Showing posts with label Gladys Guevarra. Show all posts
Showing posts with label Gladys Guevarra. Show all posts

GMA Pinoy TV, papasukin na ang ilang bahagi ng East Coast sa Amerika

Papasukin na rin ng GMA Pinoy Cable TV ang ilang bahagi ng East Coast sa Amerika tulad ng New Jersey at New York sa pagpapalabas ng mga shows nila gaya nang nangyayari sa ilang bahagi ng West Coast tulad ng San Francisco, California.

Next month ay susugod sa isang malaking okasyon ang ilang kinatawanng Channel 7 sa New Jersey kasama ang ilang artista ng newtork na sina Ara Mina, Dennis Trillo, Gladys Guevarra at iba pa.

Bukod sa launching ng GMA Pinoy Cable TV roon, magtatanghal din ang tatlong stars na nabanggit upang makaakit ng subscribers na Pinoy siyempre sa nasabing US state.

Ang alam namin, magkakaroon din ng launching sa Hawaii sa May 12 at may mga GMA artists na pupunta rin doon.

Aware ang GMA na daigdig ng The Filipino Channel ang ilang bahagi ng Amerika. Kaya naman upang magkaroon ng choice ang mga Pinoy roon, heto sila't pinag-iigi ang serbisyo ng GMA Pinoy Cable, huh!

Nadine wants to end silent cold war with Angel

Nadine Samonte is now ready to reconcile with Angel Locsin
After years of not talking to each other because of Oyo Sotto, Angel Locsin and Nadine Samonte may start a new friendship.

Handa na raw makipag-usap si Nadine Samonte kay Angel Locsin ngayong hiwalay na ang huli kay Oyo Sotto.

Parehong in the limelight ang dalawang magandang Kapuso young stars because of several big projects.

Nangunguna ngayon sa primetime soaps ang pinakabagong show na Asian Treasures ni Angel opposite Robin Padilla. Ipalalabas na rin ang kanyang Valentine movie with Richard Gutierrez, ang The Promise ng GMA Films and Regal Films, from the direction of Mike Tuviera.

Si Nadine naman ay kasama sa season one ng Magic Kamison, kung saan sila nina Iwa Moto at Alfred Vargas ang nakatakdang tulungan ng magic kamison ni Chuchay (played by Gladys Guevarra).

Mawawala na rin si Lorraine, ang character ni Nadine sa toprating soap na Bakekang, dahil kukunin na siya ng kanyang tunay na ama (Romnick Sarmenta) away from her mother (Sheryl Cruz) para pumunta ng States. Kailangan itong gawin sa kanyang character dahil magsisimula na ang fantasy soap nila nina Jennylyn Mercado, Camille Prats, Patrick Garcia, at Dennis Trillo na Super Twins.

Si Oyo ang naging koneksiyon nina Angel at Nadine noon. After mag-split up sina Nadine and Oyo—na matagal ding nagtago sa press ng kanilang relasyon at late na nang umamin—naging sina Angel at Oyo naman.

Wala mang nagsalita, halatang may silent cold war sina Angel at Nadine. Ito ay lalong nahalata nang magsama sila sa Darna, kung saan si Angel ang gumanap na Darna/Narda at si Nadine naman ang naging different character ni Valentina—originally played by Alessandra de Rossi, na incidentally ay another ex of Oyo.

Matagal na hindi nag-usap o nagpansinan sina Angel at Nadine maliban sa hi at hello. Kahit noon sa Darna, balitang sa eksena lang sila nag-uusap at pagkatapos ng tape ay kanya-kanya na sila.

Recently, nakipag-split si Angel kay Oyo dahil sa "lack of time." Nabalitaan ito ni Nadine at nakisimpatiya siya kay Angel dahil kahit siya, inisip na rin na sina Angel at Oyo na habambuhay.

Ngayon, si Nadine ang nagbabalak na isang araw ay siya mismo ang lalapit kay Angel para makipag-usap sa mga bagay-bagay. Nalaman ito ni Angel at natuwa. At least daw, kung may isa mang relasyon na nagtapos, malamang na isang bagong relasyon ng pagkakaibigan ang magsisimula.

Nadine Samonte nearly burned in fireworks accident

Naaksidente kamakailan ang young actress na si Nadine Samonte sa taping ng Super Twins, ang fantaserye ng GMA-7 na pinagbibidahan nila ni Jennylyn Mercado.

Ikinuwento mismo ni Nadine sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang nangyari sa kanya sa press con ng Magic Kamison kagabi, January 29.

"Ang nangyari, nanonood kami ng fireworks. May eksena kasi na may mga fireworks, pero hindi po ako kasama sa eksena. Katabi ko si Jennylyn. ‘Tapos ang nangyari po, habang nanonood kami, sabi ni Mama, tumingin ako sa baba kasi may mga naglalaglagan, baka matamaan ang mata ko," panimulang kuwento ni Nadine.

"Pagtingin ko sa baba, nasusunog na itong kaliwang braso ko! Actually, yung costume ko at yung mismong balat ko, nararamdaman ko, mainit na. Pagtingin ko, sunog na! Buti na lang, naka-guwantes ako. Inalis ko agad yung apoy, iniwas ko agad yung mukha ko," patuloy niya habang iminumuwestra ang mga ginawa niya.

Hindi na rin daw kinailangan na dalhin siya sa ospital dahil nilagyan naman agad ng burn ointment ang nasunog na bahagi ng kanyang katawan na malapit sa balikat. Ipinagpapasalamat din ni Nadine na hindi nasunog ang kanyang buhok dahil nakatali raw ito that time.

Samantala, uso ngayon ang split-up o cool-off among showbiz couples dahil sa kawalan ng oras para sa isa't isa. Ilan sa celebrity couples na recently ay either nag-split or nag-cool off dahil sa lack of time ay sina Ara Mina at Polo Ravales, sina Alfred Vargas at LJ Reyes, at sina Angel Locsin at Oyo Sotto.

Bagama't medyo late na ay hiningan na rin namin ng reaksiyon si Nadine tungkol sa pag-i-split nina Angel at Oyo, na ex-boyfriend ng young actress.

"Wala! Wala, ano'ng magiging reaksyon ko dun? Nakakalungkot lang kasi years na sila. Parang sayang naman. Pero wala akong masasabi, wala akong mare-react. Baka ma-misunderstood na naman ako. Basta sayang, sayang," pag-iwas niya.

Kinumusta rin ng PEP kay Nadine ang boyfriend niya for more than one year now na si Emerson Chua. Hindi ba nagiging problema sa kanila ang time para sa isa't isa?

"Hindi. Kasi kami, kapag nagkukulang na kami ng time sa isa't isa, naghahanap talaga kami ng araw na... Kasi mahirap yung nakukulangan ka na ng time e. Na nag-uumpisa yung nagkakasawaan na, nagkakaproblema na kayo, nag-aaway na kayo palagi," paliwanag ni Nadine.

"Talagang binibigyan namin yung relationship namin ng time. ‘Tsaka sobrang understanding niya, lahat iniintindi niya," sabi pa ng dalaga.

Kilala kasi ang mga Chinese sa pagpapahalaga nila sa kanilang kultura, kung kaya hangga't maaari ay gusto ng mga ito na Intsik din ang mapangasawa ng kanilang mga anak. Dahil Chinese ang boyfriend ni Nadine, hindi ba nagkaproblema ang young actress sa mga magulang ni Emerson?

"Actually, nagkaroon ng problema nung una. Pero lately, parang um-okay naman. Hindi naman sa mismong family niya kundi sa side ng father niya. Pero okay naman na," sabi ni Nadine, na magse-celebrate ng kanyang 19th birthday sa March 2.

Kasama si Nadine sa first season ng Magic Kamison, kung saan kasama rin niya sina Gladys Guevarra, Alfred Vargas, Iwa Moto, Carmi Martin, Mike Gayoso, at Miss Pilita Corrales, sa direksyon ni Khryss Adalia. Magsisimula na itong ipalabas sa February 4, Sunday, sa GMA-7.

 
  • Live Feed

  • About Kapuso Stars

    A collection of news, gossips, pictures and videos of your favorite Kapuso Stars. Please share your wisdoms to the readers of this blog by putting comments. As with all bloggers, I'm open to any offers to place advertisements (text or image or both) on my blog.

    Email: admin@kapusostars.com

    Kapuso Stars © 2007