Lolit Solis and Patrick Garcia: Peace at last!
Sunday, April 29, 2007
Tuluyan nang nagkapatawaran sina Lolit Solis at Patrick Garcia. Matatandaan na nagpakita ng galit ang Startalk host na si Lolit laban kay Patrick noong nakaraang Sabado, April 21.
Nagsimula ang galit ni Lolit sa binatang aktor nang malaman niyang pinagsarahan ni Patrick ng pinto ng kotse ang isang staff ng Startalk sa set ng Super Twins. Nilinaw din ni Lolit na naka-
schedule naman ang interview at pinagpaalam ito sa mga kinauukulan.
Lubos naman itong ipinagpaumanhin ni Patrick. Ayon sa kanya, "You know, that action wasn't called for. Kumbaga, I admit mali 'yon. In fact, hindi ko sila masyadong nakita but, you know, I apologize."
Humingi na rin ng tawad si Patrick sa mismong staff na si Baby Briones at sa lahat ng bumubuo ng Startalk. Aniya, "Now I apologize to Ms. Baby [for] that time because medyo inaantok ano noon. And maybe I wasn't also in the mood.
"'Nay Lolit, I hope everything will be okay now. I've said my piece, my side, and I have nothing against you or Startalk. I hope everything will be okay."
Samantala, buong-puso namang tinanggap ito ni Lolit. Sabi pa niya, "Okay naman sa akin. Nagpapasalamat ako dahil nag-apologize siya sa atin sa Startalk at bati na sila ni [Baby Briones]."
Dagday ng Startalk host, "Ngayong bati na sila, nagpapasalamat ako kay Patrick at naging mapagkumbaba siya, nag-sorry siya sa akin, nag- sorry siya kay [Baby], at sana nga wala nang maging kasunod pa."
Alinsunod nito, humingi na rin ng tawad si Lolit kay Patrick at pati na sa mga mga magulang nito. Aniya, "Patrick, kung sakali man na nabigla ang parents mo na idedemanda ako, ako na ang humihingi ng apology sa 'yo kung anuman ang nasabi ko."
Sa taped interview ni Patrick sa Startalk, sinabi ng binatang aktor na hindi pa niya nakakausap ang kanyang mga magulang tungkol sa usap-usapang magsasampa sila ng kaso laban kay Lolit. Gayuman, hinihiling ng aktor, "Sana hindi na lumaki [ang isyu]."
Nagsimula ang galit ni Lolit sa binatang aktor nang malaman niyang pinagsarahan ni Patrick ng pinto ng kotse ang isang staff ng Startalk sa set ng Super Twins. Nilinaw din ni Lolit na naka-
schedule naman ang interview at pinagpaalam ito sa mga kinauukulan.
Lubos naman itong ipinagpaumanhin ni Patrick. Ayon sa kanya, "You know, that action wasn't called for. Kumbaga, I admit mali 'yon. In fact, hindi ko sila masyadong nakita but, you know, I apologize."
Humingi na rin ng tawad si Patrick sa mismong staff na si Baby Briones at sa lahat ng bumubuo ng Startalk. Aniya, "Now I apologize to Ms. Baby [for] that time because medyo inaantok ano noon. And maybe I wasn't also in the mood.
"'Nay Lolit, I hope everything will be okay now. I've said my piece, my side, and I have nothing against you or Startalk. I hope everything will be okay."
Samantala, buong-puso namang tinanggap ito ni Lolit. Sabi pa niya, "Okay naman sa akin. Nagpapasalamat ako dahil nag-apologize siya sa atin sa Startalk at bati na sila ni [Baby Briones]."
Dagday ng Startalk host, "Ngayong bati na sila, nagpapasalamat ako kay Patrick at naging mapagkumbaba siya, nag-sorry siya sa akin, nag- sorry siya kay [Baby], at sana nga wala nang maging kasunod pa."
Alinsunod nito, humingi na rin ng tawad si Lolit kay Patrick at pati na sa mga mga magulang nito. Aniya, "Patrick, kung sakali man na nabigla ang parents mo na idedemanda ako, ako na ang humihingi ng apology sa 'yo kung anuman ang nasabi ko."
Sa taped interview ni Patrick sa Startalk, sinabi ng binatang aktor na hindi pa niya nakakausap ang kanyang mga magulang tungkol sa usap-usapang magsasampa sila ng kaso laban kay Lolit. Gayuman, hinihiling ng aktor, "Sana hindi na lumaki [ang isyu]."
Regine Velasquez, muling pauusuhin ang wet look
Sunday, April 29, 2007
IN Star Cinema's forthcoming movie, Paano Kita Iibigin, muling pauusuhin ni Regine Velasquez ang wet look.
Una itong pinauso nina Gloria Diaz at Elizabeth Oropesa sa pelikulang Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa.
Kinunan ang eksenang wet look ni Regine sa isang beach resort sa Botolan, Zambales. Talaga raw bakat na bakat ang dibdib ng Songbird, na pagkaganda-ganda raw ng tayo.
Piolo Pascual plays Regine's leading man in the film directed by Joyce Bernal.
Una itong pinauso nina Gloria Diaz at Elizabeth Oropesa sa pelikulang Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa.
Kinunan ang eksenang wet look ni Regine sa isang beach resort sa Botolan, Zambales. Talaga raw bakat na bakat ang dibdib ng Songbird, na pagkaganda-ganda raw ng tayo.
Piolo Pascual plays Regine's leading man in the film directed by Joyce Bernal.
Regine, sabik na sa kasal nila ni Ogie sa June?
Saturday, April 28, 2007
HINDI lang ang entertainment press ang nag-aabang sa iaanunsiyo ni Ogie Alcasid sa darating na June. Maging si Regine Velasquez aysabik na ring malaman kung ano ang ia-announce ni Ogie.
Sabi ni Regine, wala siyang maikukuwento sa mga manunulat kung ano ang ia-announce ni Ogie sa June, dahil siya man daw ay nangangapa pa rin hanggang ngayon. Wala raw talaga siyang ideya kung ano ito.
Ayaw na ring magsalita ni Regine tungkol sa tunay na relasyon nila
ni Ogie ngayon. Bahala na lang daw na si Ogie ang magsalita tungkol dito.
"Si Ogie na lang ang kulitin niyo," sabi pa ni Regine.
Well, kapansin-pansin na nagagawa na ni Regine na idaan sa biro ang tungkol sa tsismis sa kanila ni Ogie. Hindi na nga siya tulad noon na iwas na iwas sa isyu sa kanila ni Ogie.
Aminado si Regine ngayon, masaya siya sa buhay niya, at in love
siya. Pero, ayaw niyang sabihin kung `yun ay dahil kay Ogie.
"In love ako sa trabaho at sa pamilya ko," hirit niya.
Anyway, ang tungkol sa pagpapakasal nga nina Ogie at Regine ang sabi-sabi na ia-announce ni Ogie sa June. Pero siyempre, ayaw pa rin ni Regine na magsalita tungkol dito.
Mas maganda raw na si Ogie na lang ang pagsalitain.
Samantala, itinanggi ni Regine ang tsismis na nagselos si Ogie dahil sa matitindi at sangkatutak na kissing scenes at love scenes nila ni Piolo Pascual sa pelikulang Paano Kita Mamahalin, na prodyus ng Star Cinema at Viva Films.
Nilinaw ni Regine na bago pa niya tinanggap ang pelikula, alam na niya na maraming ganu`ng eksena sila ni Piolo.
Sabi nga ng isang malapit kay Regine, walang dapat ikaselos si Ogie kay Piolo.
Siyanga pala, si Bb. Joyce Bernal ang direktor ng pelikula.
Showbiz Central
Saturday, April 28, 2007
Sa Linggo magsisimula ang tapatang Showbiz Central at The Buzz. Tapatan din ito ng magkapatid na sina Raymond at Ruffa Gutierrez. Ayon kay Raymond, walang problema sa kanila ng ate niya ang pagtatapat ng kanilang shows.
Noong una raw na pinag-usapan nila ang tungkol sa pagtatapat ng
shows nila ay natawa pa sila. "Okey lang, I just hope na huwag kaming intrigahin ni Ate!" sey ni
Raymond.
Excited si Raymond sa pagho-host ng Showbiz Central dahil makabago raw ang approach nila sa pagdi-deliver ng showbiz news and happenings.
Hindi na pinapansin ni Raymond ang pang-iintriga ng iba na hindi siya bagay na mag-host ng isang showbiz talk show.
Noong una raw na pinag-usapan nila ang tungkol sa pagtatapat ng
shows nila ay natawa pa sila. "Okey lang, I just hope na huwag kaming intrigahin ni Ate!" sey ni
Raymond.
Excited si Raymond sa pagho-host ng Showbiz Central dahil makabago raw ang approach nila sa pagdi-deliver ng showbiz news and happenings.
Hindi na pinapansin ni Raymond ang pang-iintriga ng iba na hindi siya bagay na mag-host ng isang showbiz talk show.
Glaiza de Castro, magpapa-sexy na?
Saturday, April 28, 2007
Isinama ni Glaiza ang bunsong kapatid sa location shoot ng digital film na Still Life sa isang isla sa Quezon Province. Nanghihinayang man ang aktres pero natutuwa naman daw siya dahil hindi siya pinabayaan ng bunsong kapatid sa pagbo-volunteer nito na maging "alalay" niya sa bundok.
"Nanghinayang ako para sa kapatid ko," Glaiza admits. "Pero blessing in disguise na rin kasi may isang eksena sa movie na kailangan kong umiyak. When I learned about it, naging motivation ko `yun para mapaganda `yung eksena."
Said digital film is intended for the 3rd Cinemalaya Independent Film Festival which will start sometime in July. May pressure raw kay Glaiza. Sa 2nd Cinemalaya, Alchris won as Best Actor for the digital film Batad Sa Paang Palay na nagbigay din ng Best Actor --Drama sa kapatid niya sa Golden Screen Awards last March.
Unang in-offer ang Still Life kay Maja Salvador. Bale lumalabas na second choice lang si Glaiza. Pero okay lang daw sa kanya kung second choice lang siya. Ang importante, ayon na rin sa aktres ng Asian Treasures, sa kanya napunta ang project.
"I don't mind. Happy na rin ako dahil nagkaroon ako ng pelikula. Excited rin ako dahil first independent film ko ito at entry pa sa Cinemalaya," sambit pa ng look-alike ni Angel Locsin.
Hindi isinasara ni Glaiza ang posibilidad na tumanggap siya ng offer to pose for a men's magazine. Katunayan, may mga offer na raw ang FHM at UNO pero undecided pa rin daw siya to plunge into it.
"Actually, may offer na po sa akin. Una, parang ayokong mag-follow ng fad. Nagiging trend na kasi ngayon, eh, sa papo-pose sa magazine. Parang iniisip ng tao na kaya sila nagpo-pose dahil `yun ang last recourse nila pero para sa akin I have nothing against posing for a men's mag."
At kung meron man daw siyang gustong patunayan ay makilala siya bilang isang mahusay na aktres.
"Kung tutuusin, kaya ko namang gawin. Bakit hindi? Pero hindi pa naman ako nagsasara ng pinto. At ayoko pa ring magsalita nang tapos pero sa ngayon, gusto ko munang magkonsentreyt sa pag-arte at makilala bilang mahusay na aktres o pagkanta," sambit ni Glaiza. Sa ngayon, maglalagare si Glaiza sa dalawang TV shows sa GMA, ang Asian Treasures na pinagbibidahan nina Angel, Marvin Agustin, Marky Cielo at Robin Padilla at Boys Next Door kung saan makakasama naman niya ang mga StarStruck graduates na sina Mart Escudero, Aljur Abrenica, Rich Asuncion, Jesi Corcuera, Steff Prescott at marami pang iba.
Aljur Abrenica admits crying over Kris Bernal
Saturday, April 28, 2007
The last time na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang StarStruck Batch 4 Ultimate Hunk na si Aljur Abrenica ay isiniwalat niya kung hanggang saan umabot ang nararamdaman niya para sa female Ultimate Loveteam winner na si Kris Bernal.Inamin ni Aljur sa PEP na iniyakan niya si Kris noong ongoing pa ang competition nila sa StarStruck. Nangyari raw ang kanyang pag-iyak
noong nasa Tagaytay sila .
Ayon kay Aljur, umiyak daw siya dahil na-realize niyang may mga nasabi siya at naipahayag na nakasakit ng damdamin ni Kris. Habang nasa biyahe sila pabalik ng Maynila ay umiyak sa loob ng sasakyan si Aljur nang walang nakakakita. Maging si Kris man ay umiyak sa mga sinabi ni Aljur ngunit ginawa niya ito on cam habang ini-interview siya ng staff ng StarStruck.
Ayon kay Aljur, si Kris pa lang ang pangalawang babaeng iniyakan niya. Ang una raw ay ang ex-girlfriend niya sa Pampanga.
Bagama't naka-move on na siya sa nararamdaman niya para kay Kris, inamin ni Aljur na hindi yun naging madali para sa kanya. Inisip na lang niya na kailangan niyang magparaya dahil nga may iba nang ka-loveteam si Kris sa katauhan ni Mart Escudero.
Ayon pa kay Aljur, inisip niya lang daw ang kapakanan ni Kris. Kung eeksena pa raw kasi siya ay baka makasira siya sa career nito. Isa pa, alam niya at tanggap na niyang mas masaya ngayon si Kris bilang kapareha ni Mart.
In love siya noon kay Kris, pero diretsahang sinabi ni Aljur na ngayon ay hindi na. Although may nararamdaman pa siya para sa dalaga, alam ni Aljur na magiging mahirap kung itutuloy pa niya ito.
Magkasama sina Aljur at Kris sa kauna-unahang programa ng StarStruck Batch 4 graduates sa GMA-7, ang The Boys Next Door. Strictly professional na lang ang kanilang pagsasama dahil si Mart ang ka-partner dito ni Kris.
Valerie Concepcion, pantasya ni Carlo!
Thursday, April 26, 2007
May kopya ng FHM magazine si Carlo Aquino na si Valerie Concepcion ang cover. Aminado si Carlo na kasama na sa file niya ang mga seksing larawan ni Valerie.`Yun nga lang, ayaw sagutin ni Carlo ang tanong sa kanya kung madalas ba niyang pagpantasyahan ang mga seksing larawan ni Valerie. Pero, aminado siyang hot na hot ang dating ni Valerie sa kanya.
Sabi pa ni Carlo, may kakaibang beauty kasi si Valerie. Morena raw kasi, at kahit may anak na ito, hindi pa rin nabawasan ang sex appeal nito sa kanya.
"Tapos, mukha siyang suplada, pero hindi pala. Mahilig siyang magkuwento. Makulit siya at madaldal.
"Maganda ang chemistry namin. Tahimik ako at masayahin siya," sabi ni Carlo.
Sa presscon nga pala ng Sinasamba Kita ng GMA 7, bitbit ni Carlo ang kanyang digital camera na kung saan ay may mga kuha si Valerie.
Yasmien Kurdi reprises Sharon Cuneta's role in "Pati Ba Pintig ng Puso"
Thursday, April 26, 2007
Hindi pa man nagsisimulang ipalabas ang Sinasamba Kita, ang unanghandog ng Sine Serye ng GMA-7, ay nagkaroon na ng story conference
para sa susunod na episode ng naturang serye. Ito ay ang remake ng
1985 movie ng Megastar na si Sharon Cuneta, ang Pati Ba Pintig ng
Puso?. Balitang first week of May nakatakdang mag-first taping day
ang second offering ng Sine Serye.
Ang Pati Ba Pintig ng Puso? ay pinagtambalan noon nina Sharon at ng
kanyang dating asawa na si Gabby Concepcion. Kasama nila rito sina
Eddie Garcia, Dina Bonnevie, Edu Manzano, Jobelle Salvador, at ang
yumao nang sina Charito Solis at Joel Alano.
Sa TV version naman ng Viva Films classic na ito, first time na susubukan ng Kapuso Network ang tambalang Yasmien Kurdi at JC de Vera, na gaganap sa mga roles nina Sharon at Gabby.
Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kasama rin sa cast ng TV version ng Pati Ba Pintig ng Puso? sina Eddie Gutierrez sa role ni Eddie Garcia noon, si Karel Marquez sa role ni Dina Bonnevie, at si Chynna Ortaleza sa role ni Jobelle Salvador. Makakasa rin daw rito sina Jennifer Sevilla, Marco Alcaraz, at Kier Legaspi.
Ayon pa sa balita, tila hindi na raw hihintayin ng GMA-7 na matapos ang Sinasamba Kita bago ipasok ng GMA-7 ang Pati Ba Pintig ng Puso? dahil sunud-sunod na raw itong mapapanood after ng Daisy Siyete.
Isa sa pinaka-memorable scene sa pelikulang Pati Ba Pintig ng Puso? ay ang helicopter scene, kung saan bumaba si Gabby pauwi sa kanilang hacienda. Ayon sa PEP source, na kasama sa production team ng TV version, pipilitin nilang maipakita rin ang naturang scene sa remake
nito.
A man claims he is the real father of Rainier Castillo
Thursday, April 26, 2007
May ginawang game para sa entertainment press ang Showbiz Central, ang bagong Sunday showbiz talk show ng GMA-7, na ini-launch kagabi sa Annabel's restaurant. Pinagtanong ang mga invited press ng tig-iisang hard-hitting question. Piliin daw nila ang una nilang itatanong kung sila ang ilalagay na jury sa show.Isa sa mga nanalo ay ang tanong na kung alam ba ng young actor na si Rainier Castillo na may isang lalaki na nagki-claim ngayon na ama raw siya ng binata. Of course, hindi ito nasagot ni Rainier dahil wala naman ang StarStruck Batch 1 First Prince sa press con.
Sinuwerte lang ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na nasaStation 168 Internet Café, na katabi mismo ng Annabel's restaurant, si Rainier, kung kaya't naitanong namin agad ito sa kanya pagkatapos ng Showbiz Central press con.
"May bago na naman?" ang balik-tanong sa amin ni Rainier na ikinagulat naman namin.
Aniya, "Marami nang nagki-claim na tatay ko raw, kaya pang-apat na `yang sinabi nyo sa akin. Kilala ko ang tunay kong ama. Nasa States siya ngayon at may communication sila ng Ate ko sa Internet.
"Nang bumalik siya rito, bumisita siya sa bahay pero wala ako doon kaya hindi kami nagkita. Pero sila ng Ate ko nagkita. Hanggang ngayon, may communication pa rin sila ni Ate through emails at chat."
Nagsimula raw may mag-claim kay Rainier bilang anak nila nang natapos ang kauna-unahang StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7. Before that, nang isa pa lang siyang normal na estudyante, wala naman daw siyang naririnig na ganoon.
Wala pa rin ni isa sa mga sinasabing claimants ang lumalapit sa kanya para magpakilala.
Katrina Halili: "Ayoko nang magtiwala sa mga lalake!"
Thursday, April 26, 2007
"Ayoko munang mag-boyfriend!" Ito ang mariing sinabi ni Katrina Halili nang usisain ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang lovelife sa taping ng GMA-7 gag show na HP: To The Highest Level Na! last April 24.Nang tanungin ng PEP kung ano ang dahilan kung bakit, tumangging mag-elaborate pa ng sexy young actress. Tila mayroong sad experience si Katrina sa nagdaang relasyon niya kaya takot na siyang muling magmahal. Ang huling boyfriend ni Katrina ay si Bullet Jalosjos.
Ayon kay Katrina, "Ayoko nang magtiwala sa mga lalake! Mahirap, e. Bukod sa nawawala ang focus ko sa trabaho kapag in-love ako, karamihan pa ng fans ko ay nagseselos. Siyempre, karamihan sa kanila ay lalake kaya mas gusto nilang wala kong bf."
Sabi pa niya, "Okey lang kahit tawagin akong manhater. Mas masarap magtrabaho kaysa mag-boyfriend."
Ang una at huling nakarelasyon ni Katrina na taga-showbiz ay si Andrew Schwimmer, na dating alaga ng talent manager na si Douglas Quijano.
Bagama't inili-link sa kanya si Mark Herras, ayon kay Katrina, "Hindi ko naman naging boyfriend si Mark. Kaibigan ko lang `yon. Hindi ko nga alam kung bakit walang nanliligaw sa akin, e. Pero mas mabuti na yung ganun para mas tahimik ang buhay ko."
Sinabi pa ni Katrina na mas enjoy siya sa paglalaro ng kanyang mga collection ng Barbie dolls kaysa pag-ukulan ng pansin ang mga lalake.
"May collection ako ng Barbie dolls, at pag-uwi ko ng bahay ay nilalaro ko `yon. Para nga akong bata na ngayon lang nagkaroon ng Barbie, e. Bumili pa talaga ako ng Barbie table at umuupo ako dun," natatawang wika niya.
"Minsan pag umuuwi ako sa bahay, matingnan ko lang ang Barbie collection ko ay masaya na ako. Wala pang Ken [boyfriend ni Barbie] ang mga Barbie ko. So malalaman nyo kapag na-in love na uli ako kapag nagkaroon na ng Ken ang mga Barbie ko!" biro pa niya.
Sa kasalukuyan, nakatuon sa kanyang career si Katrina.
"Kailangan kong kumayod nang kumayod. Wala nga akong sariling condo, nagre-rent pa lang ako. Yung kotse ko, hinuhulugan ko pa rin `yon, e. Siguro kapag dalawa na ang regular shows ko, makakaipon na ako. So work and work muna ako at wala muna sa bokabularyo ko ang boys,"
pagwawakas ng sexy young actress.


