Angel and her new black boyfriend, Hummer
Thursday, May 03, 2007


Sa laki ng bagong Hummer ni Angel Locsin, hindi mo iisiping babae ang may-ari nito. Dala-dala niya ang nasabing sasakyan sa post birthday party last Sunday with Gabriela at pagkalaki-laki niyang nakaparada sa harap ng studio ni Becky Aguila sa Commonwealth.
Super ganda nga ng nasabing sasakyan, which we found out, ay dream vehicle pala ni Angel. Mas maliit lang ito nang kaunti sa truck at ang unang impresyon kapag nakita mo'y sundalo ang may-ari at lalaban sa giyera.
Eh, black pa ang kulay, kaya mas masculine ang arrive.
Bakit ba niya naisip na bumili ng panlalaking sasakyan?
"Para mas astig, 'di ba?" aniya. "Saka noon pa talaga, gustung-gusto ko nang magkaroon nito, bata pa ako pangarap ko na 'to."
Kaya naman kahit mahal (more than P5M) at presyo na ng isang bahay at lupa, pikit-mata itong binili ni Angel kesa lifetime na pagsisihan na hindi niya pinagbigyan ang gusto.
Besides, Angel deserves it dahil todo-kayod naman ang dalaga sa pagtatrabaho.
Anyway, ang nasabing affair with Gabriela, titled Gabriella Meets Gabriela (ito kasi ang pangalan niya sa Asian Treasures), ay pinaghandaan talaga ni Angel. Nag-enjoy ang mga miyembro sa parlor games, kantahan, inuman at sayawan.
Bukod kay Angel at sa Gabriela members, dumalo rin ang ilan sa mga cast ng Angels na sina Marvin Agustin, Paolo Paraiso, Marco Alcaraz, Valerie Concepcion at Eunice "Charming" Lagusad.
Habang ongoing ang event, parating magkadikit sina Marvin at Angel. Looks like nakatulong ang Boracay trip para lalo silang maging close.
Shaider, ipapalit sa Asian Treasures
Thursday, May 03, 2007
GAGAWIN na ring lokal ng GMA 7 ang kilalang Japanese cartoon character na Shaider at sa primetime ito nakatakdang ilabas.
Hindi muna namin sasabihin ang casting ng Shaider dahil baka confidential pa. Pero once ilabas ito sa primetime, ang ibig sabihin ay pawang local series na ang ihahandog ng GMA tuwing prime time,
huh!
Bale ang Lupin ang unang sikat na Japanese character na ginawa ng Channel 7. Komo pangalan lang ang kinuha sa kuwento at hindi talaga `yung eksaktong plot, wala namang naging problema ang network sa mga intellectual property rights.
Hopefully, ganoon din ang maging sitwasyon ng Shaider na pangalan lang ang kinuha para hindi mahabol ng creator ng character at story.
Pero nang malaman namin ang ilang cast, mga teenagers ang target ng Shaider at puwedeng mga bata ang kunin kung ito ang ipapalit sa Asian Treasures.
Hindi muna namin sasabihin ang casting ng Shaider dahil baka confidential pa. Pero once ilabas ito sa primetime, ang ibig sabihin ay pawang local series na ang ihahandog ng GMA tuwing prime time,
huh!
Bale ang Lupin ang unang sikat na Japanese character na ginawa ng Channel 7. Komo pangalan lang ang kinuha sa kuwento at hindi talaga `yung eksaktong plot, wala namang naging problema ang network sa mga intellectual property rights.
Hopefully, ganoon din ang maging sitwasyon ng Shaider na pangalan lang ang kinuha para hindi mahabol ng creator ng character at story.
Pero nang malaman namin ang ilang cast, mga teenagers ang target ng Shaider at puwedeng mga bata ang kunin kung ito ang ipapalit sa Asian Treasures.
Pati Ba Pintig ng Puso, Yasmien's first solo show
Thursday, May 03, 2007
NAG-first taping day na ang Pati Ba Pintig Ng Puso.Personally, very happy kami for this new Sine Novela ng GMA na remake of the Viva Films movie nina Sharon Cuneta and Gabby Concepcion dahil it will star Yasmien Kurdi in the Mega role.
This is Yasmien's first solo show na siya ang magdadala since their Love to Love pa noon ni Rainier Castillo and this is long overdue.
Napatunayan na rin naman ni Yasmien na kung acting lang din ang paguusapan, she is the best of her batch sa Starstruck and this was
last seen sa Bakekang nila ni Sunshine Dizon.
Pati Ba Pintig Ng Puso will have JC de Vera playing the Gabby role at may isa pa kaming good news dahil another StarStruck III avenger
was given her chance to shine, si Arci Muñoz.
She plays the Jobelle Salvador character in the movie na dapat ay kay Stef Prescott.
Sexy Role for Jennylyn Mercado naudlot
Thursday, May 03, 2007
SILIP could have been Jennylyn Mercado's first sexy role pala sana.Done na ang principal photography ng Silip, Seiko Films' first movie of the year directed by Joel Lamangan from the script of Raquel Villavicencio.
It stars Polo Ravales, Diana Zubiri and Francine Prieto at sa Nueva Ecija ito nag-shoot. Both Polo and Diana shot their scenes in between their Lupin and Asian Treasures taping respectively.
Now, we heard it was originally offered to Regal Films pala and it
would have starred Polo pa rin but with a different set of leading
ladies, sina Jennylyn and Katrina Halili.
Okey sana ito for Katrina kaso tinanggihan daw ni Mother Lily ang movie for Jennylyn dahil she still wants to maintain Jennylyn's wholesome image.
Sayang, ready na rin yata si Jennylyn for mature roles like this.
Iwa Moto wants to focus on career after break-up
Thursday, May 03, 2007
Itinanggi ng StarStruck Batch 3 First Princess na si Iwa Moto sa PEP(Philippine Entertainment Portal) na masugid niyang manliligaw
ngayon ang tumatakbong congressman ng 2nd district ng Valenzuela
City na si Wes Gatchalian.
Inamin ni Iwa na kilala niya at nakakasama niya ang naturang
pulitiko, pero `yon ay dahil ini-endorse niya ang kandidatura nito.
Ayon kay Iwa, trabaho lang daw ang madalas nilang pagsasama.
Ayon kay Iwa, ayaw raw muna niyang ma-involve kahit na sa sinong
lalaki matapos ng break-up niya sa dancer na si Yexel Sebastian.
Trabaho muna raw ang priority niya ngayon, lalo pa nga't hindi siya
nababakante sa GMA-7.
Nabanggit din ni Iwa sa PEP na sana naman daw, for a change,
mabigyan siya ng isang role na inaapi-api siya. Palagi raw kasing
kontrabida roles ang napupunta sa kanya. Gusto rin daw maranasan ng young actress kung paano apihin sa harap ng kamera.
Nais din ni Iwa na mabigyan siya ng pagkakataon to portray a heavy drama role, kung saan masusukat daw talaga ang kakayahan niya sa pag-arte.
Nang tanungin naman tungkol sa bagong batch ng StarStruck, sinabi ni Iwa na magkakaibigan sila at halos para ng magkakapatid kung magturingan. Ang pinaka-close daw kay Iwa among StarStruck Batch 4 graduates ay sina Jewel Mische at Kris Bernal.
Hindi iniaalis ni Iwa ang katotohanang may kumpetisyon sa kanilang lahat, pero hindi raw nila yun pine-personal. Lahat naman daw sila ay nama-manage nang mabuti at nabibigyan ng trabaho ng Artist Center, ang talent arm ng GMA-7.
Isa sa mga bagong projects ni Iwa sa Kapuso Network ang guest stint niya sa "Prinsipeng Ibon" episode ng Mga Kuwento ni Lola Basyang, kung saan kasama niya sina Dion Ignacio, Pen Medina, at ang nagbabalik na sexy actor na si Anton Bernardo.
Yasmien Kurdi willing to pose nude for a cause
Wednesday, May 02, 2007
Maagang dumating si Yasmien Kurdi sa grand launching ng Forever Flawless branch sa SM Bacoor, Cavite, last April 29. Isa si Yasmien sa mga celebrity endorsers ng Forever Flawless, na pag-aari ni Mr.Joey Santos at ilang business partners.Marami ang pumuri sa kaseksihan ni Yasmien ngayon, lalo na yung mga madalas makakita sa kaniya sa sa bakuran ng GMA-7 noong medyo mataba pa siya. Hindi naman inililihim ni Yasmien ang kanyang sikreto kung paano siya pumayat ngayon.
Ang pagiging strict vegetarian ni Yasmien ang dahilan kung bakit ang sexy-sexy niya ngayon. Naging vegetarian daw siya pagkatapos niyang maging miyembro sa PETA (People for the Ethical Treatment of Animals). Nakita lang daw niya sa Internet ang international organization na ito. Pagkatapos makita ni Yasmien kung paano ang ginagawang pagpatay sa mga hayop, agad siyang nag-fill-up ng application para maging member ng PETA.
Bukod kay Yasmien, member din ng PETA si Diether Ocampo, na nag-pose ng nude para sa isang campaign ad nila. Nakita na raw ni Yasmien ang nasabing pictorial ni Diet. Willing din daw ang young actress mag-pose ng nude para sa campaign ng PETA.
"Kaya kong gawin yun for a cause," nakakagulat na sabi ni Yasmien. "Pero yung mag-pose nang sexy para sa men's magazine, ayoko. Binibigyan mo lang ng kasiyahan yung mga lalaki. Magpapa-
pictorial ako ng sexy, not for them, but for a cause."
Iwa Moto is now friends with Rochelle Pangilinan
Tuesday, May 01, 2007
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang StarStruck Batch 3 First Princess na si Iwa Moto kagabi, April 29, sa kampanya ng isang mayoralty candidate sa Alaminos, Laguna. Napag-usapan namin ni Iwa ang tungkol sa sitwasyon ngayon sa pagitan nila ng SexBomb member na si Rochelle Pangilinan.Dati ay nagkaroon ng gap sa pagitan ng dalawang female celebrities
dahil ang ex-boyfriend ni Rochelle, ang male dancer na si Yexel
Sebastian, ay naging boyfriend din for a time ni Iwa.
"We're close, we're friends talaga," sabi ni Iwa. "Oo, nagtatawagan
kami, nagte-text-an, ganun. Rochelle and I are friends. And besides,
wala namang hard feelings between us, kasi tapos na, e."
Dagdag pa niya, "Kung nagkaroon man ng isyu before, it's over. Na-
overcome na namin, and tsaka hindi naman kailangang pag-awayan ang isang tao."
Kumusta na ang lovelife ni Iwa? May ipinalit na ba siya kay Yexel? "Lovelife? Sad na sad! Wala po, by choice," natatawang sabi ni Iwa.
Ayon pa sa young actress, focused siya ngayon sa kanyang showbiz career.
"Siyempre, madaming work, di ba? Tsaka yung lovelife, dadating at dadating `yan. Nakakapaghintay, kung makakapaghintay. Kung mayroon mang may gusto, mag- antay na lang till the time na kailangan ng right time. Lahat naman ng bagay, may right time, di ba?" pahayag niya.
In a recent interview, sinabi ng kaibigan ni Iwa na si Jackie Rice na mas okay sa kanya na walang lovelife si Iwa para matutukan nito ang kanyang career. Ano ang reaksiyon ni Iwa dito?
"Kasi alam din naman ni Jackie kung gaano ko siya ka-love at kung gaano ako nagki-care sa kanya. Kasi kapag may problema naman siya, tumatakbo rin sa akin yun. Binibigyan ko rin siya ng advise as ate. Thankful ako kasi naa-appreciate niya lahat ng mga ginagawa ko sa kanya. And in return, alam mo yun, pinagpe-pray pa rin niya yung success ko," pagtatapos ni Iwa.
Katrina Halili has a new suitor!
Tuesday, May 01, 2007

May bagong manliligaw si Katrina Halili. Ito ang natiyak ng PEP (Philippine Entertainment Portal) nang may dumating na isang bilaong pancit at bouquet of flowers para sa young sexy actress sa taping ng Lupin last April 27 sa may Quezon City.Noong una ay itinatanggi pa ni Katrina ang ukol dito at sinabing siya ang nagpabili ng pancit dahil gusto niya raw kumain nito. Bugbog kasi sa pagda-diet ngayon ang young sexy actress para mapanatili ang kanyang sexy figure, kaya natatakam daw siyang kumain ng pancit.
Ukol sa bulaklak, ngiti lang ang isinagot niya sa pag-uusisa ng PEP. Pero nang amin siyang kulitin, "Galing po yung flowers sa non-showbiz friend ko. And yung pancit, nagpabili lang po talaga ako dahil gusto kong kumain ng pancit," palusot ni Katrina.
Kahit pagod sa matitinding eksena at puyatan, tila hindi nawawala ang energy ni Katrina sa pagtatrabaho. Inusisa uli namin siya kung ang rason ba ng pagiging inspirado niya sa pagtatrabaho ay ang bago niyang suitor.
"Hindi po, kayo talaga!" nakatawang hirit niya. "Ako naman po kasi, kapag trabaho, trabaho talaga. Kailangan kong magtrabaho nang mabuti dahil marami akong pangarap sa buhay. Wala pa akong time sa boys kaya hataw muna tayo sa trabaho."
Ayaw mang ilahad ni Katrina ang pagkikilanlan ng bagong suitor, isa lang ang tiyak—ito'y hindi taga-howbiz.
Asian Treasures cast, pupunta ng China
Tuesday, May 01, 2007
TUTUTUKAN nang husto ni Robin Padilla si Diana Zubiri sa pagtuturo ng Muay Thai. Bale nag-train na si Diana sa ibang master ng Muay Thai, pero bago umalis ang grupo papuntang China sa May 16 ay dadaan sa masusing training si Diana under Robin.Balita sa amin ng source, gusto ni Robin na magpakita ng galing sa martial arts na ito si Diana na katulad ng ipinapakitang balasik ni Angel Locsin. Magkakaroon kasi ng tunggalian sina Angel at Diana sa kanilang taping sa China.
Nakatakdang umalis sa May 21 ang buong grupo ng Asian Treasures sa pamumuno ng production manager ng GMA-7 na si Redgie Magno. Tatagal ng two weeks ang taping sa China ng AT. Pupuntahan nila ang Macao at Beijing.
Saka, habang tumatagal ang soap, lalong nagiging seksi at maganda si Diana. Bagay sa kanya ngayon ang katawan niya dahil slim na siya.
Makakatapat na talaga ni Angel si Diana sa pagalingan sa martial arts, at sa paseksihan.
Samantala, gagamitin ni Angel (Gabriela) ang anting-anting niya para mapagaling si Elias (Robin Padilla). Si Hector ( Marvin Agustin) naman ay magpupusige para malaman kung sino ang pumatay sa
kanyang ama.
Valerie Concepcion says her daughter is worth the sacrifice
Tuesday, May 01, 2007
Magta-tatlong taon na this October ang anak ni Valerie Concepcion na si Heather Fiona, na binubuhay mag-isa ng young actress. Walang sustento, at ni walang komunikasyong natatanggap si Valerie, mula sa non-showbiz guy na ama ng kanyang anak.Kung bigla raw sumulpot ang lalaki upang makipag-usap sa kanya at kumustahin ang bata, open daw siya rito. Pero ibang usapan na raw kapag nagtangka ang lalaki na kunin mula sa pangangalaga ni Valerie si Heather Fiona.
Ayon kay Valerie, nakahanda siyang ipaglaban ang kanyang anak hanggang saan man umabot, kung sakaling may magtangkang kunin ito mula sa kanyang poder.
Kung dumating ang punto na kausapin siya ng lalaki at alukin ng kasal, either dahil mahal siya nito or para magkaroon rin ito ng karapatan sa bata, hinding-hindi na raw papayag si Valerie.
Mas may posibilidad na pumayag siya kung sakaling visitation rights lamang ang hilingin ng lalaki, or kung hiramin nito ang anak nila paminsan-minsan. Pero wala pa rin itong kasiguraduhan dahil malabong
pumayag ang kanyang mga magulang na ipahiram or ipakita man lang ang bata sa ama nito.
On a different note, magkapatid sina Valerie at Angel Locsin sa bakuran ng talents ni Becky Aguila. Kung nanahimik for a while dati ang career ni Valerie dahil nga sa pagbubuntis niya, umalagwa naman
nang husto ang popularidad ni Angel. Si Angel ay isa na sa mga pinakasikat na young stars sa local show business ngayon.
Hindi naman nagpapaka-ipokrita si Valerie. Nasabi niyang there were times na hinangad din niya ang estadong narating ni Angel. Naisip din raw niya na kung hindi siya nabuntis ay baka naabot din niya ang tinamasang success ngayon ni Angel. Pero naisip niya na maaari ring hindi talaga nakatadhana na maging kapareho niya ang kapalaran si Angel, nabuntis man siya o hindi.
Very sincere na sinabi ni Valerie na Heather Fiona is worth all the good things in showbiz that she failed to get because she became a mother.
Samantala, abut-abot ang pasasalamat ni Valerie dahil sa pagkakakabigay sa kanya ng GMA-7 ng biggest break niya so far, ang papel niya bilang Nora sa Sinasamba Kita. Ang naturang role ay
ginampanan ni Lorna Tolentino sa movie version nito.
Kasama ni Valerie sa Sinasamba Kita sina Sheryl Cruz bilang Divina, Wendell Ramos bilang Jerry, at Carlo Aquino bilang Oscar. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Joel Lamangan.


