Nagbabangayan ang Managers nila Jennylyn at Dennis
Sunday, April 03, 2011
MATAPOS ang alitan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ngayon naman ay ang kani-kanilang manager ang nagbabangayan.
Hindi pinalampas ng manager ni Jen na si Becky Aguila ang panlalait sa kanya sa Twitter ng manager ni Dennis na si Popoy Caritativo.
Sa Twitter account kasi ni Popoy last Monday, nag-blind item ito na may isang talent manager na nagre-resort sa old tricks para mapag-usapan ang alaga.
Sinabi rin nito na laos na ang naturang manager at iniiwan na ng mga alaga.
Kahit blind item ang pag-kaka-tweet ni Popoy, obvious na ang tinutukoy niya ay si Becky Aguila dahil nag-text din daw siya sa abogado nito na si Atty. Joji Alonzo na tigilan na ang pagpi-feed ng kasinungalingan sa mga reporter.
Sa madaling salita, pinagbibinta-ngan ni Popoy si Becky na unang nag-leak sa media ng break-up nina Jen at Dennis at nagpi-feed umano ng mga maling balita tungkol sa dahilan ng break-up, particular na nga ang pananakit diumano ng actor sa actress.
Mabigat daw ang paratang ni Popoy kaya ‘di raw puwedeng ‘di iklaro ng kapwa talent manager.
“Bakit ako ang pinagbibinta-ngan niya na nagpi-feed sa mga reporter? May pruweba ba siya? Nanahimik nga kami at nagulat na lang ako nang kulitin ako ni Roldan Castro para sa official statement regarding the break-up dahil alam na raw nila ang totoo,” paglilinaw ni Becky.
Ang pagbibigay comfirmation daw ni Becky sa break-up ng alaga at ni Dennis ay may blessing din daw umano mismo ni Jen.
Samantala, may nakarating sa aming balita na hindi nagustuhan ni Popoy ang ginagawa ni Becky na pati siya, idinadamay sa break-up nina Jen at Dennis.
Hindi pinalampas ng manager ni Jen na si Becky Aguila ang panlalait sa kanya sa Twitter ng manager ni Dennis na si Popoy Caritativo.
Sa Twitter account kasi ni Popoy last Monday, nag-blind item ito na may isang talent manager na nagre-resort sa old tricks para mapag-usapan ang alaga.
Sinabi rin nito na laos na ang naturang manager at iniiwan na ng mga alaga.
Kahit blind item ang pag-kaka-tweet ni Popoy, obvious na ang tinutukoy niya ay si Becky Aguila dahil nag-text din daw siya sa abogado nito na si Atty. Joji Alonzo na tigilan na ang pagpi-feed ng kasinungalingan sa mga reporter.
Sa madaling salita, pinagbibinta-ngan ni Popoy si Becky na unang nag-leak sa media ng break-up nina Jen at Dennis at nagpi-feed umano ng mga maling balita tungkol sa dahilan ng break-up, particular na nga ang pananakit diumano ng actor sa actress.
Mabigat daw ang paratang ni Popoy kaya ‘di raw puwedeng ‘di iklaro ng kapwa talent manager.
“Bakit ako ang pinagbibinta-ngan niya na nagpi-feed sa mga reporter? May pruweba ba siya? Nanahimik nga kami at nagulat na lang ako nang kulitin ako ni Roldan Castro para sa official statement regarding the break-up dahil alam na raw nila ang totoo,” paglilinaw ni Becky.
Ang pagbibigay comfirmation daw ni Becky sa break-up ng alaga at ni Dennis ay may blessing din daw umano mismo ni Jen.
Samantala, may nakarating sa aming balita na hindi nagustuhan ni Popoy ang ginagawa ni Becky na pati siya, idinadamay sa break-up nina Jen at Dennis.
Enzo Pineda madalas dalawin si Louise delos Reyes
Saturday, April 02, 2011
ALAM kaya ni Sarah Labhati na madalas dalawin ni Enzo Pineda si Louise delos Reyes sa taping ng Alakdana sa Antipolo Napasyal kasi kami sa taping ng Alakdana last Thursday afternoon at kinumpirma ni Louise na dinadalaw siya ni Enzo sa taping at nagdadala ng pagkain.
Magkaibigan lang daw sila ni Enzo at nasa stage of knowing each other. Lumalabas sila pero in group. Ask ko si Louise kung alam ba ni Sarah, ka-loveteam ni Enzo at balitang ka-on ng huli ang una?
“Alam ko po ay wala silang relasyon ni Sarah. Kaibigan ko rin naman po sila. Dumadalaw si Enzo at nagdadala ng pagkain. Paborito ko yung carbonara na dinadala niya para sa akin,” say ni Louise, ang Alakdana.
Ang hindi alam ni Louise, may pagtingin sa kanya ang isa sa mga leading man niya sa Alakdana na si Alden Richards.
Si Alden ay sumali rin sa Starstruck pero hindi napasama sa top 12. Napasama lang siya sa top 60. Pero mas naunahan pa niya ang Starstruck winner na si Steven.
Sabi ni Alden na ang tunay na pangalan ay Richard Faulkerson Jr, matagal na niyang crush si Louise pero hindi niya masabi sa dalaga ang pagmamahal niya dito.
Kaya kapag dumarating raw si Enzo sa taping para dalawin si Louise ay tumatabi na lang siya at nagsisisi kung bakit hindi niya kaagad sinabi sa dalaga ang nadarama.
“Hindi pa rin ako susuko. Hindi pa naman sila (Enzo at Louise) mag-on kaya may pag-asa pa rin ako para manligaw,” matapang na pahayag ni Alden Richards.
DAHU!
Saturday, April 02, 2011
Showbiz Blind Items
Guess Who? Answer by commenting on this page!
Somebody is STRUCK to wear a BLACK BLOUSE.
Somebody will be forced to do drama again once the second experiment fails. Bait pa naman ni UTOL
Somebody must have been promised a part in a new show. Somebody should know he's not BAGETS anymore.
Somebody smokes to much. DARN. Somebody's supposed to be sweet.
Somebody was asked to move back either to the BARRIO or to the JUNGLE. Somebody decided to stay with the brothers. BANGIS niya ha.
Something CHINESE got extended four more weeks. Something with the WIFE and LOVER got two more too. Something with the MANA ended taping.
source: Dinno Erece
Guess Who? Answer by commenting on this page!
Somebody is STRUCK to wear a BLACK BLOUSE.
Somebody will be forced to do drama again once the second experiment fails. Bait pa naman ni UTOL
Somebody must have been promised a part in a new show. Somebody should know he's not BAGETS anymore.
Somebody smokes to much. DARN. Somebody's supposed to be sweet.
Somebody was asked to move back either to the BARRIO or to the JUNGLE. Somebody decided to stay with the brothers. BANGIS niya ha.
Something CHINESE got extended four more weeks. Something with the WIFE and LOVER got two more too. Something with the MANA ended taping.
source: Dinno Erece
Solenn, takot makipagrelasyon kay Richard!
Friday, April 01, 2011
Hindi pa alam ni Solenn Heussaff kung sino kina Paulo Avelino at Tom Rodriguez ang makakalampungan niya sa remake ng Temptation Island ng Regal Films. Pero ayon kay Solenn, ngayon pa lang ay kinakabahan na raw siya.
Naloloka raw siya dahil second movie pa lang niya ay may love scene na agad siya.
Siyanga pala, walang idea si Solenn sa original version ng Temptation Island, kaya balak niya itong panoorin.
Kuwento ni Solenn, bukod sa Temptation Island, may isa pa siyang pelikulang gagawin sa Regal bago matapos ang taon, para makumpleto ang 3-picture contract niya sa Regal.
Ang unang movie nga niya sa Regal ay ang My Valentine Girls, na bida si Richard Gutierrez.
And speaking of Richard, consistent sa pagsasabi si Solenn na nasa ‘getting to know’ pa lang sila hanggang ngayon. Pag-amin ni Solenn, mas nangingibabaw raw sa kanya ngayon ang huwag munang magka-boyfriend.
Giit pa ni Solenn, hindi rin niya type na magka-boyfriend ng artista. Ayaw daw niya ng magulong lovelife.
Ayaw din daw niyang sumikip ang mundo niya dahil sa selos. At marami pa raw siyang gustong gawin sa buhay niya.
Inamin din ni Solenn na ayaw niyang maapektuhan ang friendship at closeness niya sa pamil*ya ni Richard, particular na kina Raymond at Ruffa. Sigurado raw kasi na kapag nag-break sila ni Richard ay puwedeng maapektuhan ang friendship niya sa mga ito.
Siyanga pala, nawiwindang si Solenn sa mabilis na development ng kanyang showbiz career. Hindi na raw siya puwedeng gumawa ng kalokohan sa harap ng maraming tao.
Marami na raw kasi ang nakakakilala sa kanya kahit saan siya magpunta. Hindi na rin daw siya madalas lumabas dahil sunud-sunod ang mga commitments niya. Kung dati raw pagkatapos ng tatlong araw niyang trabaho sa opisina, lalarga na siya sa kung saan niya gustong pumunta. Pero ngayon nakatali siya sa maraming commitments at hindi puwedeng uma*lis basta-basta. Pero, nag-i-enjoy naman siya sa kanyang career at gusto niyang magtagal sa industry.
Ibinalita naman ni Solenn na going strong ang relasyon ng kanyang kapatid na si Erwan Heussaff kay Anne Curtis. Malabo raw pasukin ni Erwan ang showbiz dahil hate nito ang intriga at ayaw niya ng limelight. Pero, naiintindihan daw nito ang trabaho ni Anne.
Jackie Rice finally plunges into stardom via Sisid
Wednesday, March 09, 2011

Tuloy na tuloy na ang napabalitang shelved project ni Jackie Rice sa GMA-7, ang afternoon soap na Sisid.
"Tuloy na tuloy! Happy, happy siyempre, panibagong project," sambit ni Jackie sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX na ipinalabas kahapon, March 5.
Bakit nga ba hindi natuloy noon ang Sisid?
"Sabi nila, parang hihintayin muna nila na magkaroon ako ng confidence bago talaga i-push, di ba? Ayaw naman nila siyempre...hindi naman sila magsasayang ng pera sa hindi talaga alam yung ginagawa," sagot ng StarStruck 3 winner.
Ang napabalitang problema ay ang kakulangan pa sa kaalaman ni Jackie Rice na lumangoy. Sa Sisid kasi ay nire-require ang magandang young star na magkaroon ng maraming swimming sequences.
"Hindi talaga ako marunong lumangoy, pero ngayon marunong na ako," sabi niya.
Kakailanganin nga din ba na magpaseksi nang husto si Jackie Rice sa naturang project?
"Kung 'yon naman ang hinihingi nila, pero wala naman silang sinasabing ganun," sagot niya.
JACKIE'S CO-STARS. Bukod kay Jackie Rice, kasama rin sa Sisid sina JCTiuseco, Ian Batherson, at Dominic Roco bilang mga leading men niya; at si Rich Asuncion at ang nagbabalik na si LJ Reyes bilang mga kontrabida niya.
Masaya rin sina JC at Ian na matutuloy na ang Sisid.
Ani JC, "Kasi at least nakapag-prepare kami ng sarili namin, yung gusto namin na body weight namin, makukuha namin. At least pag start ng show, okay na kami, prepared kami, tsaka we've done workshops na rin."
Isa pang espesyal sa Sisid ay first time na magkakasama sa isang proyekto ang mag-amang Bembol at Dominic Roco.
"I'm really looking forward to this opportunity and, di ba, do some impact on the show," pahayag ni Bembol.
Sabi naman ni Dominic, "Finally! Excited na rin kasi makakatrabaho ko ang idol ko, my mentor, kaya ayun, very excited. Alam ko marami siyang maituturo sa akin, at least alam ko I'm in good hands."
Si Rich ang lalabas na kontrabida sa buhay ni Jackie Rice sa Sisid.
"This time, talagang tuluy-tuloy na yung pag-categorize sa akin as kontrabida," sabi niya.
Sabi naman ni LJ sa kanyang kontrabida role: "Yung craft kasi pag kontrabida ka, iba, e. Tsaka ako rin naman ang nag-request na gusto ko mas challenging na yung role."
It's over for Lovi and Ronald
Wednesday, March 09, 2011

FINALLY, nagtapat na si Lovi Poe na tapos na ang pag-iibigan nila ni Congressman Ronald Singson
Sabi ni Lovi Poe nang maka-tsikahan namin sa taping ng Show Me Da Manny na napapanood every Sunday sa GMA 7 with Manny Pacquaio, Marian Rivera, atbp, nag-usap sila ni Ronald bago ito hatulan ng Hong Kong court ng isang taon at anim na buwang pagkabilanggo.
Nagdesisyon daw si Ronald to set her free dahil alam nito kung gaano kahirap para sa kanya ang sitwasyon dahil sa kasong nasuungan nito sa HK.
“Napakabait ni Ronald. Hindi siya selfish. Alam niya na parehong mahirap sa amin ang sitwasyon. Kaya siya na ang nagsabi sa akin that he`s setting me free.
“He will always be special to me. Hindi ko makalilimutan ang mga pinagsamahan namin,” maluha-luhang wika ni Lovi Poe.
Sa ngayon, magko-concentrate daw muna si Lovi Poe sa showbiz career. At nagpapasalamat siya sa Kapuso Network dahil pagkatapos ng My Valentine Girls ay isinama siya sa TV series na Captain Barbell na pinagbibidahan ni Richard Gu-tierrez bilang isa sa apat na leading ladies ng aktor.
by : Gerry Ocampo
Julie Anne and Elmo in ‘Wazak’ is a Hit!
Monday, March 07, 2011

Hindi namin alam kung sinong ipapalit kay Direk Rico o kung ipapasa na kay Direk Mark ang full directorial control ng Party Pilipinas.
In fairness ay nakatulong sa show na dalawang team ang gumagawa nito dahil tila nagkaroon ng kompetisyon sa loob, na ang resulta ay magpagandahan at magpa*galingan, na ang nakikinabang ay ang programa at ang viewers nito.
Kumpara noong panahon ng makalumang SOP ay ang laki na ng in-improve ng PP.
Kung kailan umaayos na ang takbo at natatanggap na ng audience ang kasalukuyang mukha at nilalaman ng show ay nawalan ito ng isang haligi.
Bilib kami kay Direk Rico na tumagal siya sa programa ng mga sampung buwan gayong meron palang masalimuot na isyu hinggil sa kondisyon ng kanyang mga tao sa show.
Hindi namin sasabi*hing gusto namin ang lahat ng idea ni Direk Rico na napapanood namin sa PP, pero marami siyang ma*kabagong creative inputs na hindi maiisip ng ibang direktor na nabubuhay pa rin sa makalumang panahon.
Nakakalungkot lang na sa halip na suportahan ng istasyon ang mga bagong dugo na may mga bagong idea ay tila kabaligtaran pa ang nangyayari, kaya napipilitang umalis ang mga ito.
Idea ni Direk Rico ‘yung ‘Wazak’ musical na tinampukan ng loveteam nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose. Ambisyoso ang project niyang ‘yon pero nagbunga ang kanyang effort dahil ang ganda ng kinalabasan ng mala-Romeo & Juliet na rap musical.
Aminado kaming hindi namin naintindihan ‘yung introduction nito na ‘Dead Sync’, pero ‘yung mismong ‘A Wazak Love Story’ ay type na type namin.
Na-showcase nang husto sa nasabing musical ang galing nina Julie Anne at Elmo, na dalawa sa pinaka-talented na bagets ng GMA.
Klik na klik ang ‘Wazak’ hindi lang sa JuliElmo fans kundi maging sa wider audience dahil bukod sa dalawa ay pawang mahuhusay rin ang kasama nila rito gaya nina Radha, Nyko Maca, Kris Lawrence, Artstrong at La Diva.
Mami-miss namin ang mga ganu’ng konsepto ngayong nagbitiw na sa kanyang puwesto si Direk Rico.
Kahit iniwan na niya ang Party Pilipinas ay mananatili pa rin siya sa bakuran ng Siyete dahil meron pa siyang Showbiz Central at Kap’s Amazing Stories na pinagkakaabalahan.
Sakaling nais magbigay ng reaksyon ng GMA hinggil sa isyung ito ay bukas ang aming pahina para sa kanilang panig ng kuwento.
LJ Reyes returns to work after giving birth to her baby Aki with Paulo Avelino
Sunday, March 06, 2011

Sa pagbabalik-showbiz ni LJ Reyes pagkatapos niyang isilang ang anak nila ng boyfriend niyang si Paulo Avelino na si Aki ay may bago na rin siyang manager.
Kasama na siya sa pool of talents ng PPL Entertainment Inc., na pinamamahalaan ni Perry Lansigan. Magkasunod lang silang pumirma ng isa pang bagong talent ni Perry na si Wendell Ramos.
Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay LJ sa pamamagitan ng text ay sinabi nitong masayang-masaya siya na tinanggap siya ni Perry bilang alaga nito.
Ayon pa sa StarStruck alumna, gusto naman niyang subukan na may ibang manager since from the beginning ay ang GMA Artist Center na ang humawak ng kanyang showbiz career.
"Tapos na kasi yung contract ko sa Artist Center so, ako naman, parang gusto ko namang subukan or mag-try ng iba," sabi ni LJ. "Nagpapasalamat naman ako na pumayag naman si Kuya Perry na i-manage ako.
"So far, hindi ko pa alam kung ano ang mga magiging plano niya for me, sa career ko, kasi kaka-sign ko pa lang naman. Idi-discuss pa namin yun for sure. But knowing Kuya Perry, baka i-surprise na lang ako niyan."
GOING SEXY? Ang unang project ni LJ Reyes sa pagbabalik-showbiz niya ngayong isa na siyang ganap na ina ay ang afternoon soap na Sisid, na pagbibidahan ni Jackie Rice. May pagkaseksi ang tema ng soap kunsaan si LJ ang magiging main kontrabida ni Jackie.
Simula na ba ito ng pagpapaka-daring niya, lalo pa nga't hindi na nasundan ang daring move niya simula nang mag-cover girl siya sa FHM?
"Siguro!" sagot ni LJ. "Kasi, the project itself daw, as Direk Ricky Davao have told us, is very sexy and intimate. Kaya lahat daw kami, kailangang magpa-sexy sa show."
Hindi naman mahihirapan sa aspetong ito si LJ. Kung titingnan kasi siya ngayon ay para siyang hindi nanganak. Mas sexy pa yata siya ngayon kumpara noong hindi pa siya nabubuntis.
EAGER TO WORK. Na-miss daw ni LJ Reyes ang pag-arte kaya very eager siyang mag-taping ulit at makabalik sa trabaho. Pero alam daw niyang kapalit nito ay mababawasan ang oras niya sa anak nila ni Paulo.
Pero aniya, "Naku, wala naman po yatang magulang ang kayang iwan ang anak. Pero, baka magutom kami kung hindi ako magwo-work! Joke lang!
See baby Aki latest picture http://plixi.com/p/81268833 tweeted by Ryza Cenon http://twitter.com/#!/iamryzacenon
"Hindi ko naman talaga siya iiwan. Kapag may chance na isama ko siya kahit sa taping, isasama ko siguro si Aki. Or kapag si Paulo naman ang walang work, siya naman ang in-charge."
by: Rose Garcia
Solenn Heussaff will do a "Katy Perry like" dance album!
Sunday, March 06, 2011
Diyosa kung tingnan ng maraming kalalakihan ang model-VJ-fashion designer-makeup artist-turned-actress na si Solenn Heussaff.
Ever since umingay ang kanyang pangalan via GMA-7's reality show Survivor Philippines Celebrity Showdown, naging isang sex symbol na si Solenn. Kumbaga, perfect siya sa mata ng marami.
TEENAGE YEARS. Pero ang hindi alam ng marami ay dumaan si Solenn sa matinding pagkawala ng self-confidence noong teenager pa siya. Inamin ni Solenn na during those years ay halos magtago lang siya dahil takot siya sa pambu-bully sa kanya ng ibang bata sa school.
Naikuwento ni Solenn sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na during her high school years ay nag-struggle siya sa pagiging overweight.
Tuwing papasok daw siya sa school ay parati siyang kinakabahan dahil alam niyang may mga tutukso na naman sa kanya. Dahil dito ay madalas siyang umiyak nang patago sa school.
"I was terribly overweight when I was 13 or 14 years old. We're talking about 200 pounds overweight ako, tapos very short pa ako. So you would just imagine how cruel the kids in school could be to someone like me," pagbabalik-tanaw ni Solenn Heussaff.
"I didn't have many friends then because I would shut out people in my life. I was so hurt by what they were calling me. They would call me 'Free Willy,' 'big whale,' and all those nasty names that a kid would not like.
"So that really put me down and it affected my confidence. There are times that I would be afraid of going to school because may trauma na ako sa mga bullies. I just want them to leave me alone.
"That's why I can relate to a lot of teenagers out there who goes through something like this, because I was one of them before. "
Sa tulong ng kanyang mga magulang at ilang mga kaibigan, pinilit nila si Solenn Heussaff na lumaban at gumawa ng paraan para maibalik nito ang kanyang self-esteem. Kilala kasi nila si Solenn na masayahin at nalulungkot silang nakikita itong depressed dahil sa pisikal na kaanyuan niya.
"The people in my life helped overcome my depression and I tried to make things better for me," sabi ni Solenn Heussaff. "I promised myself that I will make a change. I will not do it for the people who put me down, I will do it for myself because I want to experience change."
CRASH DIET. Sinimulan ni Solenn Heussaff ang mag-diet. Yung mga dating kinahihiligan niyang kainin ay isinakripisyo niya para siya pumayat. Yun nga lang ay mali ang naging unang paraan niya ng pagda-diet.
Kuwento niya, "I just started eating an apple for the whole day. My parents didn't know that I was doing that crash diet thing and it made me sick. I was hospitalized for a few days because of that.
"When my parents found out, they got mad at me. If I want to get it right, I must do the right thing. Eat properly and exercise. Hindi raw puwede ang crash diet.
"So I took their advice and I ate healthier meals. Then I exercised a lot. I got into dancing. That shed off the unwanted pounds.
"When I achieved the goal that I wanted, I felt good and my confidence slowly came back. Wala naman akong galit to the kids who bullied me. I made an effort to improve myself and I was successful in doing it."
MAKEOVER SHOW. Ngayon, bukod sa pagiging celebrity ay isa na ring host si Solenn Heussaff ng kanyang sariling makeover show sa GMA News TV na Fashbook. Hindi nga raw ito pangkaraniwang makeover show na magpapaganda lang sila ng mga tao. May kinalaman din ang inner beauty rito na pinakaimportante sa lahat.
"This is not just a physical makeover but we also makeover your inner beauty," sabi niya.
"For me, what's important is what's inside your heart. If you have beauty there, then it will reflect on the outside. Based on my experience, it's a must that you feel good inside.
"Kaya before we make the makeover thing, we have a life coach [Miss A] to talk with whoever we are working on. Para to find out what's going on with her life. Kung ano ang mga dapat na gawin niya to help bring out that true beauty in her.
"Kami naman nila Migs [Mayuga] and Eric [Poliquit], we will do the makeover so that she will not just feel good inside but outside as well. It's a fun show and people will learn something from us. Hindi lang mga makeup and styling tips, but how to pick yourself up and feel good about yourself."
Bukod sa Fashbook ay busy rin si Solenn Heussaff sa ibang shows tulad ng Party Pilipinas at sa nalalapit na GMA-7 telefantasya na Captain Barbell.
Sa movies naman ay kasali si Solenn Heussaff sa remake ng Temptation Island under Regal Entertainment. Makakasama niya rito sina Marian Rivera, Heart Evangelista, Lovi Poe, Rufa Mae Quinto, at John "Sweet" Lapus.
Ang kanyang debut album naman under MCA Universal ay lalabas na sa April. Isa raw itong dance album na mala-Katy Perry ang dating.
source: PEP.ph



