Nadine Samonte expresses her disappointment over her "one-of-those" role in Darna

Nadine Samonte, GMA Pinoy TV, GMA-7, Kapuso, Darna
Hindi naitago ni Nadine Samonte ang pagkadismaya niya sa latest assignment na ibinigay sa kanya ng GMA-7. Isang kontrabida role ito bilang Babaeng Impakta, isa sa mga makakalaban ni Marian Rivera, sa bagong telefantasya ng Kapuso Network na Darna.

"Kung iisipin, okey na rin lang, kasi may trabaho ako," sabi ni Nadine in a phone interview. "Pero to be honest about it, hindi ito ang trabahong gusto ko. Kasi kung iisipin, nakapagbida na ako ng ilang ulit, e. I don't mind playing kontrabida roles, pero sa nangyayari, nagiging one of those lang ako.

"Bakit ganoon? Samantalang may mga bago diyan, ngayon lang sumulpot, biglang bida agad! Hindi sa nai-insecure ako, pero you can't help but ask, di ba? Ano ba ang nagawa kong mali para lumabas na napapag-iwanan ako?" hinaing ng StarStruck alumna.

Ito ang dahilan kung bakit pagkatapos ng cast presentation sa press launch ng Darna na ginanap noong Lunes ng gabi, August 3, sa Studio 5 ng GMA Network Center, nagmadaling umalis si Nadine at hindi na nakipag-usap sa entertainment press.

Paliwanag niya, "Ayoko naman kasing mag-nega nang husto, lalo kung napakaraming press ang magtatanong sa akin. Kilala ako ng mga kaibigan kong reporters. Kapag nagsalita ako, dere-deretso rin kasi. Ayoko lang kasing magpaka-hypocrite."

Nabanggit namin kay Nadine na sa nakaraang SRO Presents Cinemaserye Presents Suspetsa ay bida rin naman ang role na naibigay sa kanya.

"But, it wasn't a regular thing," sambit ni Nadine. "Kasi, parang guesting lang yun. Nakapagbida na nga ako sa afternoon soaps, pero bakit nga hindi nagtuloy-tuloy? Sa halip na umusad, parang umaatras akong pabalik.

"Hindi mo naman ako masisisi, kasi iniisip ko, 21 years old na ako. Matagal-tagal din akong naghintay. Tatanda na lang ba akong ganito? Iniisip ko na rin kung ano ang mangyayari sa future ko. Maraming bagong pumapasok, mas bata, saan pa ako lalagay?"

Gumagawa naman daw ng paraan para gandahan ang exposure niya sa Darna. Hindi naman daw siya all-out kontrabida rito.

"As Babaeng Impakta, may kakambal akong masama rito, si Impy," banggit ni Nadine. "Mapapansin ninyo, sa second or third week ng series, nakatutok din sa akin ang istorya. Kasi, alam naman nila ang reklamo ko. Naghahanap na lang silang remedyo para hindi ako masyadong malungkot."

MIGRATING TO GERMANY. Ito rin ang dahilan kung bakit kinu-consider na talaga ni Nadine ang pagma-migrate sa Germany. Nadine has a German father, at ang gusto ng grandparents niya roon, kupkupin na siya at doon na magpatuloy ng kanyang buhay.

"Nag-iisip kasi ako sa future ko, ako pa naman ang breadwinner ng family namin," sabi niya. "Mga two or three weeks akong mawawala sa October, para makapaghanap din ng paraan o dahilan kung bakit pupuwede akong manirahan sa Germany.

"Kung ganyan nang ganyan kasi ang mangyayari, ngayon pa lang, dapat na mag-isip na ako. Pero sa totoo lang, hindi na fulfilling ang mga ginagawa ko."
source: Archie de Calma

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007