Showing posts with label Shaider. Show all posts

Mga Mata Ni Angelita, uunahan ang Shaider
Tuesday, May 15, 2007
NAG-IBA na naman ng plano ang GMA-7 dahil sa halip na Shaider ang ipalit sa Asian Treasures, Mga Mata ni Anghelita muna ang uunahin.
Si Jolina Marie Reyes, ang young Kristal sa Bakekang, ang gaganap na Anghelita. Another big break sa bagets ang magbida sa TV remake ng hit movie na pinagbidahan ng yumaong Julie Vega noon.
Kasama sa cast sina Marvin Agustin, Mark Herras at Lucy Torres-Gomez sa role ng Virgin Mary na magbibigay ng paningin kay Angelita.
Bagay sa misis ni Richard Gomez ang role dahil maamo ang maganda niyang mukha at sobrang puti.
Si Khryss Adalia ang napili ng Channel 7 na magdirek ng teledrama.
Ang unang plano pala ay ilagay sa Sinenovela block ang Mga Mata ni Anghelita, pero nabago ang plano at inilipat ito sa primetime block na mas marami ang nanonood.

Shaider, ipapalit sa Asian Treasures
Thursday, May 03, 2007
GAGAWIN na ring lokal ng GMA 7 ang kilalang Japanese cartoon character na Shaider at sa primetime ito nakatakdang ilabas.
Hindi muna namin sasabihin ang casting ng Shaider dahil baka confidential pa. Pero once ilabas ito sa primetime, ang ibig sabihin ay pawang local series na ang ihahandog ng GMA tuwing prime time,
huh!
Bale ang Lupin ang unang sikat na Japanese character na ginawa ng Channel 7. Komo pangalan lang ang kinuha sa kuwento at hindi talaga `yung eksaktong plot, wala namang naging problema ang network sa mga intellectual property rights.
Hopefully, ganoon din ang maging sitwasyon ng Shaider na pangalan lang ang kinuha para hindi mahabol ng creator ng character at story.
Pero nang malaman namin ang ilang cast, mga teenagers ang target ng Shaider at puwedeng mga bata ang kunin kung ito ang ipapalit sa Asian Treasures.