Ryza Cenon on playing supporting roles and not lead roles: "Baka hindi ko pa talaga time."

Ipinarating ng ilang kasamahan sa press ang opinyon nila na dapat ay isa si Ryza Cenon sa ipinu-push ng GMA-7, lalo na't homegrown talent siya bilang female winner ng StarStruck Batch 2.

Ryza Cenon, GMA7 Legacy, GMA 7 Telebabad, Kapuso Stars, Kapuso Female Celebrities, Heart Evangelista, GMA Pinoy TV,

Halatang natuwa naman si Ryza sa narinig.

Aniya, "Talaga? Pero siguro, baka hindi ko pa talaga time. 

"Ayoko kasing magkaroon ng negative thoughts or feeling. Baka naman hindi ko pa talaga time. 

"Ayoko kasi na mag-ano sa loob ko na baka ayaw nila sa akin, or baka hindi ako magaling. 

"Ayoko ng negative."

Dugtong din niya, "Pero siyempre, masaya naman ako na may mga taong naniniwala sa akin na kaya ko. 

"Na kaya kong panghawakan ang isang role na pang-bida. 

"Masaya ako na may naniniwala sa akin sa bagay na 'yun."

Para kay Ryza, blessing sa kanya kahit na anumang trabaho ang dumating sa kanya.

Saad niya, "Hindi ko naman nararamdaman na baka may kulang or dapat na ganito, kasi araw-araw naman akong nagwo-work.

"Importante rin naman sa akin ang work. Kasi siyempre, nag-iisa na lang din naman ako.

"So, as much as possible, mas gusto ko ang gusto nilang [management] mangyari sa akin.

"Pero siyempre, paano, 'di ba? Hindi ko rin alam ang gagawin ko. 

"Lahat naman ng ipinapagawa nila sa akin, ginagawa ko rin naman.

"Pero kung hindi pa rin nila ako mabigyan, it's okay naman din. 

"Willing naman akong maghintay."

"So, siguro, posibleng maging kontrabida dahil may inggit ako sa kanya [Heart's role].

"Kung ano ang nangyayari sa kanya, 'yun ang dream ko, e."

BAGONG PROJECT. Nakapag-taping na si Ryza Cenon ng mga eksena niya para sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Legacy. 

Ang role niya rito ay kaibigan ni Heart Evangelista.

Pero hindi lang daw basta kaibigan o "best friend" ng bida ang character na ginagampanan niya.

Kuwento ni Ryza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Legacy noong January 10, "'Yun pala ang role ko, parang may pagka-balimbing ng konti ang dating ng role.

"Kasi, sabi nila, doon susukatin ang pagiging magkaibigan namin sa pagiging inggitera ko, sa ambisyon ko."

Wala raw problema kay Ryza na gumanap ng kontrabida dahil nag-e-enjoy naman siya rito.

Sabi pa niya tungkol sa kanyang role, "Actually, hindi naman siya kontrabida, parang 'yun lang ang pagkakaintindi ko sa role ko. 

"So, depende pa rin. 

COVER GIRL. Matagal nang tinatanong kay Ryza kung kailan siya papayag magpa-sexy o mag-cover girl para sa men's magazine, lalo pa nga't marami ang naseseksihan sa kanya.

Pero ayon kay Ryza, may gusto pa siyang ma-achieve.

"Gusto ko munang mag-fashion. Maging cover sana ng mga fashion magazine bago ko siguro gawin 'yun.

"Wala namang masamang mangarap, 'di ba? Wala lang. 

"Kasi, naisip ko, yung pagko-cover sa men's mag., siguro, 'yun na yung last na gagawin ko.

"Mas masarap pa rin na sana, kung puwede, mabigyan din ng chance na makapag-cover, or makita ko rin yung sarili ko as cover ng fashion mag, 'yun lang," saad ni Ryza.

SHARE THIS POST


 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007