Nadine, nagtiis sa pagmamaneho

Napadaan kami sa taping ng Bakekang kung saan ang kinukunan ay eksena nina Nadine Samonte at Sheryl Cruz. Walang masyadong usisero dahil dis-oras na nang gabi ito. Dito namin nalaman na si Nadine ang nagmamaneho ng kanyang kotse tuwing may mga trabaho siya. Nanggagaling pa ang aktres sa bayan ng Santa Rosa, Laguna.

Naaawa man ang ina ay wala siyang magawa dahil hindi siya marunong magmaneho. Pinaalis na ng ina ang driver dahil madalas itong late at naapektuhan ang schedule ng aktres.

Dahil sa hirap humanap ng matinong driver ay napagtiisan nila ito nang almost one year. Ngayon ay halos three hours bago sila makarating ng Manila dahil mabagal mag-drive si Nadine.

Hindi pa pala gaanong tapos ang bahay na ipinagawa ni Nadine. Unti-unti raw nilang tinatapos ito. Sa pagtitiyaga ng dalaga ay naka-atikha siya ng bahay sa bayan nila.

Ilang eksena na lang ang kukunan kay Nadine sa Bakekang dahil nag-uumpisa na siya sa bagong programang Super Twins kung saan makakasama niya sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Maganda ang pasok ng taon kay Nadine, kasama sa pilot episode ng Magic Kamison na mag-uumpisa sa Pebrero.

Mark on Jennylyn and Patrick: "Wala akong planong sirain ang


Marks says he's not getting back together with Jennylyn
Bakit umi-epal [nakikisali] si Patrick sa away naming personal ni Jennylyn?" says
Mark Herras

Tuloy pa rin ang sagutan at away-bati ng dating magkarelasyon na sina Jennylyn Mercado at Mark Herras.

Nakarating kay Jennylyn ang mga sinabi ni Mark tungkol sa kanya at sa boyfriend ng young actress na si Patrick Garcia. Galit na galit daw diumano si Jennylyn kay Mark.

Dahil dito, si Jennylyn naman daw ang nagsalita na hindi siya nirespeto ng kanyang dating boyfriend at binabaligtad ni Mark ang kuwento.

Ayon kay Jennylyn, hindi raw siya nagsumbong kay Patrick kundi kay Katrina Halili—ka-batch nina Jennylyn at Mark sa StarStruck. Si Mark daw kasi ang nanggugulo sa kanila ni Patrick dahil gusto raw nitong bumalik sa kanya ngunit ayaw na ni Jennylyn.

Around 4 p.m. kahapon, January 18, via a three-way phone call, pinagbati ng common handler nila sa GMA Artist Center na si Daryl Zamora sina Jennylyn at Mark. So it was thought na okay na, pero
hindi alam nina Daryl at Mark na sumagot palang muli si Jennylyn.

Friday morning, January 19, naglabasan ang mga sagot ni Jennylyn—although may advanced copies na ang ilan via the newspapers' website. Tiyempo namang nagkita kami ni Mark sa Station 168 Internet CafĂ© sa Tomas Morato so nahingan namin agad siya ng reaction.

Una, inamin ni Mark na pinagbati nga sila ni Daryl. He thought okay na ang lahat kung kaya't nagulat siya na nagpa-interview rin pala si Jennylyn kaya gusto niya lang itong sagutin.

"Wala akong planong sirain ang relationship nilang dalawa. Wala akong planong magsabi ng masama against them. Bakit umi-epal [nakikisali] si Patrick sa away naming personal ni Jennylyn?" pauna
ni Mark.

For the record daw, hinding-hindi siya bumabalik kay Jennylyn. Alam daw ni Jennylyn ang totoo.

Ipinabasa rin sa amin ni Mark ang actual text ni Jennylyn na paghahamon ni Patrick kay Mark na sinasabi ni Jennylyn na hindi totoo. We got Mark's permission to print the message as
is: "Tinatanong ni Pat ad m bigay ko ha? Alam m naman un pulitka hawak nun. Kaya handa m n sarili m ha? Ingat k lage."

Samantala, may kasamahan ding entertainment writer na nakausap si Katrina—also that Thursday night—to ask kung totoo ang sinabi ni Jennylyn na sa kanya isinumbong si Mark. Ang naging sagot ni
Katrina, hindi raw ito totoo dahil two weeks na silang hindi nag-uusap ni Jennylyn. Busy raw siya Atlantika.

Nag-follow up din kami nang personal kay Katrina. Tinanong namin kung totoong nagsumbong si Jennylyn sa kanya about Mark at kung totoong inamin niya na MU (mutual understanding) na sila ni Mark kay Jennylyn.

Ito ang naging sagot ni Katrina sa amin via text: "Not true. Walang katotohanan po `yan. Hindi ko alam kung saan galing `yan."

Jennylyn, Mark, nag-aaway na naman!

"Wala na nga siyang respeto sa akin, gagawa pa siya ng istoryang mali naman," matigas na pahayag ni Jennylyn Mercado sa kanyang publicist tungkol sa isyung hinamon daw ni Patrick Garcia si Mark Herras kamakailan.

"Hindi po totoo na hinamon ni Patrick si Mark at hindi rin ako nagsumbong kay Pat, kay Katrina (Halili) ako nagsumbong na pagsabihan niya si Mark kasi ginugulo ako sa text at kung anu-anong masasakit na salita ang sinabi sa akin. Kaya kung gusto niyang irespeto ko siya, irespeto rin niya ako," paliwanag pa ng bida ng Super Twins.

Nakausap si Mark sa taping ng Princess Charming ng ilang katoto at nabanggit nga nito na nag-away sila ng boyfriend ni Jennylyn na si Patrick at hinamon siya ng suntukan.

"Nangungulit pong bumalik si Mark sa akin, hindi ko na tinanggap dahil ayoko na, kung anu-anong masasakit na salita na ang sinabi sa akin kaya nagalit ako at sinabi ko kay Kat na pagsabihan nga niya, galit din sa kanya (Mark) si Pat, pero hindi siya hinamon ng suntukan," pagdidiin ni Jennylyn.

Last two weeks ay nag-aminan on air sa Startalk na love nina Jen at Patrick ang isa’t isa at last week sa parehong programa kung saan sabay nag-guest ang dalawa ay tila naumid naman ang mga dila nilang magsalita nung deretsahan silang tanuning kung ‘sila’ na nga.

Jennylyn, Patrick finally admit romantic liaison

Jennylyn Mercado and Patrick Garcia finally admitted that they're on, after a week of trying to keep mum about the issue. Still Mercado would rather have kept it to themselves.

In an interview with Lhar Santiago of "Chika Minute," aired on Wednesday evening, Mercado explained their reluctance to let admit the affair: "Kasi kamukha nung nangyari sa amin ni Mark [Herras] na parang gumulo. Okay na nga na gumulo, dahil ang daming chismis, ang daming naninira. Parang kami, naguguluhan na rin kami."

Herras, her ex-boyfriend, has himself been the subject of rumors, linking him to Katrina Halili.

Mercado and Garcia are very conscious too that they could very well use interest in their personal relationship to attract attention to their shows.

But they'd rather keep their personal lives separate from their careers.

"Mas gusto namin ang tahimik," Mercado said. "Pero hindi namin maiwasan ang hindi maging tahimik dahil nga maraming tao ang nagugulo."

Even their admission, in fact, was something they did out of media pressure.

"Actually, hindi kami ang nag-decide noon," Mercado said.

Last Saturday, January 14, Mercado and Garcia appeared on GMA's StarTalk, and gave what must be the most speechless interview ever in the history of local television.

Just a week earlier, they admitted on the same show that they love each other. In the January 14 episode, they made the admission by not denying anything.

Host Butch Francisco asked them if they were already officially a couple.

The couple looked into each other's eyes, Mercado lightly squeezing Garcia's thigh, but they said nothing, despite Francisco's repeated question.

The talk show host then decided that the silence, with not even a hint of denial from either, meant yes. So he asked each of them what their promise was to each other.

"Nandito lang ako para sa kanya, kung may problema siya," Garcia said.

To which Mercado gave the same reply: "Nandito lang ako for him."

So are they now ready to face an insistent media hungry for any little tidbit about their new relationship?

"Ready na. Siguro may limit na. Hindi na katulad ng noon."

Jennylyn Mercado, ayaw aminin ang relasyon nila ni Patrick Garcia?

Kakaiba ang dating ni StarStruck 1 Ultimate Female survivor na si Jennylyn Mercado ngayon. Bukod kasi sa kanyang new “Super Twins look”, ay aminado pa siyang inspired siya sa kanyang bagong boyfriend na si Patrick Garcia.

Ngunit sa kabila ng pag-amin ng dalawa tungkol sa kanilang relasyon, sinabi ni Jen na mas gugustuhin niyang itago muna ito kung siya lang ang masusunod. Ayaw daw niya kasing paghaluing muli ang kanyang career at personal life.

Ayaw din niyang mapagbintangan sila ni Patrick na ginagamit ang kanilang relasyon para sa kanilang career.

Ang tanging hiling ng young star ngayon, magkaroon ng tahimik na love life dahil ayaw na niyang maulit ang naging magulong relasyon nila ng dating nobyong si Mark Herras.

Angel at Richard bigay-todo sa kanilang eksena

Magkakasamang humarap sa press ang producers ng The Promise na sina Anette Gozon-Abrogar ng GMA Films at sina Mother Lily at Roselle Monteverde-Teo ng Regal MultiMedia Inc. Co-produced ng dalawang film companies ang Valentine’s Day movie, kung saan bida sina Richard Gutierrez (as Daniel) at Angel Locsin (bilang Andrea) sa direksyon ni Mike Tuviera.

Nasa presidential table rin sina Joey Abacan ng GMA Films pa rin at ang scriptwriter na si Raquel Villavicencio.

Sa kanya nalamang mas based sa librong Wuthering Heights ang The Promise kesa Hihintayin Kita sa Langit.

In-adjust din niya sa age nina Richard at Angel ang istorya para mas maka-relate ang moviegoers, lalo na ang younger generation na ’di napanood ang Wuthering Heights at Hihintayin Kita sa Langit.

Tinanong si Raquel kung na-capture nina Richard at Angel ang character at passion ng character sa Wuthering Heights?

“I can say na ngayon lang talagang naghalikan nang ganu’n sina Angel at Richard. Parang sobrang sabik na sabik sila sa isa’t isa.

“Walang inhibitions, lalo na si Angel, na give na give at parang sabik na sabik dahil siguro wala nang magseselos. Ready sila to what the director wants them to do.”

From Annette, nalaman naming may two love scenes and three kissing scenes ang dalawa.

Kissing scene pa lang ang nakukunan at ang love scene, isu-shoot pa lang sa isang lighthouse sa Bolinao, Pangasinan kahapon.

Hindi nito naikuwento kung totoong hubad sina Angel at Richard sa nasabing love scene.

Dagdag pa ni Annette, kissing scene agad ang kinunan sa first shooting day ni Angel at take one ’yon.

Very natural ang eksena at lutang na naman ang kanilang chemistry.

First time rin maghuhubad sa movie si Richard at kahit topless lang, lilikha pa rin ng ingay ang pagpapakita nito ng hubad na upper torso.

Hindi pa masabi ni Annette ang budget ng movie, pero kailangan daw ’di ito lumampas sa P30 million. Kasama sa nasabing halaga ang talent fee nina Angel at Richard at production cost.

The best ang kinuha nilang technical people, gaya ni Marissa Floreindo, cinematographer.

Batangas (Calatagan at Tagaytay) Cavite, Bolinao, Antipolo, Tagaytay ang ilan sa location ng movie na comparable raw sa Batanes kung saan kinunan ang HKSL.

Sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid ang kakanta ng theme song.

Kasama rin sa cast sina TJ Trinidad as Anton (si Eric Quizon ang gumanap sa HKSL), Ryan Eigenmann (role ni Michael de Mesa), Eugene Domingo (role dati ni Vangie Labalan) at Rhian Ramos (role ni Sharmaine Arnaiz). Sa February 14 ang showing ng pelikula.

Jennylyn Mercado, cover girl ng Maxim

Tuwang-tuwa si Jennylyn Mercado sa magandang feedback ng pagiging cover girl niya ng Maxim for January.

Ayon sa text message na kanyang natanggap, sa Trend Daily Newsstand Survey, as of Jan. 5 ay nasa 68 percent na ang sales ng nasabing glossy mag.

Ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na nataasan ng Maxim ang sales ng kakumpetensiyang FHM Magazine.

Siyempre, masayang-masaya si Jen considering na hindi naman siya gaanong nagpakita ng flesh sa kanyang pictorial sa Maxim.

Kabado pa nga siya noong una dahil worried siyang baka hindi matanggap ng kanyang fans ang pagpu-pose nang sexy.

Pero nawala ang lahat ng worries niya nang makarating nga sa kanya ang magandang balita.

Ngayon daw niya napatunayang mahal talaga siya ng supporters at sinusuportahan ng mga ito ang lahat ng kanyang ginagawa.

Nagpapasalamat ang young actress-singer sa lahat ng tumangkilik ng January issue ng Maxim at wish niya, suportahan din ang kanyang next project sa GMA-7, ang Super Twins, na kasalukuyan nang ipinakikita ang teaser.

Makakasama ni Jen sa Super Twins sina Nadine Samonte bilang kakambal, Dennis Trillo, Patrick Garcia, Marian Rivera at marami pang iba.

Katrina envious of the sweetness of Jennylyn and Patrick

Aminado ang young si Katrina Halili na kinilig siya at nainggit sa sweetness nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia nang napanood niya ang dalawa sa TV na nagsasabihan ng "mahal kita." Patuloy nga ang speculation na nagkakamabutihan na sina Jen at Patrick, subalit ayaw namang direktang umamin ang dalawa.

Pero nilinaw ni Katrina sa (PEP) Philippine Entertainment Portal na hindi porke ginawa ito ng dalawa ay tototohanin na rin nila ni Mark Herras ang napapabalitang pagli-link sa kanila at gagayahin nila sina Jen at Patrick.

"Napanood ko ‘yon kanina sa TV, naiinggit nga ako e," panimulang pahayag ng aktres sa kanyang 21st birthday party last Sunday, January 7 sa Mugen Bar, Metrowalk, Ortigas.

"Pero hindi naman kami magsasabihan ng ganoon ni Mark sa TV," mabilis na dagdag pa niya sa tanong kung susunod din silang magiging extra sweet sa TV ng napapabalitang manliligaw niyang si Mark.

"Sa akin lang kasi, parang ang sweet lang tingnan nina Jen at Patrick and natuwa talaga ako sa kanila. Pero iba naman ‘yong sa kanilang dalawa at iba naman ‘yong sa amin ni Mark," pahabol na paglilinaw pa ng aktres na itinanghal bilang Philippine's Sexiest Woman ng FHM last year.

Patrick Garcia to Jennylyn Mercado: "Mahal kita"

The young stars exchange "I love yous" on national television

Patrick Garcia has shouted to the world that he loves Jennylyn Mercado

On national television, nagpalitan ng matatamis na "I love you" ang young stars na sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia. Ito ay naganap sa S-Files noong Linggo, January 7. Guest si Jennylyn sa live presentation ng programa samantalang na-interview naman si Patrick over the phone.

Sa kabila nito, hindi pa rin daw pormal ang relasyon ng dalawa.

Ayon kay Jennylyn, "Friends kami. Healthy naman yung relationship—friendship namin. Mabait siya sa family ko. Madalas siya sa bahay, ganun. Friends lang talaga. Normal lang."

Dahilan aminado naman ang dalawa na malapit sila sa isa't isa, naitanong ng interviewer na si Paolo Bediones kay Jennylyn kung ano ang hindi alam ng mga tao tungkol kay Patrick.

Natatawang sumagot si Jen na, "Naku, masandal lang siya, tulog na!"

Pero bumawi naman siya agad at sinabing, "Napakabait niya, sobra. Hindi ko ma-explain. Sobrang understanding, maalahanin. Sobrang sweet."

Hindi rin maiiwasang mapansin ang mamahaling bracelet na suot ni Jennylyn sa naturang guesting niya. Inamin ng young actress na regalo ito sa kanya ng ina ni Patrick.

Paliwanag ni Jennylyn, "Opo, yung mommy niya ang nagbigay. Even yung friends, nagbibigayan. Wala naman sigurong masama."

Siyempre, hindi na rin pinalampas ng S-Files ang pagkakataon na isama sa interview over the phone si Patrick, na noo'y nasa General Santos City. Sa telepono, agad tinanong ang young actor kung mahal na nito si Jennylyn.

"Kung sinabi kong mahal ko siya, sabihin kaya niya na mahal niya ako?" nakakagulat na sagot ni Patrick, na naging dahilan upang kiligin ang lahat ng nasa studio.

Tapos ay sinabi nitong: "Jen, hi! Mahal kita."

Dito na nagwala ang mga nasa studio na hindi mapigil sa kakasigaw.

Hindi naman maikakailang kinilig ang dalaga sa pahayag na iyon ng binata.

"Kinakabahan ako," ang nahihiyang sagot ni Jennylyn.

Sa tuwa ng dalaga ay nalimutan na nito ang tanong sa kanya.

"Hindi ko alam sasabihin ko. Ninerbiyos naman ako dun, Patrick. Ano nga pala yung tanong, nakalimutan ko?" nakakatawang sagot niya.

Nang ipaalala sa kanya ang tanong, maikli ngunit malaman din ang sagot ni Jennylyn: "Oo naman. Mahal din kita."

Pagkatapos nito ay dinig na dinig ang malakas na hiyawan ng mga tao sa loob ng studio.

Sinabi pa ni Patrick, "Sana katabi ko siya ngayon. Nandito ako ngayon sa Gen San e. Bukas na bukas lang nandiyan na ako sa tabi ni Jen."

Binigyang-diin ng binata na, "Kung mahal mo yung tao, dapat lahat tungkol dun sa tao mamahalin mo. So lahat tungkol sa kanya e nagustuhan ko at mamahalin ko siyempre."

Sagot naman ni Jen, "Thank you for being there for me. Stay as nice as you are. Nandito lang ako para sa iyo."

Kahit pa nagsabi na ng "mahal kita" si Patrick, hindi pa rin daw niya minamadali si Jen.

"Whenever she's ready," ang huling pahayag ni Patrick na nagpapahiwatig na handa siyang hintayin si Jennylyn.

Sa unang pagkakataon ay magkakasama sina Jennylyn at Patrick sa isang TV show. Pareho silang nasa cast ng sisimulang Super Twins ng GMA-7.

Patrick and Jennylyn still enjoying each other's company

Samantala, okey lang kay Patrick sakaling hindi pa siya sinasagot ni Jennylyn. Matagal na raw niyang crush ang young actress at hindi naman daw niya liligawan ang dalaga kung wala siyang paghanga rito.


Ani Patrick, naiintindihan niya na career ang priority ni Jennylyn at ayaw naman niyang makasira sa career nito. Okey na raw sa kanya na close friends sila sa kasalukuyan.


"Pero siyempre, mas sasaya ako kung magiging special friends kami, di ba? And more than that, kung sasagutin na niya ako," habol niya.


"Okey din lang sa akin kung may nali-link sa kanyang iba. Ako naman kasi, kapag may mga ganyan, tinatanong ko siya kung ano ang totoo sa mga balita. And she never lied to me naman, in fairness to her.


"Tinatanong ko siya kapag may mga ganyang usapin, tanong na pabiro. And okay lang naman sa akin kung sino man ang gusto niya, siyempre, nasa kanya na ‘yon," paliwanag pa ni Patrick.


Iginiit pa ni Patrick na hindi siya nagmamadali sa kasalukuyang relasyon nila ngayon ni Jen.


Ayon kay Patrick, "Mas maganda kasi na mas makilala pa namin nang mabuti ang isa't isa. Lumalabas-labas naman kami although may kasama rin kaming iba pa. Pero okey na ‘yon.


"Time will decide kung ano talaga nararamdaman namin. As of now, we are happy with each other's company e." Nakangiti si Patrick habang sinasabi ito.


Sa panig naman ni Jennylyn, hindi rin direktang sinabi ng young actress ang totoong estado ng kanilang relasyon ni Patrick. Pero kitang-kita sa kanilang mga salita at kilos na may magandang namamagitan sa kanila.

 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007