Showing posts with label Captain Barbell. Show all posts
Showing posts with label Captain Barbell. Show all posts
It's over for Lovi and Ronald
Wednesday, March 09, 2011

FINALLY, nagtapat na si Lovi Poe na tapos na ang pag-iibigan nila ni Congressman Ronald Singson
Sabi ni Lovi Poe nang maka-tsikahan namin sa taping ng Show Me Da Manny na napapanood every Sunday sa GMA 7 with Manny Pacquaio, Marian Rivera, atbp, nag-usap sila ni Ronald bago ito hatulan ng Hong Kong court ng isang taon at anim na buwang pagkabilanggo.
Nagdesisyon daw si Ronald to set her free dahil alam nito kung gaano kahirap para sa kanya ang sitwasyon dahil sa kasong nasuungan nito sa HK.
“Napakabait ni Ronald. Hindi siya selfish. Alam niya na parehong mahirap sa amin ang sitwasyon. Kaya siya na ang nagsabi sa akin that he`s setting me free.
“He will always be special to me. Hindi ko makalilimutan ang mga pinagsamahan namin,” maluha-luhang wika ni Lovi Poe.
Sa ngayon, magko-concentrate daw muna si Lovi Poe sa showbiz career. At nagpapasalamat siya sa Kapuso Network dahil pagkatapos ng My Valentine Girls ay isinama siya sa TV series na Captain Barbell na pinagbibidahan ni Richard Gu-tierrez bilang isa sa apat na leading ladies ng aktor.
by : Gerry Ocampo
Mga artista ng hindi nagri-rate na show, nagsisisihan
Saturday, March 05, 2011
May special participation si Rhian Ramos sa Captain Barbell. Gagampanan pa rin niya ang role ni Lea at magkokonek ng unang Captain Barbell at ang relasyon nila ni Teng (Richard Gutierrez) sa bagong series na March 21 ang premiere.
Pag-uusapan na rin ang next soap ni Rhian. May balita rin na magho-host siya ng entertainment show, pero hindi ito nagbigay ng detalye.
Habang walang bagong soap sa GMA 7, sa GMA News muna napapanood si Rhian bilang host ng In The Limelight kasama sina Aubrey Carampel at Nelson Canlas na mapapanood Monday to Friday, 7:30 p.m ay magaan pa rin ang schedule ni Rhian dahil MW lang sila live at taped ang ibang episodes. Humingi siya ng tips kay Mo Twister kung paano maging effective showbiz news host at nangakong ire-report ang balita tungkol sa kanya at hindi siya magdi-deny.
Samantala, si Rhian pala ang bagong endorser/image model ng Cinderella at isa sa mga araw na ito, haharap siya sa press para sa presscon ng PLDT myDSL na isa sa unang endorsement niya.
--
Naintriga kami sa tweet ng isang aktres na “So funny…pls. stop blaming other people for your failure. Watch your show & look at your face, may nararamdaman ka ba? kasi ako wala” at sinundan ng “I’m very disappointed, do not say bad things about your co-stars pls. ‘Yung kaibigan ko ‘di hamak namang mas nag-effort kesa sa ‘yo.” Ouch!
Nag-effort kaming diskubrihin ang background ng intriguing tweet at nalaman naming dinepensahan lang ng aktres ang kaibigang aktres sa hindi magandang sinasabi ng aktor na kasama ng kaibigan ng aktres sa isang series. Ang kaibigan ng aktres at ibang kasama sa series daw ang sinisisi ng aktor sa hindi pagki-klik ng kanilang show na parang unfair nga naman.
Tahimik ang aktres na kaibigan ng aktres na nag-tweet at tinanggap na lang ang sinabi ng aktor, kaya ang kaibigang aktres ang nagdepensa sa kanya. Ang maganda nito, ‘wag na lang magsisihan at mas galingan na lang ng lahat ang trabaho para magandang show ang napapanood ng viewers.
---
Si Rico Gutierrez ang nakatokang magdirek ng Party Pilipinas this Sunday, pero dumating kaya siya, eh kare-resign lang niya sa show last Thursday. Ending ng musical na Wazak Love Story Act III na concept ni direk Rico at tampok ang love team nina Julie Ann San Jose at Elmo Magalona, tingnan natin kung siya pa rin ang magdidirek ng show this Sunday.
by Nitz Miralles

Richard Gutierrez says there's "no bad blood" between him and ex-girlfriend Jewel Mische
Thursday, September 23, 2010
Isang pocket interview ang ipinatawag ng GMA-7 para kay Richard Gutierrez kahapon, September 22, sa Executive Lounge ng GMA Network Center. Ito ay may kaugnayan sa airing ng second episode ng Anatomy of a Disaster, na hinu-host ng young actor para sa GMA News & Public Affairs.
Ipalalabas ang second episode ng Anatomy of A Disaster sa Linggo, Setyembre 26, na first anniversary ng Bagyong Ondoy. Pero ayon kay Richard, hindi raw nila sinadya ang pagpapalabas ng docu-series sa unang anibersaryo ng killer typhoon na puminsala nang malaki at kumitil sa buhay ng marami nating kababayan noong nakaraang taon.
Paliwanag niya, "Laging last week of the month namin ipinapalabas ang docu-series at tumama pa na ang topic ay tungkol sa baha, na karaniwan nang nararanasan natin tuwing uulan nang malakas."
SURVIVOR PHILIPPINES. Nasa third week na ngayon ang hinu-host na reality show ni Richard sa GMA-7, ang Survivor Philippines Celebrity Edition.
So far ay maganda naman ang ratings ng show na nagtatampok sa celebrity castaways. Nakatulong din marahil ang magandang timeslot nito, pagkatapos ng primetime newscast na 24 Oras.
"We did not expect that it will be that big," sabi ni Richard. "Bago ito nag-air, nag-meeting kami kung anong timeslot ito ipapasok—after ng 24 Oras o the same time slot ng first two Survivor Philippines na 10 p.m. para makapanood daw 'yong mga nanggagaling sa office.
"We are risk takers kaya bakit hindi natin i-try i-risk ang timeslot, para kami maka-move on. So, itinuloy namin 'yong time slot after ng 24 Oras.
"Kabado kami and pressured. Pero natuwa at thankful kami na ito na ngayon ang highest-rating show ng GMA-7 sa primetime slot."
If ever ba na magkaroon pa ng isang celebrity edition ang Survivor Philippines ay iho-host pa rin niya ito, o sasali siya bilang castaway?
Aniya, "Yes, I really want to do another season kung magkakaroon ulit. Sinabi ko na 'yon sa kanila.
"Pero as a castaway, alam kong kakayahin ko 'yon, pero hindi na puwede, kasi alam ko na raw lahat ng mangyayari."
Siniguro rin ni Richard na hindi totoo ang mga lumalabas na spoilers kung sino ang mananalo.
GOOD YEAR. Kinukunsidera ni Richard ang taong 2010 bilang "good year" dahil sunud-sunod ang projects na ibinibigay sa kanya ng Kapuso network.
Kumita sa takilya ang pelikula nila nina Claudine Barretto at Anne Curtis na In Your Eyes. Maganda rin ang response ng mga manonood sa docu-series na hinu-host niya. At ito ngang Survivor Philippines.
Nakalinya ring gawin ni Richard ang Captain Barbell sa TV at isang Valentine movie.
"I think it's a good year for me. Very smooth ang takbo ng career ko. Mas relaxed ako ngayon di tulad noong nakaraang taon," nakatawang sabi ni Richard.
"Siguro dahil din sa mga sacrifices na ginawa ko para sa career ko," pahabol niya.
Like?
"Marami... 'Yong time na ibinigay ko sa lahat ng mga projects na ginawa ko, my personal life..."
Ang breakup nila ni Jewel Mische?
"Yes. I set aside muna ang lovelife ko," sagot ni Richard, bagamat hindi naman niya direktang inamin noon na naging sila nga ni Jewel.
Alam ba niyang may balitang lilipat na si Jewel sa ibang network?
"Yes, I heard," sagot niya. "But I think she's weighing her options, if she will stay sa GMA o lilipat siya ng network."
Paano kung hindi tumuloy si Jewel at itambal pa rin sa kanya sa Captain Barbell?
"Okey pa rin sa akin, but I'm not so sure," sagot ni Richard.
"May communication kami ni Jewel, nagti-text pa rin kami. We still remain as friends. No bad blood between us. She's fine."
SOLENN HEUSSAFF. Nali-link naman ngayon si Richard kay Solenn Heussaff, isa sa paboritong celebrity castaways ng Survivor Philippines.
Maraming nagsasabi na bagay sila. Wala ba siyang balak ligawan si Solenn?
"Kami naman ni Solenn, friends na kami noon pa. Best friend siya ni Mond [Raymond Gutierrez, his twin brother] kaya madalas kaming lumalabas na magkakasama," sabi niya.
Balitang isa si Solenn sa gusto ng fans na makatambal ni Richard sa Captain Barbell. Ano ang masasabi niya rito?
"Malalaman ko po 'yon bukas [September 23]," sabi niya. "Makikipag-meeting ako sa GMA. Idi-discuss na namin ang Captain Barbell.
"We need to start taping na sa last week of October or sa first week of November. Pero sa January 2011 pa 'yon ipapalabas kasi hanggang December pa ang Survivor Philippines.
"Baka pag-usapan na rin namin ang Valentine movie na gagawin ko. Gusto ko naman ay isang romantic comedy para lalabas sa sinehan na nakangiti ang mga manonood.
"Hindi ko pa rin alam kung kami pa rin ni Anne [Curtis] ang magtatambal. May mga options pa kasing iku-consider."
by Nora Calderon
Source: Pep.ph