Charice's "Telephone" and "Listen" from Glee enter iTunes Top 10

Charice in Glee, Glee Charice, Sunshine Corazon, Charice Itunes, Charice listen, charice telephone, Note to God, Charice Note to God, Charice as Sunshine Corazon, tv series, Charice LISTEN at GLEE Season 2 Episode 1 - Audition

Charice (a.k.a. Sunshine Corazon) has made her presence felt again in the online music store iTunes. As of September 23, four tracks from the pilot episode of Glee Season 2 entered the iTunes Top 10 in the United States.

In the pilot episode of Glee Season 2, the petite singer was part of the opening number, the hip hop song by Jay-Z and Alicia Keys titled "Empire State of Mind." It landed No. 3 on the most downloaded charts.

The Filipina singer also had a face-off with Glee co-star Lea Michele for the song "Telephone." Their cover of the Lady Gaga/Beyonce song is cited as the 4th most downloaded song in iTunes as of posting time.

Travie McCoy's popular song "Billionaire" with Bruno Mars is given new life by the students of McKinley High. As a result, the track landed in the 7th spot of iTunes Top 10.

Finally, Charice's solo rendition of "Listen" from the Dreamgirls movie debuted at No. 9 of iTunes Top 10.

The powerful singer from Laguna has earned rave reviews not only from her kababayans but also from her own co-stars in the popular American musical TV series. In an interview with allvoices.com, Lea Michele described Charice as having "a gorgeous voice."


In the past, other songs of Charice have made the cut in the iTunes Top 10 downloads. Her single "Note to God" moved up to the No. 5 slot after she performed it on Oprah last May 2009.

Charice LISTEN at GLEE Season 2 Episode 1 - Audition [HD]

Richard Gutierrez says there's "no bad blood" between him and ex-girlfriend Jewel Mische

Jewel Mische, Richard Gutierrez, Richard Jewel, GMA 7 Kapuso Stars, GMA Pinoy TV, Solenn Heussaff, Claudine Barreto, Anne Curtis, Captain Barbell

Isang pocket interview ang ipinatawag ng GMA-7 para kay Richard Gutierrez kahapon, September 22, sa Executive Lounge ng GMA Network Center. Ito ay may kaugnayan sa airing ng second episode ng Anatomy of a Disaster, na hinu-host ng young actor para sa GMA News & Public Affairs.

Ipalalabas ang second episode ng Anatomy of A Disaster sa Linggo, Setyembre 26, na first anniversary ng Bagyong Ondoy. Pero ayon kay Richard, hindi raw nila sinadya ang pagpapalabas ng docu-series sa unang anibersaryo ng killer typhoon na puminsala nang malaki at kumitil sa buhay ng marami nating kababayan noong nakaraang taon.

Paliwanag niya, "Laging last week of the month namin ipinapalabas ang docu-series at tumama pa na ang topic ay tungkol sa baha, na karaniwan nang nararanasan natin tuwing uulan nang malakas."

SURVIVOR PHILIPPINES. Nasa third week na ngayon ang hinu-host na reality show ni Richard sa GMA-7, ang Survivor Philippines Celebrity Edition.

So far ay maganda naman ang ratings ng show na nagtatampok sa celebrity castaways. Nakatulong din marahil ang magandang timeslot nito, pagkatapos ng primetime newscast na 24 Oras.

"We did not expect that it will be that big," sabi ni Richard. "Bago ito nag-air, nag-meeting kami kung anong timeslot ito ipapasok—after ng 24 Oras o the same time slot ng first two Survivor Philippines na 10 p.m. para makapanood daw 'yong mga nanggagaling sa office.

"We are risk takers kaya bakit hindi natin i-try i-risk ang timeslot, para kami maka-move on. So, itinuloy namin 'yong time slot after ng 24 Oras.

"Kabado kami and pressured. Pero natuwa at thankful kami na ito na ngayon ang highest-rating show ng GMA-7 sa primetime slot."

If ever ba na magkaroon pa ng isang celebrity edition ang Survivor Philippines ay iho-host pa rin niya ito, o sasali siya bilang castaway?

Aniya, "Yes, I really want to do another season kung magkakaroon ulit. Sinabi ko na 'yon sa kanila.

"Pero as a castaway, alam kong kakayahin ko 'yon, pero hindi na puwede, kasi alam ko na raw lahat ng mangyayari."

Siniguro rin ni Richard na hindi totoo ang mga lumalabas na spoilers kung sino ang mananalo.

GOOD YEAR. Kinukunsidera ni Richard ang taong 2010 bilang "good year" dahil sunud-sunod ang projects na ibinibigay sa kanya ng Kapuso network.

Kumita sa takilya ang pelikula nila nina Claudine Barretto at Anne Curtis na In Your Eyes. Maganda rin ang response ng mga manonood sa docu-series na hinu-host niya. At ito ngang Survivor Philippines.

Nakalinya ring gawin ni Richard ang Captain Barbell sa TV at isang Valentine movie.

"I think it's a good year for me. Very smooth ang takbo ng career ko. Mas relaxed ako ngayon di tulad noong nakaraang taon," nakatawang sabi ni Richard.

"Siguro dahil din sa mga sacrifices na ginawa ko para sa career ko," pahabol niya.

Like?

"Marami... 'Yong time na ibinigay ko sa lahat ng mga projects na ginawa ko, my personal life..."

Ang breakup nila ni Jewel Mische?


"Yes. I set aside muna ang lovelife ko," sagot ni Richard, bagamat hindi naman niya direktang inamin noon na naging sila nga ni Jewel.

Alam ba niyang may balitang lilipat na si Jewel sa ibang network?

"Yes, I heard," sagot niya. "But I think she's weighing her options, if she will stay sa GMA o lilipat siya ng network."

Paano kung hindi tumuloy si Jewel at itambal pa rin sa kanya sa Captain Barbell?

"Okey pa rin sa akin, but I'm not so sure," sagot ni Richard.

"May communication kami ni Jewel, nagti-text pa rin kami. We still remain as friends. No bad blood between us. She's fine."

SOLENN HEUSSAFF. Nali-link naman ngayon si Richard kay Solenn Heussaff, isa sa paboritong celebrity castaways ng Survivor Philippines.

Maraming nagsasabi na bagay sila. Wala ba siyang balak ligawan si Solenn?

"Kami naman ni Solenn, friends na kami noon pa. Best friend siya ni Mond [Raymond Gutierrez, his twin brother] kaya madalas kaming lumalabas na magkakasama," sabi niya.

Balitang isa si Solenn sa gusto ng fans na makatambal ni Richard sa Captain Barbell. Ano ang masasabi niya rito?

"Malalaman ko po 'yon bukas [September 23]," sabi niya. "Makikipag-meeting ako sa GMA. Idi-discuss na namin ang Captain Barbell.

"We need to start taping na sa last week of October or sa first week of November. Pero sa January 2011 pa 'yon ipapalabas kasi hanggang December pa ang Survivor Philippines.

"Baka pag-usapan na rin namin ang Valentine movie na gagawin ko. Gusto ko naman ay isang romantic comedy para lalabas sa sinehan na nakangiti ang mga manonood.

"Hindi ko pa rin alam kung kami pa rin ni Anne [Curtis] ang magtatambal. May mga options pa kasing iku-consider."

by Nora Calderon

Source: Pep.ph

Justin Bieber & Jasmine Villegas Spotted Kissing

Justin Bieber, Jasmine Villegas, Justin Jasmine, Justin Kissing Jasmine, justin and jasmine kissing photos

Worried ang mga tao sa paligid ni Jasmine Villegas dahil baka siya ang mapagbuntunan ng galit ng mga selosang fans ni Justin Bieber.


Si Jasmine ang 16-year old Fil-Am singer na nakunan ng litrato habang nakikipaghalikan sa sikat na Canadian pop superstar sa backseat ng isang sasakyan.


Ito ang report ng TMZ, isang sikat na entertainment website sa US:


“The chick playing tonsil hockey with The Biebs is 16-year-old Jasmine Villegas -- who also happens to be the opening act on Bieber’s concert tour.


“The photos were taken on Thursday, September 9 in Venice, CA by some Canadian tourist who just happened to notice his country’s most famous pop star in the midst of a make-out session with the luckiest teenage girl on the planet.”


Matagal nang napapabalita na may relasyon ang da lawa pero magkaibigan lamang sila ang kanilang sagot sa mga nagtatanong.


Si Jasmine ang leading lady sa music video ng Baby at siya rin ang opening act sa North America concert tour ni Justin. Ang Baby ang hit song ni Bieber.


Justin Bieber, Jasmine Villegas, Justin Jasmine, Justin Kissing Jasmine, justin and jasmine kissing photos


***


Filipina ang ina ni Jasmine, may dugong Mexican ang kanyang American father at nakatira sila sa San Jose, California. Nakilala ng mga Filipino si Jasmine nang umuwi siya sa Pilipinas noong May 2008 para magkaroon ng showbiz career.


Lumabas si Jasmine sa mga programa ng GMA 7 at si Congressman Manny Pacquiao ang kanyang business manager.


Nagkakilala sina Manny at Jasmine dahil ito ang kumanta ng US National Anthem sa mga boxing match ni Pacquiao sa Las Vegas.


***


May mga natuwa sa balita na girlfriend ni Justin si Jasmine, pero may mga nagduda na publicity stunt lamang ang kissing pictures para sa kanilang concert tour.


Pinakamatindi ang tsis mis na ginagamit lamang si Jasmine para mabura ang gay rumors tungkol kay Justin.

by: Jojo Gabinete
Source 1
Source 2

Carla: Nobody but Geoff

Carla Abellana, Geoff Eigenmann, GMA 7 Kapuso Stars, GMA Pinoy TV, GMA-7, Glaiza de Castro, Grazilda,

NOW that “Basahang Ginto” reaches its conclusion this week, Geoff Eigenmann says he feels somewhat anxious that he won’t be able to see Carla Abellana often as he’s also busy taping the new hit primetime show, “Grazilda”, with Glaiza de Castro. When Carla went with some friends to Boracay for a short vacation, he followed her so they can have some good moments together. So what’s the status of their relationship now? “Ganun pa rin, close friends, hindi pa naman niya ako sinasagot, eh,” he says.

Carla says if ever she’d choose someone for a boyfriend, definitely, it’s not going to be anyone else but Geoff. “Kaya lang, I really want to concentrate muna on my career kasi I still consider myself a neophyte in showbiz. I really want to make good muna as an actress before I consider affairs of the heart. I’m glad naman that Geoff says he’s willing to wait. Basta huwag na lang muna kayong bibitaw sa ‘Basahang Ginto’ as the last few episodes will offer some exciting twists and turns in the story up to the memorable finale.”

by Mario Bautista
source

Lovi's intimate video on internet

lovi poe, Bench pictorial, Joem Bascon, Shake, Rattle and Roll X, White House, GMA 7 Kapuso Stars, GMA Pinoy TV, GMA-7,  lovi poe intimate video, lovi poe video
WHILE Lovi Poe was preparing for her Bench pictorial, someone secretly videotaped her on the phone showing her intimate parts. This was later uploaded in the internet. How does she feel about it? “I really felt nabastos ako kasi I was assured walang ibang magkukuha ng picture doon sa pictorial,” she says. “I have no idea who took that video and who uploaded it. As of now, ayoko na lang pansinin. Kasi, if I’d let myself be affected, I’d just get angry and depressed about it and I don’t want to dwell on these negative feelings. Bahala na lang si Lord sa kung sinuman ang gumawa noon. Basta ako, happy ako na very positive ang feedback about my pictorial kasi classy lumabas ito at di malaswa.”

As of now, she can’t complain about her career as Mother Lily believes in her so much. At the presscon for the horror film “White House,” the Regal producer proclaimed she knows Lovi will hit it big. “She’s very good in ‘White House’, impressed ako, so I’m also including her in the cast of ‘Temptation Island’ and I plan to launch her solo.”

In “White House,” Lovi plays April, a poor pole dancer who joins the reality show inside a haunted house to win the P1 million prize and improve her life. “May pagka-flirt ako rito and I have a fling with Joem Bascon. I’m glad that I’ve worked na with our director here, Topel Lee, who directed me and Rocco Nacino in our ‘Love Bug’ episode shot in Palawan, kaya comfortable na ako with him. Ang galing niya. He’s very cool on the set but can also be very firm in getting what he wants from you. You should watch out for the scene where I have a really frightening encounter with the ghost in the story. I prayed muna before we shot that scene kasi the ghost is a very violent spirit kaya matatakot talaga ang viewers. I’ve done the ‘Christmas Tree’ episode before in ‘Shake, Rattle & Roll X’, but it’s pambata compared to ‘White House’ na sisigaw ka talaga sa takot.”

Is it true a ghost really got attracted to her while they were shooting the film? “That’s what the staff says kasi sa camera raw, parang may sumusunod sa’king spirit or what. But I myself, hindi ko na-feel. I’m wearing sexy outfits kasi in the film kaya raw pati multo, na-attract sa’kin,” she laughs.

“White House” opens in theatres on October 13 as a pre-Halloween presentation.

Jennylyn Mercado hindi lilipat sa TV5

Jennylyn Mercado, GMA 7 Kapuso Stars, GMA-7, GMA Pinoy TV, Jennylyn Mercado Rosario, Rosario

Itinanggi ng manager ni Jennylyn Mercado na si Becky Aguila ang napabalitang lilipat na ang aktres sa TV5. May existing network contract si Jen sa GMA-7 for three years at last May lang ito pumirma kaya imposible raw na mag-ober da bakod ito.

Bukod dito, ayon sa manager, wala naman siyang makitang rason para ilipat ang aktres dahil so far ay naaalagaan naman daw ito ng Kapuso at nabibigyan ng magagandang proyekto.

May pelikula si Jennylyn under Cinemabuhay at Studio 5 na film arm ng TV5 – ang Rosario – kaya marahil nagkaroon ng tsismis na lilipat na siya sa Kapatid network.

Ayon kay Tita Becky, sobrang excited na sila for Rosario dahil this early ay napakarami na raw pumupuri sa acting ni Jen. Sobrang ginastusan din daw nang husto ng produksyon ang pelikula at baka raw humakot pa ng awards.

“Si Albert Martinez na director ng movie, sobrang binusisi niya ang pelikula. May time na nagbutas pa siya ng pader para lang makuha niya ang gusto niyang shot sa isang eksena. Ang galing niya, grabe, talagang kinarir niya ang movie,” pahayag pa ni Tita Becky.

At maging si Jen daw ay hindi tumanggap ng ibang projects para lang makapag-concentrate sa movie.

“For two months, hindi siya nag-Party Pilipinas dahil gusto niya, ang concentration niya ay sa Rosario lang. Talagang kinarir din niya nang husto ang movie at natutuwa naman siya na sulit naman ang lahat ng kanyang pagod because ang ganda lumabas ng movie,” kuwento pa ng manager.

Rosario is one of the official entries at the Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre at kasama rin dito ni Jen ang rumored boyfriend na si Dennis Trillo bilang leading man.

Meet the new Cinderella sa GMA Telebabad, si Grazilda.

Grazilda, Glaiza de Castro, GMA 7 Kapuso Stars, GMA Pinoy TV,


One of the evil stepsisters na umapi kay Cinderella, si Grazilda ay ang prinsesa na nagpilit suotin ang glass slipper para agawin si Prince Charming. Pero ano nga ba ang nagyari sa kanya, matapos makamit ni Cinderella ang kanyang happily ever after?

GMA brings all the magic of the Cinderella story back to life with a modern twist of the untold story of the stepsister Grazilda. An absorbing and provocative drama that promises to inspire and steal the televiewers’ heart away on the Telebabad block, panoorin natin ang kuwento ni Grazilda.

DAHU: Young actress pinarusahan ng choreographer

Matagal nang hindi napapanood ang young actress (YA) na ito sa isang Sunday noontime show at hindi kami maniniwalang kaya hindi siya kinukuha sa show ay dahil busy. Ilang months nang tapos ang soap nito at madalang ding mag-guest sa ibang shows ng kanyang home studio.

Hanggang may nagtsika sa amin sa posibleng rason kung bakit hindi favorite kuning guest si YA ng mga taong involved sa show. Hindi ito naka-attend sa scheduled time sa madugong rehearsal at kinabukasan sa actual show ay dumating ng maaga at nag-request sa choreographer na mag-rehearse muna siya bago ang show.

Hindi pinagbigyan ang request ni YA at sa halip, pinauwi ng choreographer. No choice ito kundi umuwi at mula noon, madalang na siyang mapanood sa show.

Strict pa naman ang rule sa show ngayon na “no rehearsal, no performance” at pinaiiral ito sa lahat pati big stars!

by Nitz Miralles

DAHU: Mahusay na Dramatic Actress, Bitbit sa Nilipatan ang Pagkaluka-luka!

BLIND ITEM: KAHIT may ilang buwan na buhat nang lumayas ang isang mahusay na dramatic actress sa kanyang sinilangang TV network, bida pa rin siya ng mga kuwentuhan ng kanyang mga nakatrabaho noon.

Hindi raw lingid sa mga ito ang pagluka-lukahan sa propesyon ng aktres, na kasama niyang binitbit sa nilipatang network. Kabisado na raw kasi nila ang work attitude ng aktres, na minsa’y naging sanhi ng pagtaas ng blood pressure ng isa ring magaling na co-star niya noon sa isang soap opera.

‘Eto ang kuwento. Matagal pa’y ipinagpaalam na ng kanyang female co-star sa kabilang production staff ang kanyang Hong Kong vacation, kasama ang anak niya. Aware din daw ang ating bida na hanggang ganitong araw lang maaaring mag-tape ang kanyang kaeksena, saka na lang kukunan ang iba pa nilang eksena pagbalik niya mula Hong Kong.

Last taping day ‘yon ng kanilang teleserye, pareho naman silang sumipot. Marami-rami rin daw ang sequence na kanilang pagsasamahan, pero dahil nakatakda ngang tumulak patungong Hong Kong ang female co-star ng ating bida kinabukasan, umaasa siyang maaga silang magpa-pack-up.

Lumipas na ang alas-dose ng hatinggabi nang may mga eksena pang kukunan sa kanilang dalawa. Aligaga ang staff, nilibot nila ang buong set, pero nawawala ang mahusay na dramatic actress. Noon na lang nila natuklasan na umuwi na pala ito kahit hindi pa tapos ang kanyang trabaho. Ang dahilan: hanggang 12:00 midnight lang siya maaaring magtrabaho.

Du’n na raw tumaas ang BP ng nakakaeksena ng bida, hindi raw puwedeng mangyari ‘yon dahil kung hindi raw makukunan ang eksenang ‘yon, matutuloy nga kinabukasan ang kanyang Hong Kong trip, pero kailangan niyang umuwi agad for the next taping schedule.

Pinaghalong sama ng loob, galit at panlulumo ang lumukob sa female co-star, na ikina-shoot up ng kanyang dugo: 150/100. Nagngingitngit man din daw ang buong staff, partikular na ang naloka nitong direktor, ay ginawan na lang ng paraan ang dapat sana’y eksenang magkasama sila.

Gumamit daw ng stand-in sa aktuwal na eksena, sinakluban ng tela sa mukha na kunwari’y ‘yun ang magaling na aktres, habang umaarte na ang felame co-star sa kanilang confrontation scene.

Sino ang napakahusay at multi-awarded female co-star ng ating bida? She bears a compound name, masarap itong panghimagas (dessert) dahil fruity ang kanyang dating. Sino naman ang ating bida? Napakakontrobersyal niya ngayon over a Twitter war with a younger actress mula sa kanyang pinaggalingang TV station.

By: Ronnie Carasco

DAHU: Young Kapuso Actress, gusto nang maging Kapamilya after ng break-up with her Kapuso Hunk Actor boyfriend?

Para sa mga na-in love at nasaktan na dyan, ganun na ba talaga kahirap mag-move on these days? Sa kaso nitong isang young female star from the Kapuso Network, ang paglipat ba sa Kapamilya Network ang solusyon para tuluyan niya nang malimutan ang dating rumored boyfriend sa GMA-7?

Bulung-bulungan kasi ngayon na tapos na raw ang kontrata ni young female star with GMA-7. At diumano, recently ay nakipag-meeting na ang kampo nito sa Star Magic ng ABS-CBN. Naku, ano kaya ang naghihintay sa career niya this time? Kasi nung nasa Kapuso Network pa siya, in fairness naman bini-build up siya. Kaya lang, masyado siyang nahumaling sa kanyang rumored hunk actor boyfriend, na super BIG star sa naturang istasyon. Marami ang nakaramdam sa tila pagla-lie low ni girl sa showbiz, para lang makapag-devote ng bonggang quality time with this actor na never umamin about his relationship with her --- oh well, until nung naghiwalay sila. Kaya ngayon, balak ata ni young female star na lumayo na talaga sa kanyang ex, na nali-link naman ngayon sa isang contestant sa isang reality show. Hay naku, go girl! Mas sisikat ka pag naging Kapamilya ka na, at mapapatunayan mong sa break-up niyo ng iyong rumored Kapuso boyfriend, ikaw ang tunay na survivor! Pak!

 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007