Showing posts with label Diana Zubiri. Show all posts
Showing posts with label Diana Zubiri. Show all posts
Iza Calzado, umalis ng Siyete dahil kay Marian Rivera?!
Thursday, February 02, 2012
NAKAUSAP KO si Diana Zubiri at ayon sa aktres, nakatakda siyang pumirma nang panibagong kontrata sa GMA-7. “Ang loyalty ko kasi, nasa Channel 7. At alam nila iyon,” pahayag ng aktres nang makausap namin siya sa Broadway Centrum,a kung saan ay taping ng programang Celebrity Samurai na ang host ay si Joey De Leon para sa TV5.
Ayon kay Diana, no comment daw siya sa ginawang paglipat ni Iza Calzado sa Dos. Sabi ni Diana may dahilan daw siguro si Iza sa ginawa nitong desisyon. “Irespeto na lang natin kung ano ang gusto niya.”
Aminado si Diana na matagal na sila ni Iza sa Siyete pero after Encantadia ay hindi na siya nabigyan ng big project ng kanyang home network. Kung tutuusin ay may mga alok ang dalaga sa ibang network, pero deadma siya dahil mananatili sa kanyang puso ang respeto at pagtanaw nang utang na loob sa Channel 7.
Teka, sa totoo lang, usap-usapan na kaya raw umalis si Iza sa Siyete ay dahil si Marian Rivera lang ang binibigyang-importansiya ng Siyete. Mula nang dumating si Marian sa nasabing network, sina Iza, Karylle at maging si Diana ay hindi na napapansin pa ng nasabing network. “Hay, naku… no comment po ako d’yan. Ayokong magsalita tungkol sa bagay na iyan.” Pero aminado si Diana na, na kay Marian ang atensyon ng Channel 7.
Diana Zubiri, pipirma ng panibagong kontrata sa GMA7
Thursday, February 02, 2012
NAKAUSAP KO si Diana Zubiri at ayon sa aktres, nakatakda siyang pumirma nang panibagong kontrata sa GMA-7. “Ang loyalty ko kasi, nasa Channel 7. At alam nila iyon,” pahayag ng aktres nang makausap namin siya sa Broadway Centrum,a kung saan ay taping ng programang Celebrity Samurai na ang host ay si Joey De Leon para sa TV5.
Ayon kay Diana, no comment daw siya sa ginawang paglipat ni Iza Calzado sa Dos. Sabi ni Diana may dahilan daw siguro si Iza sa ginawa nitong desisyon. “Irespeto na lang natin kung ano ang gusto niya.”
Aminado si Diana na matagal na sila ni Iza sa Siyete pero after Encantadia ay hindi na siya nabigyan ng big project ng kanyang home network. Kung tutuusin ay may mga alok ang dalaga sa ibang network, pero deadma siya dahil mananatili sa kanyang puso ang respeto at pagtanaw nang utang na loob sa Channel 7.
Teka, sa totoo lang, usap-usapan na kaya raw umalis si Iza sa Siyete ay dahil si Marian Rivera lang ang binibigyang-importansiya ng Siyete. Mula nang dumating si Marian sa nasabing network, sina Iza, Karylle at maging si Diana ay hindi na napapansin pa ng nasabing network. “Hay, naku… no comment po ako d’yan. Ayokong magsalita tungkol sa bagay na iyan.” Pero aminado si Diana na, na kay Marian ang atensyon ng Channel 7.
Diana Zubiri at Robin Padilla, bigay na bigay sa kissing scene
Wednesday, May 09, 2007
PINAG-UUSAPAN ang halikang namagitan kina Robin Padilla at Diana Zubiri sa isang episode ng Asian Treasures. Kasi, pareho raw bigay na bigay ang dalawa sa first kissing scene nila.
Sa pagkakagalit nina Angel Locsin bilang Gabriela at Elias na role ni Robin, madaling nahulog ang loob ni Gabriel kay Ingrid na ginagampanan naman ni Diana.
Sa ngayon umiikot ang istorya sa pagkawala ng agimat na ninakaw ni Hector.
Dahil sa agimat na napunta sa ibang tao, naglabasan ang iba't ibang klaseng maligno.
Sa pagkakagalit nina Angel Locsin bilang Gabriela at Elias na role ni Robin, madaling nahulog ang loob ni Gabriel kay Ingrid na ginagampanan naman ni Diana.
Sa ngayon umiikot ang istorya sa pagkawala ng agimat na ninakaw ni Hector.
Dahil sa agimat na napunta sa ibang tao, naglabasan ang iba't ibang klaseng maligno.
Sexy Role for Jennylyn Mercado naudlot
Thursday, May 03, 2007
SILIP could have been Jennylyn Mercado's first sexy role pala sana.Done na ang principal photography ng Silip, Seiko Films' first movie of the year directed by Joel Lamangan from the script of Raquel Villavicencio.
It stars Polo Ravales, Diana Zubiri and Francine Prieto at sa Nueva Ecija ito nag-shoot. Both Polo and Diana shot their scenes in between their Lupin and Asian Treasures taping respectively.
Now, we heard it was originally offered to Regal Films pala and it
would have starred Polo pa rin but with a different set of leading
ladies, sina Jennylyn and Katrina Halili.
Okey sana ito for Katrina kaso tinanggihan daw ni Mother Lily ang movie for Jennylyn dahil she still wants to maintain Jennylyn's wholesome image.
Sayang, ready na rin yata si Jennylyn for mature roles like this.
Asian Treasures cast, pupunta ng China
Tuesday, May 01, 2007
TUTUTUKAN nang husto ni Robin Padilla si Diana Zubiri sa pagtuturo ng Muay Thai. Bale nag-train na si Diana sa ibang master ng Muay Thai, pero bago umalis ang grupo papuntang China sa May 16 ay dadaan sa masusing training si Diana under Robin.Balita sa amin ng source, gusto ni Robin na magpakita ng galing sa martial arts na ito si Diana na katulad ng ipinapakitang balasik ni Angel Locsin. Magkakaroon kasi ng tunggalian sina Angel at Diana sa kanilang taping sa China.
Nakatakdang umalis sa May 21 ang buong grupo ng Asian Treasures sa pamumuno ng production manager ng GMA-7 na si Redgie Magno. Tatagal ng two weeks ang taping sa China ng AT. Pupuntahan nila ang Macao at Beijing.
Saka, habang tumatagal ang soap, lalong nagiging seksi at maganda si Diana. Bagay sa kanya ngayon ang katawan niya dahil slim na siya.
Makakatapat na talaga ni Angel si Diana sa pagalingan sa martial arts, at sa paseksihan.
Samantala, gagamitin ni Angel (Gabriela) ang anting-anting niya para mapagaling si Elias (Robin Padilla). Si Hector ( Marvin Agustin) naman ay magpupusige para malaman kung sino ang pumatay sa
kanyang ama.
Diana Zubiri, game na game magpasilip!
Saturday, April 21, 2007
Ayaw ring paawat ni Diana Zubiri sa kakakayod. Tulad ni Ai Ai, isarin siyang babaeng walang pahinga.
Aba, kahit birthday ni Diana last Sunday (April 15), hindi pa rin
siya tumigil sa trabaho. Dumayo pa ang seksing aktres sa Nueva Ecija
para magsyuting.
Well, naging happy naman si Diana sa birthday niya kahit kumakayod
siya. Nakatanggap siya ng birthday cake mula sa staff ng Seiko Films,
at ipinaghanda rin siya ng mga kasamahan niya.
"Ang saya dahil nag-celebrate ako na kasama ko sina Francine Prieto,
Polo Ravales, at Direk Joel Lamangan. Syuting kasi `yun ng Silip, at
masaya ako na may trabaho ako kahit birthday ko."
Tapos na nga pala ang Silip, at ngayon pa lang ay ipinagmamalaki na
ni Diana na pare-pareho silang napaarte ni Direk Joel.
At giit pa ni Diana, bagay na bagay ang title na Silip sa mga eksena
sa syuting nila, dahil hindi lang isang beses na nasilipan sila ng
mga lalake sa syuting nila.
Hindi nga raw maintindihan ni Diana kung saan nanggagaling ang mga
tao sa syuting nila sa Nueva Ecija, dahil super sikreto at tagung-
tago na nga ang trabaho nila.
Pero `yun na nga, bigla na lang nilang napapansin na may mga matang nakamasid na lang bigla sa kanilang mga hubad na katawan.
"Hanggang likod lang naman ang nakita nila. Marunong akong magtago. Magsawa sila sa kasisilip!" nakangiting sambit pa ni Diana.
Angel at Diana, nagpasiklaban sa kaseksihan!
Tuesday, April 17, 2007
PAINIT nang painit ang laban nina Diana Zubiri at Angel Locsin sa Asian Treasures. Aba, hindi lang daw sa pag-arte at bakbakan naglalaban ang dalawa bilang sina Gabriela at Ingrid, kundi pati na sa pagandahan ng katawan.Last week ay nagmistulang tunay na beauty pageant ang naging laban nina Angel at Diana. Sa kuwento ng Asian Treasures, parehong sumali sina Diana (Ingrid) at Angel (Gabriela) sa Queen of Southeast Asia.
Sa isang eksena nga raw ay parehong rumampa na naka-swimsuit sina Angel at Gabriela. Ang maganda raw sa dalawa, wala silang kiyeme na nag-display ng kanilang mga katawan.
Ang suwerte-suwerte nga raw ng mga lalake sa paligid nu`ng mga oras na `yon, dahil hindi sila magkandaugaga kung sino kina Angel at Diana ang titingnan nila.
Eh, bukod sa dalawa, may ibang babae pa roon na nagka-swimsuit din. So, piyesta talaga ang lahat ng barako.
Sa pageant night na mapapanood sa day 3 ng week 14, ipakikita na malungkot si Gabriela (Angel) dahil hindi sumipot si Elias (Robin Padilla).
Abala kasi si Elias (Robin) sa paniniktik kay Socrates sa isang bar. Nagpanggap na Jamaican si Elias. Tipong, mahaba ang buhok, kaya mahirap makilala.
Siyanga pala, puring-puri nina Diana at Angel ang beauty pageant scene nila, dahil parang totoong-totoo nga raw. Mula sa stage na pinaghandaan talaga, pati na sa costume na ginamit ng mga kandidata.
Siyempre, may talent portion din sila. Sumayaw si Angel (Gabriela) ng singkil. At si Diana (Ingrid), abangan niyo kung ano ang ginawa niya.
Anyway, may kinalaman ang beauty pageant na ginawa nila sa Asian Treasures sa patuloy na pag-aagawan nila ng amulets.
Well, sa bandang huli ng beauty pageant, si Ingrid (Diana) ang nagwagi ng best in long gown, samantalang best in talent naman si Gabriela (Angel).
Pero, sino kaya sa kanila ang tatanghaling Queen of Southeast Asia? ‘Yun ang dapat niyong abangan!
‘Asian Treasures’ stars na-stranded sa Bangkok
Friday, March 23, 2007
NA-STRANDED sina Robin Padilla, Angel Locsin, Marvin Agustin, Diana Zubiri, Jaime Fabregas at ang production staff ng "Asian Treasures" sa Bangkok, Thailand on their way to Chiang Mai. Fourteen hours ang biyahe nila by train na puro bulubundukin ang dinaanan nila. Ayon sa tsika ni Lhar Santiago na nag-cover ng taping, nasa kalagitnaan na ang trip nila nang magkaroon ng engine trouble ang train at matagal silang naghintay bago naayos ’yon. Naubos daw ang mga chichiriyang baon nila sa tagal ng paghihintay at pati pagkain sa canteen ng train ay naubusan sila dahil may mga pasahero silang kasama papuntang Chiang Mai. "Waging-wagi" naman ang beauties nina Angel at Diana sa Chiang Mai, tsika pa ni Lhar. Parehong naka-short-shorts ang dalawa na pinagtitinginan ng mga tagaroon during the shoot ng isang eksena nila roon. Halos lumuwa raw ang mga mata ng mga Chiang Mai boys at may napapanganga pa pagkakita sa dalawang sexy stars ng "Asian Treasures." May mga Chiang Mai girls namang ginaya ang tastas na shorts ni Diana at ginupit-gupit din ng mga ito ang kanilang shorts. Sa isang restaurant naman ay napagkamalang waitress si Diana dahil naka-uniform siya. Nakaupo lang siya habang naghihintay ng take nang lapitan siya ng isang restaurant staff at tinalakan siya. Bakit daw nakaupo lang siya at hindi inaasikaso ang mga customer. Pagkatapos makunan ang mga eksena sa Chiang Mai, bumalik ang grupo sa Bangkok. Nag-enjoy si Angel sa pagsakay sa isang elephant, ayon kay Lhar. Asked kung may napansin ba siyang kakaibang kilos nina Angel at Marvin na natsitsikang may something special going on, "Wala!" ani Lhar. "Off-cam, sina Angel at Diana ang para-ting magkatsika. Normal lang ang nakita kong kilos nina Angel at Marvin. Si Robin naman, may ibang mundo."
Grupo nina Robin at Angel, 3-oras na-stranded sa gilid ng bundok sa Chiangmail!
Wednesday, March 21, 2007
CHIANGMAI: Inabot nang 17 hours ang train trip namin mula sa Bangkok hanggang Chiangmai para sa shooting ng Asian Treasures dahil nagkaroon ng engine trouble ang train na aming sinakyan.Tatlong oras kaming stranded sa gilid ng bundok habang hinihintay namin ang ipapalit sa lead train na nagkaroon ng aberya.
Alas-otso nang gabi (March 17) nang umalis sa Bangkok ang train at nakarating kami sa Chiangmai ng 12 noon.
Habang stranded ang train, tuluy-tuloy ang trabaho ng masisipag na staff at production crew ng Asian Treasures.
Hindi kami masyadong nakatulog dahil nakapuwesto kami sa upper deck kaya ramdam na ramdam namin ang malikot na galaw ng train.
Bilib kami sa sipag ni Eric Quizon (direktor ng Asian Treasures) at ng kanyang mga artista na sina Robin Padilla, Marvin Agustin, Angel Locsin at Diana Zubiri.
Walang sinayang na oras si Eric at alam na alam niya ang kanyang Nakakaisip kaagad siya ng paraan sa tuwing may mga eksena na hindi ginagawa. makukunan dahil sa kakulangan ng oras.
***
Kitang-kita namin ang makapal na usok na resulta ng forest fire sa Chiangmai. Ilang araw nang laman ng mga diyaryo sa Thailand ang aksyon na ginagawa ng gobyerno para masugpo ang forest fire na nakaapekto sa libu-libong residente ng Chiangmai.
Nang makarating ang grupo sa Chiangmai, nagkaroon sila ng quick lunch at bumalik agad sa pagtatrabaho.
Kinunan ni Eric ang pagbaba mula sa train nina Robin, Angel, Marvin at Diana.
***
Nag-check in ang lahat sa Lotus Hotel, Pang Suan Kaew pagkatapos ng shooting sa Chiangmai Railway Station. Nang mailagay sa respective rooms ang mga bagahe, dumiretso ang lahat sa handicraft store para sa eksena nina Marvin at Diana.
Mabilis na kinunan ang eksena dahil hinabol ni Eric ang paglubog ng araw sa Paradise Spa and Resort.
Inabot nang hating-gabi ang shooting sa Pa-radise Spa and Resort dahil dito kinunan ang mga eksena ng training ni Jaime Fabregas sa apat na bida na nag-uunahan na mahanap ang Asian Treasures.
Angel at Robin, na-stranded sa Surigao
Tuesday, February 27, 2007
NA-STRANDED the other day ang buong cast ng Asian Treasures, sa pangunguna nina Angel Locsin at Robin Padilla, sa Sohotan Cave, Surigao del Norte. Bangka lang ang nakararating sa nasabing island cave na dalawang oras ang layo sa city. Pero pati ito’y hindi na nakayang pumasok nang biglang mag-high tide sa lugar.
Hindi na tuloy nakauwi ang cast at crew sa hotel na tinutuluyan sa Surigao City. Minabuti nilang matulog sa toldang ginagamit na pahingahan habang nagti-taping.
Sabi ng production manager na si Redgie Magno, nagpadala na ng security forces si Surigao Governor Lyndon Barbers para maprotekhaan ang mga artista at staff sa kuweba.
Kaya paggising ng mga artista, nagulat sila sa rami ng bangkang dumating sa set. ’Yun pala, pagkati ng tubig ay nagsipagsagwanan na ang taga-village na fans nina Angel, Robin, Diana Zubiri, Marky Cielo at Glaiza de Castro patungo sa kuweba para makita sila.
Hanggang Feb. 28 pa tatagal ang 60 stars and staff sa Surigao, dahil sa March 11, tutuloy na sila sa Bangkok, Thailand, para sa dalawang linggong taping.




