Showing posts with label Boracay. Show all posts
Showing posts with label Boracay. Show all posts
Mark's hot summer
Thursday, May 03, 2007

this iGMA exclusive.
As a product of StarStruck, Mark says that he catches up on bonding
time with the show's alumni every year. "Actually, si Buboy (Rainier
Castillo), di ko pa nakakasama, pero mostly kaming mga StarStruck,
sila Cj (Muere), sila Mike (Tan), siguro never pa kaming umalis na
below 15 kami. Pero mostly guys, kaya tawag dun `betlog party!'
To stay fit this summer, Mark imparts that the easiest way is to
have a proper diet, aside from "a work-out, and less inom, kasi inom
nakakapagpalaki ng tiyan!"His number one summer destination is
Boracay, since he hasn't been there yet. Surprisingly, though, Mark
isn't too keen on sunbathing, and says that a summer no-no for him
is "magbabad sa araw."
"Beach or pool?" we asked him. "Pwedeng parehas, pero, (kung) isa
lang, beach, (kasi) maganda, walang paparazzi!" This guy prefers to
lounge by the shore in board shorts and his summer fashion statement, shades and a necklace. He'd like to cool off with a halo-halo that fits his specifications, particularly "sago, gulaman, ube,
leche flan, (at) saging lang." When asked to give his top three summer spots, Mark named Boracay, his barkada's private pool (a favorite barkada hangout), and Baguio.
Fun with Fanatxt!
Because we know that you still can't get enough of Mark, we compiled some of your Fanatxt questions for him to answer! One of these questions might be yours, so what are you waiting for?
Bakit kayo naghiwalay?
Bakit nga ba? Kasi private eh, personal (`yung reason). Pero hindi po third party. After na lang ng break-up naging issue `yung third party, kasi wala na kami nun eh, so pwede na akong mangbabae nun! Hahahaha!
Pwede pa ba kayo magkabalikan ni Jennylyn?
Ah..tingnan natin, hindi rin natin masasabi. Baka naman sabihin ko oo, tapos hindi (pala). Hintayin na lang natin kung ano ang mangyayari.
Sino ka-date mo nung Valentine's?
Actually, nasa shooting ako ng indie-film `nun so wala rin akong ka-date nung Valentines.
Mahal mo ba si Katrina Halili?
Kami ni Kat, magkaibigan lang naman talaga kami, wala namang meaning `yung closeness namin before. Actually, kaya lang siguro nabigyan ng parang meroon akong masamang balak about Kat kasi ngayon lang kami lumabas, parang kaya kami na-issue. Kasi parehas pa kaming walang ka-relationship di ba? Kaya sabi nila niligawan ko si Kat, which is di naman po totoo.
Who is prettier, Ryza or Jen?
Honestly naman, of course, Jen, kasi `yung isa, parang medyo bata pa yung (features).
igma.tv
Angel and her new black boyfriend, Hummer
Thursday, May 03, 2007


Sa laki ng bagong Hummer ni Angel Locsin, hindi mo iisiping babae ang may-ari nito. Dala-dala niya ang nasabing sasakyan sa post birthday party last Sunday with Gabriela at pagkalaki-laki niyang nakaparada sa harap ng studio ni Becky Aguila sa Commonwealth.
Super ganda nga ng nasabing sasakyan, which we found out, ay dream vehicle pala ni Angel. Mas maliit lang ito nang kaunti sa truck at ang unang impresyon kapag nakita mo'y sundalo ang may-ari at lalaban sa giyera.
Eh, black pa ang kulay, kaya mas masculine ang arrive.
Bakit ba niya naisip na bumili ng panlalaking sasakyan?
"Para mas astig, 'di ba?" aniya. "Saka noon pa talaga, gustung-gusto ko nang magkaroon nito, bata pa ako pangarap ko na 'to."
Kaya naman kahit mahal (more than P5M) at presyo na ng isang bahay at lupa, pikit-mata itong binili ni Angel kesa lifetime na pagsisihan na hindi niya pinagbigyan ang gusto.
Besides, Angel deserves it dahil todo-kayod naman ang dalaga sa pagtatrabaho.
Anyway, ang nasabing affair with Gabriela, titled Gabriella Meets Gabriela (ito kasi ang pangalan niya sa Asian Treasures), ay pinaghandaan talaga ni Angel. Nag-enjoy ang mga miyembro sa parlor games, kantahan, inuman at sayawan.
Bukod kay Angel at sa Gabriela members, dumalo rin ang ilan sa mga cast ng Angels na sina Marvin Agustin, Paolo Paraiso, Marco Alcaraz, Valerie Concepcion at Eunice "Charming" Lagusad.
Habang ongoing ang event, parating magkadikit sina Marvin at Angel. Looks like nakatulong ang Boracay trip para lalo silang maging close.