Showing posts with label Ara Mina. Show all posts
Showing posts with label Ara Mina. Show all posts
Polo, gustong ligawan si Rhian
Tuesday, May 15, 2007
Dumating si Polo Ravales sa intimate birthday dinner namin noong Huwebes sa Chin Plates (nasa may gilid ng Teriyaki Boy at McDonald's sa Morato Av., Quezon City at pag-aari ng kaibigan naming si Jean Lim).Inamin ng binata na hindi pa sila nagkakausap ni Ara Mina pagkatapos nilang mag-break.
Tinawagan namin si Ara, na noon ay nasa isang campaign sa Bataan.
Sinabi namin sa dalaga na kasama namin si Polo at ipakakausap namin sa kanya. Hindi tumanggi si Ara, kaya ipinasa namin ang cellphone namin sa binata.
Nagkumustahan ang dalawa at mukhang okey ang kanilang pag-uusap. Kahit halatang tensiyonado si Polo ay nangingiti-ngiti siya.
Sa tingin namin ay pwede pa ring maging magkaibigan sina Polo at Ara kahit break na silang dalawa.
`Yung magkabalikan, mukhang malabo na yata `yon, dahil ang alam namin, type ligawan ni Polo ang Lupin co-star niyang si Rhian Ramos.
Noong nag-taping ng SiS sa isang resort sa Batangas sina Polo at Rhian ay sobra ang pag-aasikaso ng binata sa dalaga.
Ang dinig pa namin, kumain somewhere sina Polo at Rhian pagkatapos ng taping na `yon.
Nang tanungin namin si Polo tungkol kay Rhian, nangiti lang ang binata at tinanong niya kami kung bagay ba silang dalawa at kung hindi ba nililigawan ni Richard Gutierrez ang leading lady nito sa
Lupin.
Teka! Hindi kaya magkaroon na naman ng isyu kina Rhian at Ara dahil sa item naming ito? Kung matatandaan, nagkaisyu kina Rhian at Ara a month ago dahil sa pang-iisnab ni Rhian kay Ara.
Cristine Reyes now ready for "FHM" if her "request" is granted
Sunday, May 06, 2007
Kung ibibigay ng FHM ang request ni Cristine Reyes, malamangmapapayag na siya na mag-pose for the country's leading men's
magazine.
Cristine turned 18 last February 5. Since then, kinukulit na raw
siya ng FHM to pose for them, ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin
pumapayag ang nakababatang kapatid ni Ara Mina.
"Actually, ayaw po ng mommy ko. Ako naman fifty-fifty," paliwanag ni
Cristine sa PEP (Philippine Entertainmetn Portal) sa pamamagitan ng
text.
Dagdag pa niya, "Kung okay sa kanila [FHM] ang request ko, go na.
Pero they have to convince pa muna my Mom pa rin."
May isang kahilingan si Cristine for her pictorial. Ang gusto niya
kasi ay outdoor pictorial.
"Sila [FHM] po, wala pa po silang binibigay na concept. Ako ang nag-
request ng outdoor para bongga. Wala pa kasing outdoor pictorial,
e," sabi ni Cristine.
Madalang mag-outdoor pictorial ang FHM Philippines dahil it involves
a huge budget.
Hindi rin naman kasi nagmamadali si Cristine to pose sexy for any magazine. Although once, nag-back-to-back two-piece bathing suit pose sila ni Katrina Halili for the GMA Artist Center 2006 calendar.
"Kung ayaw nila, ayoko din," huli niyang pahayag.
GMA Pinoy TV, papasukin na ang ilang bahagi ng East Coast sa Amerika
Sunday, April 22, 2007
Papasukin na rin ng GMA Pinoy Cable TV ang ilang bahagi ng East Coast sa Amerika tulad ng New Jersey at New York sa pagpapalabas ng mga shows nila gaya nang nangyayari sa ilang bahagi ng West Coast tulad ng San Francisco, California.
Next month ay susugod sa isang malaking okasyon ang ilang kinatawanng Channel 7 sa New Jersey kasama ang ilang artista ng newtork na sina Ara Mina, Dennis Trillo, Gladys Guevarra at iba pa.
Bukod sa launching ng GMA Pinoy Cable TV roon, magtatanghal din ang tatlong stars na nabanggit upang makaakit ng subscribers na Pinoy siyempre sa nasabing US state.
Ang alam namin, magkakaroon din ng launching sa Hawaii sa May 12 at may mga GMA artists na pupunta rin doon.
Aware ang GMA na daigdig ng The Filipino Channel ang ilang bahagi ng Amerika. Kaya naman upang magkaroon ng choice ang mga Pinoy roon, heto sila't pinag-iigi ang serbisyo ng GMA Pinoy Cable, huh!
Next month ay susugod sa isang malaking okasyon ang ilang kinatawanng Channel 7 sa New Jersey kasama ang ilang artista ng newtork na sina Ara Mina, Dennis Trillo, Gladys Guevarra at iba pa.
Bukod sa launching ng GMA Pinoy Cable TV roon, magtatanghal din ang tatlong stars na nabanggit upang makaakit ng subscribers na Pinoy siyempre sa nasabing US state.
Ang alam namin, magkakaroon din ng launching sa Hawaii sa May 12 at may mga GMA artists na pupunta rin doon.
Aware ang GMA na daigdig ng The Filipino Channel ang ilang bahagi ng Amerika. Kaya naman upang magkaroon ng choice ang mga Pinoy roon, heto sila't pinag-iigi ang serbisyo ng GMA Pinoy Cable, huh!
Rhian, magku-quit na sa showbiz?
Saturday, April 21, 2007
WINARNINGAN na si Rhian Ramos ng kanyang nanay na kapag nasangkot pa uli siya sa panibagong intriga/away sa showbiz, patitigilin na siya sa pag-aartista.Sabi ni Rhian, hindi masyadong apektado ang kanyang nanay sa dala-wang intriga sa buhay niya, na ang una ay kay Ara Mina, at ang pangalawa ay kay Alessandra de Rossi.
Pero, nagbigay na nga raw ito ng ultimatum sa kanya na kapag nangyari `yon ulit, sigurado na nga na patitigilin na siya sa showbiz.
"Ang ikinaka-worry ng mommy ko ay `yung `pag nasisira na ang pangalan ko at `yung pagkatao ko. She cannot tolerate that. She has to do
something about it and I have no choice kundi ang mag-quit," say ni Rhian.
Anyway, okey na nga sina Rhian at Alessandra. Humingi na nga ng sorry si Rhian kay Alex.
Sa taping ng Love Pow, lumapit nga si Rhian kay Alex para mag-explain at mag-sorry na rin. Wala raw sinabi si Alex sa kanya, pero hindi naman siya ni-reject nito.
Inaasahan ni Rhian na magiging maganda na ang samahan nila ni Alex.
Nangako si Rhian na mas magiging maingat na siya sa kanyang mga kilos at salita para hindi na siya makasakit o ma-misunderstood ng mga tao sa paligid niya.
RICHARD’S GF REJECTS ‘LUPIN’
Monday, April 02, 2007
RICHARD Gutierrez’s GF, model Georgina Wilson, is supposed to debut as an actress playing one of his leading ladies in “Lupin.” But the role went to 2007 Bb. Pilipinas runnerup Abigail Lesley Cruz. Is it true it’s Richard himself who urged Georgina to reject the role?“No,” he says. “Okay lang sa ‘kin, she’s also open to it, at gusto rin siya ng GMA. The problem is hindi naayos ang schedule niya sa school niya in Australia and she had to return there na nang mag-start kami ng taping. Isa pa, she felt she had to really prepare for it kasi when she read the script, ang hahaba ng lines niya,
all in Tagalog, and she’s not very fluent with that kaya tiyak na mabubulol lang siya. Puro dramatic lines pa naman. Baka tuwing magkamali siya, magtawanan lang kami sa harap ng kamera. Sayang nga, pero siguro, hindi pa lang the right time for her to join showbiz. Malay natin, baka next time, mas ready na siya.”
After playing fantasy roles in “Mulawin,” “Sugo” and “Captain Barbell”, Richard is happy to play a realistic character in “Lupin,” a business tycoon by day who turns into an expert thief at night to help the needy. Although the title is based on a hit Japanese anime, the story is quite different. Richard has two sexy assistants: Katrina Halili and Ehra Madrigal who are shown in two-piece bikinis in almost each episode. Also in the cast are Polo Ravales, Rhian Ramos, Boy II Quizon, Janno Gibbs, Ara Mina, LJ Reyes, Tirso Cruz III, Ricky Davao, Ramon Christopher, Lani Mercado and Bearwin Meily.
One thing you’d notice in the show is that Richard does the dangerous stunts himself, like in a death-defying helicopter scene. After seeing this, his mom Annabelle Rama, talked to the staff of “Lupin” to warn them not to let Richard do the risky action sequences but get a double instead. When told that Richard insisted on doing the scenes on his own, Annabelle told them not to listen to him. “Huwag kayong papayag,” she says. “You should think of his safety.
Kaya ako, tuwing aalis siya for taping, abut-abot na ang dasal ko dahil lagi akong nakakaramdam ng takot knowing ayaw niyang magpadobol. Kaya kapag delikado ang eksena, please, use a double na.”
Rhian Ramos, di sinasadyang isnabin si Ara Mina
Tuesday, March 13, 2007
Humingi na ng paumanhin si Rhian Ramos hinggil sa isyung inisnab niya si Ara Mina nu'ng magkita sila sa 7th anniversary party ng YES! magazine sa The Fort.Hindi raw intentional ang hindi pagkakapansin ng young star kay Ara kaya nag-sorry siya sa nangyari.
Sinubukang tawagan ni Rhian si Ara sa celfone para personal na mag-apologize pero dahil hindi pamilyar sa number ay hindi sinagot ni Ara ang tawag nito.
Para kay Ara ay wala na `yon kaya tumanggi na siyang magpainterbyu sa S-Files tungkol sa isnaban issue para huwag na itong humaba.
Sabi sa amin ni Ara, hindi na rin niya tatawagan si Rhian, hihintayin na lang niyang magkita sila sa taping ng Lupin at doon na lang sila mag-uusap ng bagets.
Wala pa siyang taping schedule para sa Lupin kaya hindi alam ni Ara kung kelan sila magkakaharap ni Rhian.
Nainis at nairita si Ara sa pandededma sa kanya ni Rhian sa YES! party ay dahil nu'ng pictorial nila para sa Lupin ay siya pa ang naunang bumati sa dalaga at okey silang dalawa.
Nagulat si Ara nu'ng sa party ay ang katabi niyang si Polo Ravales lang ang binati ni Rhian at siya ay ni hindi man lang nginitian o kinawayan nito.
Nakarating din pala kay Ara `yung hate emails na supposedly ay nanggaling sa ilang fans ni Rhian kung saan inaalipusta siya nang husto.
Ayaw na itong patulan ni Ara dahil wala siyang mapapala kung magpapaapekto siya rito.
Tama rin daw `yon na matuldukan na ang isyu sa kanila ni Rhian dahil magiging magkatrabaho sila at ang pangit tingnan na nag-aaway o nagpapatutsadahan sila.
Nadine Samonte nearly burned in fireworks accident
Wednesday, January 31, 2007
Naaksidente kamakailan ang young actress na si Nadine Samonte sa taping ng Super Twins, ang fantaserye ng GMA-7 na pinagbibidahan nila ni Jennylyn Mercado. Ikinuwento mismo ni Nadine sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang nangyari sa kanya sa press con ng Magic Kamison kagabi, January 29.
"Ang nangyari, nanonood kami ng fireworks. May eksena kasi na may mga fireworks, pero hindi po ako kasama sa eksena. Katabi ko si Jennylyn. ‘Tapos ang nangyari po, habang nanonood kami, sabi ni Mama, tumingin ako sa baba kasi may mga naglalaglagan, baka matamaan ang mata ko," panimulang kuwento ni Nadine.
"Pagtingin ko sa baba, nasusunog na itong kaliwang braso ko! Actually, yung costume ko at yung mismong balat ko, nararamdaman ko, mainit na. Pagtingin ko, sunog na! Buti na lang, naka-guwantes ako. Inalis ko agad yung apoy, iniwas ko agad yung mukha ko," patuloy niya habang iminumuwestra ang mga ginawa niya.
Hindi na rin daw kinailangan na dalhin siya sa ospital dahil nilagyan naman agad ng burn ointment ang nasunog na bahagi ng kanyang katawan na malapit sa balikat. Ipinagpapasalamat din ni Nadine na hindi nasunog ang kanyang buhok dahil nakatali raw ito that time.
Samantala, uso ngayon ang split-up o cool-off among showbiz couples dahil sa kawalan ng oras para sa isa't isa. Ilan sa celebrity couples na recently ay either nag-split or nag-cool off dahil sa lack of time ay sina Ara Mina at Polo Ravales, sina Alfred Vargas at LJ Reyes, at sina Angel Locsin at Oyo Sotto.
Bagama't medyo late na ay hiningan na rin namin ng reaksiyon si Nadine tungkol sa pag-i-split nina Angel at Oyo, na ex-boyfriend ng young actress.
"Wala! Wala, ano'ng magiging reaksyon ko dun? Nakakalungkot lang kasi years na sila. Parang sayang naman. Pero wala akong masasabi, wala akong mare-react. Baka ma-misunderstood na naman ako. Basta sayang, sayang," pag-iwas niya.
Kinumusta rin ng PEP kay Nadine ang boyfriend niya for more than one year now na si Emerson Chua. Hindi ba nagiging problema sa kanila ang time para sa isa't isa?
"Hindi. Kasi kami, kapag nagkukulang na kami ng time sa isa't isa, naghahanap talaga kami ng araw na... Kasi mahirap yung nakukulangan ka na ng time e. Na nag-uumpisa yung nagkakasawaan na, nagkakaproblema na kayo, nag-aaway na kayo palagi," paliwanag ni Nadine.
"Talagang binibigyan namin yung relationship namin ng time. ‘Tsaka sobrang understanding niya, lahat iniintindi niya," sabi pa ng dalaga.
Kilala kasi ang mga Chinese sa pagpapahalaga nila sa kanilang kultura, kung kaya hangga't maaari ay gusto ng mga ito na Intsik din ang mapangasawa ng kanilang mga anak. Dahil Chinese ang boyfriend ni Nadine, hindi ba nagkaproblema ang young actress sa mga magulang ni Emerson?
"Actually, nagkaroon ng problema nung una. Pero lately, parang um-okay naman. Hindi naman sa mismong family niya kundi sa side ng father niya. Pero okay naman na," sabi ni Nadine, na magse-celebrate ng kanyang 19th birthday sa March 2.
Kasama si Nadine sa first season ng Magic Kamison, kung saan kasama rin niya sina Gladys Guevarra, Alfred Vargas, Iwa Moto, Carmi Martin, Mike Gayoso, at Miss Pilita Corrales, sa direksyon ni Khryss Adalia. Magsisimula na itong ipalabas sa February 4, Sunday, sa GMA-7.


