal para sa horror movie na Tiyanak sa direksyon ni Mark Reyes.

Nang una namin marinig ang project, sina Jennylyn Mercado at Mark Herras ang makakasama ni Rica Peralejo, pero noong afternoon, si Patrick Garcia na.

Ni-reject daw ni Mark ang project dahil gagawin silang love triangle at ayaw nitong i-capitalize ang personal life nilang tatlo.

Ilang oras bago ang storycon, balik kay Mark na naman ang project dahil naisip ng Regal na sina Jennylyn at Patrick din ang bida ng Angel Love episode ng trilogy movie na Angels, na si Mark din ang director.

Magkakasunod yata ang showing ng dalawang pelikula at baka 'di makatulong, kaya inalis si Patrick at in na uli si Mark.

Next week na ang shooting ng Tiyanak. Kasama rin sa cast sina Jill Yulo, Alwyn Uytingco at Jake Cuenca.

Diana Zubiri, game na game magpasilip!

Ayaw ring paawat ni Diana Zubiri sa kakakayod. Tulad ni Ai Ai, isa
rin siyang babaeng walang pahinga.

Aba, kahit birthday ni Diana last Sunday (April 15), hindi pa rin
siya tumigil sa trabaho. Dumayo pa ang seksing aktres sa Nueva Ecija
para magsyuting.

Well, naging happy naman si Diana sa birthday niya kahit kumakayod
siya. Nakatanggap siya ng birthday cake mula sa staff ng Seiko Films,
at ipinaghanda rin siya ng mga kasamahan niya.

"Ang saya dahil nag-celebrate ako na kasama ko sina Francine Prieto,
Polo Ravales, at Direk Joel Lamangan. Syuting kasi `yun ng Silip, at
masaya ako na may trabaho ako kahit birthday ko."

Tapos na nga pala ang Silip, at ngayon pa lang ay ipinagmamalaki na
ni Diana na pare-pareho silang napaarte ni Direk Joel.

At giit pa ni Diana, bagay na bagay ang title na Silip sa mga eksena
sa syuting nila, dahil hindi lang isang beses na nasilipan sila ng
mga lalake sa syuting nila.

Hindi nga raw maintindihan ni Diana kung saan nanggagaling ang mga
tao sa syuting nila sa Nueva Ecija, dahil super sikreto at tagung-
tago na nga ang trabaho nila.

Pero `yun na nga, bigla na lang nilang napapansin na may mga matang nakamasid na lang bigla sa kanilang mga hubad na katawan.

"Hanggang likod lang naman ang nakita nila. Marunong akong magtago. Magsawa sila sa kasisilip!" nakangiting sambit pa ni Diana.




An Angel makes a wish

Successful, beautiful and every man's dream girl, this is Angel Locsin. A picture of a perfect girl, what else can she ask for? iGMA.tv finds out from this birthday girl what her heart truly desires.

Celebrating her 22nd birthday on April 23, Angel Locsin can say that life has been good to her. Despite some bumps in the road, she managed to make the most out of her life. Starting her career as a teen star and gradually working her way up until GMA recognized her potential and gave her a break.

Now a certified star, she has a number of successful projects to her name on TV and on the big screen. There's no doubt she has come along way in the business. How will she mark the start of this new chapter in her life?

A different celebration

Last year Angel spent her birthday at a charitable institution for kids. This year she is passing up a birthday party again to celebrate her special day with an organization for women.

"Ayaw ko nang mag-party, kasi hindi talaga ako nagpa-party simula bata. Pagtinatanong ako ng tatay ko `party or pera?' ang sabi ko `pera!' (laughs) So ngayong tumatanda ako ayaw ko na. Mas gusto ko `yung katulad ng last year. May plinaplano naman kami para sa kababaihan, bilang isang babae, gusto kong tulungan yung kapwa ko babae, siyempre. At saka karamihan kasing sumusuporta sa akin puro bata so gusto ko munang unahin yung kabataan at tsaka yung
kababaihan," declares Angel.

Probably preferring to spend a day without the cameras and away from show business, Angel chooses to do something meaningful for her birthday - help the less fortunate and be an inspiration to other women. Now that's really an angel!

She can't think of anything in particular when we asked her what she wants for her birthday. After all, she probably has everything that a girl could ever wish for -- a beautiful new house, cars, a flourishing career, and a loving family. And although she has no boyfriend at the moment, there are suitors and friends who are loyal to her.

In gratitude

"Hindi ko pa alam eh, pero sana kung ano yung nangyayari ngayon magpatuloy lang, `yung mga blessings na binibigay sa akin, `yung mga sumusuporta sa akin. Sana hindi ko sila ma-disappoint. And sana suportahan nila itong Angels."


Her newest film, Angels, is a trilogy, which stars Marvin Agustin, Jennylyn Mercado, and Patrick Garcia among others. This movie also marks Angel's first venture behind the cameras.

"Kasi ito yung unang lakas ng loob kong mag-produce, para `yung mga kapwa kong artista ma-realize nila na marami silang magagawa dito sa pinasok nilang trabaho, at alam naman naming lahat na hindi kami forever dito."

Spoken like a true pro, this girl has come along way from her days at Click. She is aware of how things turn out in show business and as early as now she wants to take advantage of her status to prepare for her future. Thus, it is no surprise that she is reaping the rewards of her hard work. What ever this girl wants for her birthday we are sure she will definitely get it because heaven knows, she truly deserves it! Happy birthday Angel!

GMA, nagagawa bang unahing bigyan ng proyekto ang mga myembro ng GMA Artist Center?

Humigit kumulang na 115 ang mga artistang inaalagaan, sinasanay at inihahanap ng proyekto ng GMA Artist Center (GMAAC). Marami sa mga ito ay mga nanalo sa mga reality shows na itinaguyod ng nasabing network. Tulad ng StarStruck, Pinoy Pop Superstar, etc. Bagaman at maituturing nang sikat ang mga katulad nina Jennylyn Mercado, Mark Herras na Ultimate winners sa SS Batch 1 at maging ang mga Avengers na sina Katrina Halili, Cristine Reyes, Nadine Samonte, atbp, mas marami sa kanila ang hanggang ngayon ay nangangarap pa ring maabot ang naabot ng mga binabanggit na kabataang artista. Kasama na rin ang mga nanalo at natalo sa ikalawa at ikatlong batches ng SS.

Sa bagay na ito nagkakaro’n ng problema ang AVP at Head ng GMAAC na si Ms. Ida R. Henares. Bagaman at ang mga inaalagaan nila sa GMAAC ang binibigyan ng prioridad ng GMA pagdating sa mga proyekto, tulad ng pelikula, telebisyon, recording at commercial, wala na siyang magawa kundi sumunod sa kung ano ang hinihingi kapag ratings na ang pinag-uusapan.

"Gustuhin ko man silang ipasok na lahat, pero may mga artista na hindi masyadong pinanonood at sinusuportahan ng manonood at meron namang napakaraming following. Pagdating na rito, sumusunod na lamang kami sa kung ano ang makapagbibigay ng ratings sa mga programa ng network at kahit na hindi taga-GMAAC ang gagamitin," ani Ms. Henares.

Sa mga GMAAC members, ilan sa talaga namang maituturing na tagumpay sina Iza Calzado, na nagpapamalas ng versatility sa kanyang maraming pagganap. Isa ito sa pinakamaaasahang artist ng GMA.

Magaling ding aktres sina Angel Locsin at Jennylyn Mercado. Maituturing na action fantasy heroine si Angel na isa na ring producer ngayon ng pelikula at si Jennylyn ay ang Ultimate Survivor victim who turned survivor.

Si Mark Herras, bukod sa may sarili nang fantaserye ngayon ay nakapagprodyus na rin ng platinum and gold records.

Wala na ring pwedeng tumawad sa mga naabot at inaabot pa rin nina Iwa Moto, Yasmien Kurdi, Rhian Ramos, Katrina Halili na No., 1 sa Pilipinas at No. 2 sa buong mundo sa pinaka-seksing babae.

Marami ring hit makers ang GMAAC, si Jonalyn Viray, Yasmien Kurdi who bagged the New Artist Award sa MYX Music Awards, Most Promising Female Singer Award sa Guillermo Mendoza Awards at si Mark Herras.

Sa kabila ng mga tagumpay, nakagawa na ang GMAAC ng beneficial alliances with local and International entities, tulad ng Olympics for the World Championships of Performing Arts. Nag-qualify dito sina Jonalyn at Brenan Espartinez, John Joven, Dex de Rosa.

Actively involved din ang GMAAC sa mga charitable activities.

Ang ilan sa mga artists ng GMAAC ay sina Aicelle Santos, Ailyn Luna, Aryana, Brad Turvey, Chuck Allie, Chynna Ortaleza, CJ Muere, Dion Ignacio, Gian Carlos, Jackie Rice, Jana Roxas, Jen Rosendahl, LJ Reyes, Marcus Lagdameo, Marky Cielo, Mike Tan, Neil Ferreira, Pekto, Pinoy Pop Superstar finalists, Regine Tolentino, Felix and Dominic Roco, Ryza Cenon, Sheena Halili, SOP Boys, StarStruck Girls, & Boys, Sugar Pop, Valerie Concepcion, Mang Mike, Belly Florie at maraming comedians.

Ryza and Mark Together at last

starsSuperman has Lois. Spiderman has Mary Jane. Our very own Fantastic Man also has a love interest. Her name is Wenna played by "StarStruck" season 2 Ultimate Female Survivor, Ryza Cenon. It is Mark Herras and Ryza Cenon, together at last, on-screen at least. For those who wish to know if there is anything off-screen between the two, read on and you be the judge! Text by KC Abalos. Photos by Mitch Mauricio.

iGMA.tv caught Mark and Ryza. giggling and bonding as they waited for the photo shoot of their latest show in the Kapuso network – Fantastic Man. The two were obviously very comfortable with each other, even sharing a seat while they graciously accepted our request for an interview. Ryza tried to get away but Mark dragged her to share his chair. Hmmm…

What was their first reaction when they learned they will work together as a love team?

“Patay! (laughing) ‘Yun lang, yun lang nasabi ko,” Ryza quickly responded.

stars Mark was more serious when he said, “after nung ilang taon akong na-lock sa love team, parang ako, excited ako for another love team. Kilala ko naman si Ryza, kilala ko naman yung ugali nitong batang to.” Then, he playfully squeezed her arm.

Romantic link

The two have many things in common. Both are ultimate winners of the same star search. They are dubbed as the Bad Boy and Bad Girl of the Dance floor. And, more importantly, their names have been romantically linked even before the formation of their love team for Fantastic Man!

They admit that their tandem has been the subject of negative publicity a while ago. This happened during the much publicized tail-end of the Jennylyn and Mark relationship. Through all the hoopla, Ryza maintained her silence. The question is will the audience accept Mark and Ryza’s on screen partnership?

stars She shared, “Dati sobrang negative ‘yung dating naming dalawa kasi nga nagkaroon ng issue. So ngayon, mahirap expect kung magiging okay sa tao.”

Mark added “Let’s see kung ano ang magiging reaction ng tao. Hindi pa rin namin masabi sa ngayon kasi wala pa, unlike Jen and Mark na established as love team, kami, magpapakilala pa lang.”

But at the end of the day, the two are secure in their close friendship. They are both determined to give their all for the success of their new series. Maybe even suffer a few teasing comments and t
starshe inevitable gossip that goes with the territory.

Reel and real?


As a last note, iGMA asked Mark, what makes Ryza different from his ot
her partners on screen? “Makulit, basta playful,” he noted.

Then we turned to Ryza, what is the first thing that comes to mind when someone mentions Mark? She immediately replied, “Babaero!”

Mark retaliated with, “Sige! Mag o-open ako sige! (teasing) Isa pa, isa pa, mag co- comment ako! Alam niyo po ba…”

Whatever he is supposed to add was drowned by Ryza’s protests and with that, the interview drew to a close.

Do y
ou think these two have a chance at real not just reel romance?

Angel, binisita ng isang batang malapit nang mamatay!

Nadatnan namin si Direk Gina Alajar kung saan kinukunan ang isang eksena ni Angel Locsin sa ipinoprodyus niyang movie, ang Angel. May espesyal na bisita ang aktres, si Trixie Lou Reyes na ayon sa doktor na tumitingin dito ay isang taon na lang ang itatagal ng buhay. Last year na-detect na may muscular dystrophy scoliosis ang bata na 11 years old lang.

Isa itong muscular disease na unti-unting nagpapahina kay Trixie hanggang magdala sa kanya sa kamatayan.

Masyadong na-touched ang ina ni Trixie dahil napasaya ni Angel ang kanyang anak na avid fan nito.

"Binuhat ni Angel ang anak ko mula sa first floor hanggang third floor. Ganun pala ito kalakas. Tapos niyakap niya at hinalikan. Na-starstruck ang anak ko at di makapagsalita. Hindi alam ni Trixie na may taning na ang buhay niya at gusto ko siyang mapa saya kaya dinala ko sa shooting ng paborito niyang aktres.

"Lagi niyang pinupuntahan si Trixie tuwing taping break para kumustahin ang lagay nito na nakaupo lang at nahihiyang mahiga. Ang bait-bait ni Angel at asikasung-asikaso kami ng anak ko. Wala na siyang tatay dahil namatay ang mister ko five years ago. Hindi na rin ako nagtatrabaho muna para tingnan ang anak ko," anang ina ng may sakit na bata.

Marian Rivera not to pose for FHM

A looker like Marian Rivera usually comes with an inevitable package – adoring guys who fall at her feet. iGMA asked this afternoon drama princess and recent primetime success about what she really thinks of the celebrity men in her life.

What type of guy can sweep Marian Rivera off her feet? "Hindi
naman `yung gwapong-gwapo," she says. "Mas importante sa akin `yung mahal ako bilang ako. `Yung pagiging makulit ko. At syempre `yung iintindihin ako, `yung sweet sa akin. `Yung lagi akong inaalala."

"May nagugustuhan (ako na guy) na non-showbiz," fessed up this pretty gal. Marian refused to comment any further, so we proceeded to asking what we interviewed her for.

"Among the actors in Philippines showbiz, who do you find
attractive?" we asked her.

"Wala. Siguro dati, pero hindi na siya importante ngayon, di ba?"

"What can you say about Gabby Eigenmann?" We just had to pop this
question, especially since the two have been linked by the perennial matchmaker that is showbiz.

"Kasi si Gabby at saka ako, nagkataon lang na okay kami, nasa Super Twins siya, nasa Muli siya. At saka mabait na tao si Gabby, walang ere, pag kausap mo, okay. Totoong tao din. Ayoko kasi ng mga mayayabang. Siya, okay siya eh. Kahit saan, pwede."

How about Dennis Trillo?

"Ah, si Dennis? Same manager kami niyan! Ano masasabi ko dyan?
Kapatid (ko na siya)!"

"Oyo Sotto?"

"Si Oyo kasi, maalaga din `yan, eh. Mabait. Asikaso ka talaga."

And last but not the least – Alfred Vargas?

"Hay naku, si Alfred – sobrang bait din niyan sa akin! Paano ba naman hindi magiging okay, eh `yung girlfriend niya, kaibigan ko! Si LJ (Reyes)! Lagi ka ring iniintindi niyan, `O kain na tayo, halika na dito!'"

One of the boys

Marian describes herself as "one of the boys," and her close guy friends in showbiz seem to be extremely protective. Case in point: They don't want her to pose for FHM!


"Sina Gabby (Eigenmann) at Alfred (Vargas), basta maraming nagcocomment sa akin – pati si Victor Neri! Sinasabi sa akin, `Never ka magpo-pose sa FHM!' Ayaw nila! Hindi naman daw lahat ng gumaganoon, sumisikat. `Gamitin mo pag-arte mo, doon lang, hatak ka na pataas!'"

It never really entered Marian's mind to pose for men's magazines to gain instant attention, because she knows her limitations. "Sabi ko, hindi naman ako `yun, eh. Bakit kailangan ko magpasexy para lang mapansin?" Kung ano ibigay na blessings sa akin, eh di tatanggapin."

Part of Marian's dreams for the future include getting married in about 10 years and having a lot of kids, especially since she is an only child in her family. "Gusto ko, basketball team!" she
jokes. "Hindi, hindi naman, OA, pero madami, masaya! Hindi importante kung puro lalaki, puro babae. Importante, healthy at mababait."

She adds, "Minsan, dumadating na lang sa buhay mo na gusto mo nang mag-settle down. Pero syempre, pag nagka-family na ako, gusto ko maaalagaan ko `yung asawa ko at anak ko, so mas marami nang time family kesa career."

Jolina kinilig nang dumating ang bf sa party ng Ouija cast

Pati si Judy Ann Santos, natawa nu'ng makitang kinilig si Jolina Magdangal nang dumating si Bebong Muñoz sa cast party ng Ouija.

Ginaya pa nito ang reaction ng kaibigan na agad lumapit sa boyfriend at yumakap. Na-miss siguro ni Juday si Ryan Agoncillo nang makitang sweet ang dalawa't wala ang BF that time.

Para makatulong sa kampanya ni Bebong, tumatakbong congressman sa 2nd district ng Caloocan, magli-leave si Jolina sa Unang Hirit 'pag malapit na ang election.

Ginawa rin niya ito nang mag-file ng kandidatura ang BF at muling gagawin para suportahan ang nobyo.

Sabi pala ni Jolina, never nilang pinag-usapan ni Judy Ann ang nababalitang paglipat nito sa GMA-7. Tsismis sa showbiz daw ang pinag-uusapan nila at 'di ang tungkol doon, pero tiyak na isa siya sa magwe-welcome sa kaibigan 'pag nag-guest sa SOP sa May para sa early promo ng nabanggit na pelikula and to celebrate her
birthday.

 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007