Showing posts with label Darna. Show all posts
Showing posts with label Darna. Show all posts
Ang Pagbabalik ni Darna sa GMA Telebabad!
Friday, August 07, 2009
Mars Ravelo's original Filipino Comics character is set to conquer every Filipino home with her breathtaking stunts and heart-wrenching stories night after night.
Para bigyang buhay ang isa sa mga tanyag na Pinoy Icons, GMA-7 taps its Queen of Prime Time, Marian Rivera, who is undeniably one of the hottest and most sought-after actresses in the entertainment industry. In the series, she will also portray Darna's alter-ego—Narda, a crippled young woman who will be torn between her love and destiny.
Joining Marian in the series is a powerhouse ensemble lead by Eddie Garcia, Celia Rodriguez and Caridad Sanchez. Also joining them are Robert "Buboy" Villar and Mark Anthony Fernandez.
To make the new Darna series more interesting are Raymart Santiago, Rufa Mae Quinto, Janice de Belen, Rita Avila, Jestoni Alarcon, Ian de Leon, Alfred Vargas, Polo Ravales, Angel Aquino, Gabby Eigenmann, Bearwin Meily, Krissa Mae Arrieta and Roxanne Barcelo—all in very special roles.
At magpapakitang gilas naman sina Ehra Madrigal, Francine Prieto, Nadine Samonte, Maggie Wilson and Ricky Davao bilang mga kontrabidang magpapahirap kay Darna. At huwag rin natin kalilimutan si Paolo Contis who portrays the half-human, half-snake Kobra, the most ferocious enemy of Darna; and Iwa Moto who will give a different take on Valentina, the most popular Darna villain in the minds of Filipinos.
Sa pagkakataong ito, Dominic Zapata and Don Michael Perez reunite to direct this new masterpiece that will be written by a group of writers headed by Jun Lana. Ang team na last nagkasama sa critically acclaimed na LaLola.
Darna tells the story of Narda, an attractive young woman who grows up in an orphanage and lives a happy, quiet and simple life—until she must face the fact na siya ang tanging tagapagmana ng isang mahiwagang bato. Isang bato na magbibigay sa kanya ng kakaibang—ngunit pamilyar—na kapangyarihan.
Kakayanin ba ni Narda ang responsibilidad na ipapataw sa kanya? Masusundan ba niya ang mga yapak ng naunang Darna?
How will Narda reconcile with the fact that she picked Eduardo (Mark Anthony Fernandez), her childhood sweetheart, first—before even thinking about saving the world? Paano niya tatanggapin na ang magiging pinakamatindi niyang kalaban ay ang kanyang kababatang si Valentina?
Magagawa pa ba niyang itama ang kanyang pagkakamaling tanggihan ang kapangyarihan ng mahiwagang bato?
Darna flies high once more—join her exciting adventures and Narda's captivating story of love and sacrifice gabi-gabi on GMA Telebabad.
Nadine Samonte expresses her disappointment over her "one-of-those" role in Darna
Thursday, August 06, 2009
Hindi naitago ni Nadine Samonte ang pagkadismaya niya sa latest assignment na ibinigay sa kanya ng GMA-7. Isang kontrabida role ito bilang Babaeng Impakta, isa sa mga makakalaban ni Marian Rivera, sa bagong telefantasya ng Kapuso Network na Darna.
"Kung iisipin, okey na rin lang, kasi may trabaho ako," sabi ni Nadine in a phone interview. "Pero to be honest about it, hindi ito ang trabahong gusto ko. Kasi kung iisipin, nakapagbida na ako ng ilang ulit, e. I don't mind playing kontrabida roles, pero sa nangyayari, nagiging one of those lang ako.
"Bakit ganoon? Samantalang may mga bago diyan, ngayon lang sumulpot, biglang bida agad! Hindi sa nai-insecure ako, pero you can't help but ask, di ba? Ano ba ang nagawa kong mali para lumabas na napapag-iwanan ako?" hinaing ng StarStruck alumna.
Ito ang dahilan kung bakit pagkatapos ng cast presentation sa press launch ng Darna na ginanap noong Lunes ng gabi, August 3, sa Studio 5 ng GMA Network Center, nagmadaling umalis si Nadine at hindi na nakipag-usap sa entertainment press.
Paliwanag niya, "Ayoko naman kasing mag-nega nang husto, lalo kung napakaraming press ang magtatanong sa akin. Kilala ako ng mga kaibigan kong reporters. Kapag nagsalita ako, dere-deretso rin kasi. Ayoko lang kasing magpaka-hypocrite."
Nabanggit namin kay Nadine na sa nakaraang SRO Presents Cinemaserye Presents Suspetsa ay bida rin naman ang role na naibigay sa kanya.
"But, it wasn't a regular thing," sambit ni Nadine. "Kasi, parang guesting lang yun. Nakapagbida na nga ako sa afternoon soaps, pero bakit nga hindi nagtuloy-tuloy? Sa halip na umusad, parang umaatras akong pabalik.
"Hindi mo naman ako masisisi, kasi iniisip ko, 21 years old na ako. Matagal-tagal din akong naghintay. Tatanda na lang ba akong ganito? Iniisip ko na rin kung ano ang mangyayari sa future ko. Maraming bagong pumapasok, mas bata, saan pa ako lalagay?"
Gumagawa naman daw ng paraan para gandahan ang exposure niya sa Darna. Hindi naman daw siya all-out kontrabida rito.
"As Babaeng Impakta, may kakambal akong masama rito, si Impy," banggit ni Nadine. "Mapapansin ninyo, sa second or third week ng series, nakatutok din sa akin ang istorya. Kasi, alam naman nila ang reklamo ko. Naghahanap na lang silang remedyo para hindi ako masyadong malungkot."
MIGRATING TO GERMANY. Ito rin ang dahilan kung bakit kinu-consider na talaga ni Nadine ang pagma-migrate sa Germany. Nadine has a German father, at ang gusto ng grandparents niya roon, kupkupin na siya at doon na magpatuloy ng kanyang buhay.
"Nag-iisip kasi ako sa future ko, ako pa naman ang breadwinner ng family namin," sabi niya. "Mga two or three weeks akong mawawala sa October, para makapaghanap din ng paraan o dahilan kung bakit pupuwede akong manirahan sa Germany.
"Kung ganyan nang ganyan kasi ang mangyayari, ngayon pa lang, dapat na mag-isip na ako. Pero sa totoo lang, hindi na fulfilling ang mga ginagawa ko."
source: Archie de Calma